Suvarnabhumi Airport..
"Jim, sure ka bang darating yung best friend mo?"
Halata sa mukha ni Tommy ang pagkainip. Isinandal ang ulo sa headrest at pumikit.
Napatingin si Jimmy sa relo."Wag ka ngang oa. Fifteen minutes palang naman tayong naghihintay. Sabi ko kasi sayo wag ka nang sumama magsundo eh," sagot ni Jimmy at muling tumingin sa entrance ng airport.
"Gusto ko nga kasing makita yang bestfriend mo. Naku-curious ako,"
"Ayun na siya!" Biglang sabi ni Jimmy. Sabay labas sa sasakyan at kinawayan ang bestfriend niyang halos two years nyang hindi nakita dahil lagalag.
Bumaba si Tommy sa sasakyan. Nakita niya si Jimmy na niyakap ang bagong dating. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil bukod sa naksumbrero ito, nakasaklob pa sa ulo ang hood ng jacket na suot. May nakasukbit na guitar sa balikat. Inakbayan ni Jimmy ang kasama habang hila ang suitcase nito.
"Wtf--" bulalas ni Tommy ng tuluyang nakalapit ang dalawa.
"Jazz, si Tommy. Tommy, si Jazz, best friend ko," pagpapakilala ni Moi. Saka nilagay sa compartment ang gamit ni Jazz.
"Hi, Tom," inilahad ni Jazz ang kamay at naghandshake sila.
"This is not what I expected," bulong ni Tommy sa sarili.
"You're saying something?" tanong ni Jazz.
"Ha? W-wala. Sabi ko tara na at naghihintay na sila sa atin,"
Jazz looks confused. Tumingin siya kay Moi.
"Naghihintay? Sino? Bakit?"
"Wala. Sige na, sakay na at explain ko nalang sayo on the way," sabi ni Moi.
*****
Tommy's POV
Whew! I never expected na babae pala si Jazz. I mean, the way na i-describe ni Moi ang best friend niya, akala ko tough guy ito. Akala ko lalaki rin. Akala ko nga mas matangkad pa kay Moi na 6 footer. Yun pala, hanggang balikat lang niya. G*g* rin magkwento tong si Moi.. sabi niya pang-MMA si Jazz. Eh mukha ngang hindi makapalo ng langgam.
"Moi, two weeks lang ako dito sa Thailand like what I've told you before. Magkikita kami ni Aunt Lei sa Singapore after ng trip ko dito. So what's our itinerary? San tayo papasyal?" Excited na tanong ni Jazz.
I smirked. Patay ka ngayon, Moi..
Moi sighed. Heto na. Revelation na!
"Well, ganito kasi yun, Jazz.. Nag-start na ng airing yung series namin nila Tommy. Pero maraming episodes na rin ang na-shoot na. Maganda ang feedback ng first episode so as a reward, binigyan kami ng two weeks break."paliwanag ni Moi.
"O, ayos pala eh. Magkasama tayo the entire two weeks na nandito ako. Hindi ko kahati ang work mo. Akin lang ang time mo."sagot ni Jazz.
Napasipol ako. Demanding ang lola mo, Moi! Tsk! Tsk!
" Actually, Jazz.. Hindi ko naayos ang itinerary natin. I mean, wala akong nagawang plan kung san tayo unang papasyal.."
Ramdam kong ninenerbyos ang partner ko.
"So that explains your worried look. Ok lang yun, Moi. I understand. Busy ka sa work mo eh. Anyways, madali na yun. We could search through internet. Palagay ko maraming magagandang tourist destinations dito," nakangiting sabi ni Jazz.
YOU ARE READING
Moi and Jazz
FanfictionMoi and Jazz were best friends..Though they are of different personalities, they get along so well. Moi is a rising BL actor while Jazz is a tripper. Upon visiting Moi in Thailand, Jazz showed affection towards Saint, Moi's co-actor. Everything is f...