Chapter 2

18 0 0
                                        

Dylan's POV

Basang-basa ako nang ulan nung dumating ako sa apartment namin nila Jack, kaya agad kong kinuha ang twalya ko sa kwarto para magpunas ng katawan  at dumiretso narin ako sa banyo pag kaligo. Diko alam mararamdaman ko habang naiisip ko yung nangyari sakin kanina kasama si Mikaela na ubod ng arte at napakapabebe. Pero medyo na-guilty din ako kase nasigawan ko si ateng cashier. Pagkatapos kong maligo kinuha ko yung kape at cream na binili ko sa sala kase bago pa man ako pumunta ng kwarto para kunin yung twalya ay hinagis ko upuan sa sala ang mga ito. Habang nagtitimpla ako ng kape ay biglang lumabas si Jack sa kwarto niya at nagtataka kung bakit basang-basa ang sahig.

"Dy? Bakit basang-basa tong sahig? Tanong niya

"Ah, basang-basa kase ako galing sa convenience store kaya nga eto napaligo ako ng wala sa oras" tugon ko

"Di'ba at may dala kang payong kanina? Anong nangyari bakit basang- basa ka? Nagtanong siyang muli

"Wala may babae lang kase kanina sa Convenience Store kaya ayon pinahiram ko muna" sabi ko

"Ha? Babae? Chixx ba yan o babes?" tanong niya na may kasalong konting pang-aasar.

"Ha? Diko  nga siya kilala at wala akong balak kilalanin siya, oh? Gusto mo ba ng kape? Sabi ko

"Ahh usige, alam mo naman timpla na kape ko ha, yung kay cream" tugon niya

"Kaya nga bumili ako ng cream para lang sayo" sabi ko naman sakanya.

Hindi ako mahilig sa kape na may cream, di rin ako mahilig sa kape na 3 in 1. Purong kape lang na may kasamang dalawang kutsarang matamis lang ang pinakagusto kong timpla ng kape. Pag katapos kong magtimpla ng kape ay agad kong binigay kay Jack ang kape niya at papasok nako sa kwarto hanggang sa nagsalita muli si Jack.

"Salamat Pre ha!" aniya

"Ano kaba? Parang kapatid nakita at saka kape lang yan pre kaya inumin mo na yan bago pa lumamig" tugon ko sa kanya.

Babalik nako sa kwarto upang makinig ng music pero nagsalita si Jack.

"Maganda ba? Mabait? Ano kwento ka naman jan pre" curios siya

"Una ay hindi siya maganda, pangalawa ay hindi siya mabait at pangtlo nakakasira siya ng bait at pang-apat napaka-arte at napaka pabebe, oh ano? Type mo?" agad na sagot ko.

"Ahh pag-isipan ko pre pero kwento mo sakin kung ano nangyari kanina, ano nagkiss ba kayo? " ang sambit niya

"Bahala ka sa buhay mo, diyan ka na nga" ang agad na sagot ko.

Jack's POV

Hayst, 2 years nang ganyan si Dylan. Laging nasa kwarto, hindi masyadong nagkekwento at mas lalong hindi suplado. Diko nga alam kung bakit siya nagkakaganyan pero nagsimula yan nung nawala si Kyla sa buhay niya. Si Kyla Alyson Guizon ang first love ni Dylan, pambihira 4 years din silang nag sama non at halatang halata mo na mahal talaga nila ang isa't isa.

RING,,, RING,,, RING,,,

May tumatawag sa telepeno ko at si Ella pala ang pinsan kokaya agad ko itong sinagot.

"Hello Ella?" ang sambit ko

"Hello Pinsan? Gusto kolang ibalita sa iyo na yung utang mo saking wampayb ay kailangan onang bayaran kase diba nga kailangan kona bumili ng books para sa next sem." sabi niya

"Ah, eh wala pako pera pinsan eh, kailangan mo na ba? Tanong mo sa kaniya.

"Oo diba umpisa na next sem next week? Oh miyerkules palang naman ngayon, kukunin ko nalang sayo ng monday next week? Wag mong kakalimutan insan kase kailangan ko yan" sabi niya.

Out Of Life (Next Chapters Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon