Dylan's POV
Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko pa ba ang tawag ni mama o hindi ko nalang papansinin, pero wala nga akong magawa kundi sagutin nalang para hindi nako kulitin pang tawag-tawagin.
"Anak, Miss na Miss nakita" naluluhang sabi niya.
"Kung Miss mo nako Ma edi sana umuwi ka nalang diba" sabi ko habang umiiwas na tignan siya sa phone screen.
"eh, alam mo naman anak na hindi ko maiwan ang kapatid mo dito dahil masyado siyang bata, sana naman maintindihan mo" sambit niya.
"Eh Ma, ano mo ba ako? Diba anak mo din naman ako Ma diba? Ilang taon ba ako iniwan nung pumunta ka jan sa Japan? Diba Ma sampung taon pa lang ako noon? ." naiiyak na sabi ko
"Eh, anak sabi ko naman sayo sumunod ka nalang dito sa Japan, mas gaganda buhay mo dito" aniya
"Mas gaganda ba o gagawin mo lang na miserable? Ma naman, ayokong makita kayo ng kinakasama mo na masaya at ng anak mo, ayoko makita kayong masaya habang ako nag iisa. " sabi ko
"Kapatid mo siya anak" aniya
"Hindi ko hiniling na magkaroon po ako ng kapatid, hindi ko din po hiniling na iwan mo ako para gumanda lang ang buhay ko, at mas lalong hindi ko po hinihiling na kunin mo ako para pumunta jan sa Japan Ma" sagot ko sa kaniya
"Eh anak ano ba ang gusto mong gawin ko para maibsan ko yung galit at lungkot na nararamdaman mo" ang patanong na sabi niya.
"Marami ka nang na- missed ma, madami kanang mga mali na dapat punan, oras na siguro para itama mo naman lahat to Ma" paalala ko sa kaniya
"Paano ko naman gagawin yon anak, sabi ko naman nga sayo na hindi ko kayang iwan ang kapatid mo dito sa Japan diba?" aniya
"Kung ako Ma nagawa mong iwan na anak mo, dapat siya din" ang sambit ko
"Pero anak"...
"Sawa nakong intindihin ka Ma , sawa nakong magpaikot sa mga sinasabi mo, bumuwis ka naman Ma kahit ngayon lang" sabi ko
Tut,,, tut,,, tut,,,
Pinatay ko ang cellphone.
Bakit ganon siya? Diko alam kung bakit hindi niya maiwan ang anak niya sa Japan. Diba niya ba ako naiisip na madami na siyang pagkukulang sa akin pero wala naman na akong magawa kundi tanggapin na lang na kahit anong gawin kong pagmamakaawa, hindi siya babalik. May mga oras na sobrang kailangan ko ng yakap niya dahil sobrang sakit na. Segundo, minuto, oras, araw, buwan, at taon akong umaasa ako na baka mamaya o balang araw makita ko nalang siya sa pinto ko. Pero sa tingin ko hindi na talaga mangyayari iyon.
Ella's POV
Hindi ko matago sa kaibigan ko na si Mica kung ano nangyari sa akin kanina kasama yung suplado na yon, hayyysst sana pag nagkita kami maalala niya pa ako kase (sigh) crush ko na ata siya.
"Oy Ella, ang lalim naman ng iniisip mo" si Mica ang kaibigan ko.
"Hayst Mica kung alam mo lang kung anong nangyari kanina sakin" ang sabi ko
"Ha? Anong nangyari sayo? OMG Ella! Di kana Virgin? Ano kaba diba sinabi ko sayo na dapat ako muna ang mauuna, diba? Sabi niya na may pagka-OA
OA talaga si Mica, kung ano ano nalang yung iniisip, kung hindi niya lang ako kaibigan baka napagkamalan konang baliw to.
"Anong virgin, virgin yang sinasabi mo? FYI may dignidad ako no at saka ano tong sinasabi mo na ikaw dapat ang mauna?" agad na sabi ko
"Ah diba sabi ko sayo na ako yung ano diba yung mauuna mag ano ahuehueheu" mahinhin na sabi niya
BINABASA MO ANG
Out Of Life (Next Chapters Ongoing)
RomanceLove was unbeakable. Being too attached to someone's arm doesn't mean you're both in love. This story is about Mikaela Rodriguez who fell lnlove with Dylan Guizon that's been broken because of his past relationship with Kyla Alyson Marquez. Ella's...