Chapter 1

24 1 0
                                    

Dylan's POV

"Masarap ang coffee at music kapag ganito kalakas ang ulan ah, makapagtimla kaya ng kape?" bulong ko sa sarili ko

Lumabas ako ng kwarto at bigla kong napansin si Jack, ang kaibigan ko na nanonood ng balita.

"Ang ulan na nararamdaman sa Luzon ay hindi na magtatagal ng 12 oras hanggang 24 oras." ang sabi sa news.

"Oh, pare buti at naisipan mong lumabas sa kwarto mo" ang sabi niya

"ahh oo pero saglit lang ako pre, magtitimpla lang sana ako ng kape habang nakikinig ng music" ang biglang sagot ko

"Osige pre, pero parang wala nang black coffee at cream diyan sa kusina eh, pero check mo baka kaya mo pang pagkasyahin" ang sabi niya habang nakaturo sa kusina

"osige pre tignan ko nalang" ang sabi ko naman sa kaniya.

Oo nga tama siya, wala nangang kape dito, wala akong choice kundi para bumili sa convenience store. Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng isang daang pesos saka sinuot ko nadin ang hoodie kong itim at kinuha ko ang cellphone at payong ko.

"Oh pre, saan ka pupunta" nagtatakang tanong ni Jack

"Pre, bili lang ako ng kape at cream nadin" agarang sagot ko.

"ahh osige pre mag-ingat ka at pinagbilin ka sakin ng mama mo" tumawang sabi niya.

"Alam mo, pabayaan mo nalang yon, wala naman nang pake sakin yon at saka, wag mo nga akong bini-baby, nakakaines kaya" nakangiting sabi ko

Umalis si Mama para magtrabaho sa Japan, mahigit 13 years nadin siyang hindi umuuwi ng Pilipinas kaya 13 years narin akong nawawalan ng patnubay at kalinga ng isang ina. Nakakausap ko naman siya through messenger at skype pero swerte nako kung manyari yon ng twice a month. Si Mama ay may pamilya narin sa Japan, may anak narin sila ng hapon niyang kinakasama at hindi sana mangyayari yon kung hindi lang lumandi tong tatay ko. May bagong kinakasama narin si Papa sa probinsiya at mayroon anak nadin silang babae si Christina habang ako naiwan sa gitna, nih wala nga akong balita tungkol sa tatay ko eh. Ewan ko ba sa ibang lalaki kung bakit kailangan nilang magloko, saktan, at iwan ang mga babae? Ganon nalang ba kadali yon? Di ko alam kung kinikosesya pa'ba sila. Dati, naalala ko na sabi ng lola ko bago siya mamatay na ang pagmamahal daw nilang dalawa ay parang aso't pusa at hindi sila magkasundo, na parang kulay orange at green kase hindi sila bagay.

Habang naglalakad ako papuntang convenience store ay biglang nilipad ang hawak kong isang daan pesos.

"Hayop naman oh" ang naiinis sabi ko.

"Hayssst, Minsan kase kapag hawak- hawak niyo na, wag niyo nang bitawan, kase baka mamaya, magsisi kayo na yang binitawan niyo ay may mas malaking halaga pala sa buhay niyo."

Nagtataka ako kung sino ang nasasalita at napakapabibo naman niya para magsalita. Tinignan ko sya sa tabi at nginitian ako.

"Anong hinihintay mo? Kunin mona Hello? At anong tinitingin-tingin mo diyan? Isang daan din yan" sabi niya.

Ang arte niya magsalita, akala mo naman kung sinong maganda, maputi lang maman. Kinuha ko ang isang daan pesos sa kalsada at iniwan siya.

"Ayyy!! Ang suplado mo naman brader!" ang sabi niya

Suplado talaga ako kaya kapag hindi ko gusto ang isang tao, bagay, hayop, pook o pangyayari ay kukunot nalang ang noo ko at Ayokong magsalita lalo na sa kaniya, di ko siya kilala at wala akong pakialam sa kaniya hanggang sa...

"Sayang ang gwapo mo pa naman, try modin kayang magsmile at parang guguho na ang mundo mo dahil dyan sa kasimangutan mo" nakakairitang sabi niya

"Alam mo! Kung wala kang pakialam sa buhay mo, GANON DIN AKO! at tignan mo ang lakas lakas ng ulan oh, madilim na nga yang langit mas magdidilim pa nang dahil sayo at kung ako sa'yo umuwi ka na lang" malakas na pagsabi ko.

Out Of Life (Next Chapters Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon