Chapter 3

0 0 0
                                    

Chynna's POV

Wow himala di ata nambubulabog ng tulog ang aking tiyahin hmm nasan kaya yun baka namalengke.Napainat ako dahil sa sarap matulog at ang bango bango pa ng kwarto ko.Parang bagong palit.

Maya maya pa ay nakarinig ako ng mga tinig na nag uusap.

Wait may tao ba sa kwarto ko maliban sakin?

"Ano ba wag nga kayong magbangayan diyan.Kita niyo dibang may natutulog"

"Ito kasing si Jasper napakakulit grr"

"Anong ako ikaw kaya taba"

"Aba't sinong mataba?!"

Maya maya ay biglang parang may nabasag sa mga gamit ko.whaaaaaa baka yung mahal kong lampshade nabasag whaaaa

Napamulat ako bigla dahil nagkanda basag basag na ang mga gamit ko sa kwarto.

"Whaaaaaaa sino kayo?!anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?!whaaaa mommaaa.auntie may magnanakaw na nakapasok."

Dali dali naman sila sa pagtakip ng kanilang mga tenga dahil sa sigaw ko.Napatingin ulit ako sa kanila.Wow grabe naman tong mga magnanakaw na ito ang gaganda't ang gugwapo.Tapos parang mayayaman din sila eh bakit dito sila samin nagnanakaw di sa kapitbahay namin.

"Miss wait wag kang magpanic.Di kami magnanakaw."sabi nung babaeng blue ang hair.Wow ang ganda niya.

Hala natotomboy na ata ako ang ganda ganda niya.Pero dont decieve by her looks.Baka yan yung ano nila para makapagnakaw.

"Bakit nasa kwarto ko kayo?!Nasan ba ang auntie ko?"taranta ko pa ding tanong.Eh kasi naman di naman mababago nun yung fact na pumasok sila sa kwarto ko ng di nagpapaalam.

"Miss wala ka sa kwarto mo nasa dorm ka ng girls"sabi naman nung girl na white ng hair.Ang ganda niya din.Nandito lang pala yung mga kalahi ko.

Tsaka pa lamang nag sink in sakin ang mga sinabi niya.Nilibot ko ang aking mga magagandang mata sa paligid ko.Kung di sila magnanakaw.eh di isa silang....

"Whaaaa momma mga kidnappers kayo.Wala kaming pera,kung yun ang hanap mo.Whaaaaa"momma natatakot na talaga ako.Bat naman kasi ako pa ang napili nilang kidnapin eh marami namang mayayaman jan kesa samin.

Nadamay na din ang mga tao dito sa kwarto sa pag sigaw ko.eh ikaw ba naman ang sigaw ng sigaw makita mo lang.Self kalma okay.Masyado ka nang oa.

Pinakalma ko naman ang sarili ko bago humarap sa kanila.Tumigil na din sila sa kakaikot sa kung saan saan.Nakakatawa pa mga itsura nila.

Yung lalaking brown ang hair nakayakap dun sa babaeng white hair.Tapos yung green na  hair na lalaki naka piggyback sa kanya yung blue hair.Ang Cute nila.hahahah

Tsaka pa lang nila narealize yung mga posisyon nila ng makita nila akong nakangite habang kinikilig.

"Hoy taba bumaba ka nga jan ang bigat mo.Baboy ka talaga"sabi nung blue ang hair.

"Hoy ka din ang kapal ng mukha mo.Ang sexy ko kaya"ganti naman nung white hair.Ta nagsimula na naman silang magbangayan.

Tapos yung dalawa naman sa gilid ayun nagbitaw nga pero namumula naman ang mga pisngi..hmm i smell something fishy.

Bigla na lamang bumukas ang kwarto na sinasabi nilang dorm tapos nilabas ang isang babaeng maganda din at isang lalaki.Ang hot nung lalaki bumagay sa kanya yung red hair niya.hihihi

Mythical Elements AcademyWhere stories live. Discover now