Hi!
Kung binabasa mo na ito ngayon, it's either tapos na tayo magkita o nakabalik na ako ng Manila. I am writing this exactly 2 days after I found out that I am no longer your partner in life.I've been in hell for this past few days.. Wala akong magawa, malayo ako eh. Siguro nga nagkulang ako, napagod ka. Pero... tingin ko that's not enough reason for you to do this to us. I am sorry I made you feel alone. I am sorry that I didn't exert enough effort to make you feel loved.
I can't help but stalk your profile hoping that you already changed your profile picture. Alam mo yun? Yung sobrang liit na hope na sana... sana wala na yung picture. Sana ako na lang ulit yung kasama mo sa picture. Sana hindi na lang ako umalis. Sana ako pa din. Sana tayo pa din. Pero sa araw-araw na itinatagal ko na malayo sayo, walang araw na di ko iisipin kung ano ang ginagawa nyo.. Na sana ako pa din yung kasama mo. Sorry kung may point sa pagsasama natin na minaliit kita. Gusto ko lang na magstrive ka for us. For our future. Sobrang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I am so sorry... I know I pushed you away.. I know I deserve to be left behind... pero I just don't think that I deserved to be treated like this.. I wasn't even aware that we already broke up... that you are already in a relationship with another woman... This is too much for me. Too much pain. I hope I will be able to recover from this. Me too, I miss the old us. Happy and together. Torture itong nangyari sa akin. Ako lang mag-isa. Wala akong karamay.
Sorry kung nagtext pa ako sa mama mo. Sorry kung minessage ko yung bago mo sa social media. Those are just my little efforts to fight for you... to fight for us. But the odds are never in my favor. Please help me understand. Sorry kung nawalan ako ng time. Sorry. But you caught me off guard. Inisip ko na may babalikan pa ako, na may sasalubong sa akin, na hindi na ako mag-iisa. Kasi sabi mo mahal mo ako. Yun kasi ang pinanghawakan ko. Naging kampante ako. Naging komportable ako. Napabayaan kita.
Ganito pala kasakit yon. Oo strong ako, pero I was never made for this. You assured me that I will never be hurt. I believed in you. I am so damaged. I am beyond repair. I never thought that this will happen. Kapag naaalala ko kung paano ka makitungo sa pamilya ko, nadudurog ang puso ko. Akala ko ikaw na. Akala ko tayo na stability na lang ang kulang. Kaso bumitaw ka bigla, naging magkaiba na yung pangarap natin.
Ang sakit sakit. Nawalan ako bigla ng gana sa lahat. Lately naging awkward na ang lahat. Alam ko na wala na. Your love for me already reached it's limit. You already have her. I have no one. Kapag naiisip ko, natutulala ako. Magpapasko pa naman. Don't worry. Alam ko naman na matagal na kayo. There's no use for me to fight. You already did me wrong. You didn't even gave me a chance to fight for you. For us.
2:58 pm
Kakatapos ko lang kumain. Alam mo? Ang dami ko ng alam lutuin. Kaso di ko na mapapakita sayo. Mamimiss ko ang luto mo. Alam ko na may iba ka ng ipinagluluto ngayon. Gusto ko pa rin syempre ako pa rin. Kaso sa twing maiisip ko na may iba ka na, parang masisiraan ako ng bait. Dati sabi mo ako lang. Sabi mo hinding hindi mo ako lolokohin. Pero bakit nangyari ito? I never expected this to happen. You promised. Everytime na maiisip ko yan. Parang ayoko na magising. There's a part of me that's still hoping na we will still be together. Pero hindi na eh. May kaholding hands ka ng iba, at kung ano pa man na pwede ninyong gawin habang malayo ako. Kahit papano, thankful pa din ako na kahit ganito yung nangyari, nalaman ko na marami pa ding nagmamahal sa akin.kahit na alam ko na ayaw mo na, madami pa din akong pwedeng paghugutan ng lakas. Oo sayang ang tatlong taon pero kung mag stay ako para lang don, dadagdagan ko pa yung memories na panghihinayangan ko.
Balik nanaman ako sa ganito, papel at ballpen nanaman ang kaharap ko. Naalala mo ba sabi mo dati na I don't need to do this anymore kasi I already have you? Wala lang, naisip ko lang. Sobrang daming flashbacks today. Tulad ng first time mo nameet ang parents ko. Para tayong tanga noon. To the point na tumakbo talaga ako. Lahat ng ginawa natin, pati yung song na "loveteam" lahat lahat. Ang dami nating memories no? I am getting ready to build new awesome memories with you kaso you already built new memories with someone else. It's too late. Pero there's no point for me to expect. Kasi kahit ganito ginawa mo, mahal pa din kita. Kaso wala na. May iba ka na.
Sobrang sakit. Sana hiniwalayan mo ako ng maayos. Habang sinusulat ko to, I was kinda hoping na sana tamaan ako ng kidlat. I am always finding ways to end my life. Sana maexplain mo at masabi mo ang totoo sa pagkikita natin. Inisip mo man lang ba ako nung ginawa mo to? Kung ano ang mararamdaman ko? Ano ba ang inisip mo nung nakipaglandian ka sa iba? May pakialam ka pa ba sa akin? Bakit nakipagrelasyon ka sa kanya ng hindi tinatapos yung sa atin? Bakit iba na ang profile pic mo? Bakit mo kami inunfriend? Bakit mo ako niloko? Bakit ka nang two time?
5pm na. Dapat natutulog na ako kaso hindi ako makatulog kasi umiiyak ako palagi. Kasi sobrang sakit. Kulang ang salitang yan para madescribe lahat. Nagsulat ako kasi wala akong makausap. Gusto kong idocument lahat ng nararamdaman at naiisip ko habang pinagdadaanan ko ito. Ayokong bumitaw. Ayokong ipaubaya ka sa iba. Kaso wala na. Ikaw ang bumitaw sa akin.. just give me my closure. I love you enough to say I love you even though you don't love me anymore.