CHAPTER TWO

2 0 0
                                    

"Ren ano ba?! Wag nga!" Pagtataboy ko sakanya. Argh, nakakainis na tong lalaking to. Talsikan ba naman ako ng sago sa buhok? Ang lagkit lagkit kaya nun tsaka hindi ba nya alam na pinagtitinginan na kami ng mga tao dito?

Ay bakit ba kasi ako may paki sakanila? Tss, I don't care. They're just gonna ruin my day. "Ang pikon mo talaga Rie." Natatawa nyang sabi. Aba, he doesn't have the rights to laugh over me! Argh! Imbes na sagutin ko pa sya, I just rolled my eyes, heavenward.

"Pabayaan mo na kasi yan, bae. Alam mo naman yan papansin.. papansin sayo." Nilingon nya si Ren at nakita ko naman na pulang-pula na ang mukha nya sa galit. Natawa lang si Zia sa reaksyon ni Ren.

Walang gusto sakin si Ren at mas lalo ako. Hindi porket, ka-close ko sya it means kami na. That's a big NO.

"Sige, mauna na ko. Baka masira lang araw ko sainyo. Magka-wrinkles pa ko. Tss." Tumayo na sya at nagsimulang maglakad palabas. Kahit kailan talaga, pikon.

Nasa mall kasi kami dahil sa isang fan meeting. I really hate these stuffs. Masyadong OA ang mga tao. Argh, so ew. Lumaki akong artista kaya kilala na ko ng mga tao.

Kilala nila ko bilang isang napakabait na bata. So pure and innocent. Pero syempre, people are like seasons, changing. At hindi na ako bata. I'm a fully grown girl. 17 na ko.

Tumayo na ko sa upuan at pumunta sa dressing room. Akala ko hindi nakahanda yung mga susuotin ko para mamaya. Subukan lang nila kong hindi asikasuhin, ibabagsak ko sila. Ako ang nagpapayaman sakanila.

I found the dress very showy. Isang cocktail dress na maiksi na red and bumungad sakin. Full of glitters and heart-shaped ang top nito. Sinuot ko na ito and I looked at the mirror.

Sobrang fit nito sakin at kitang-kita ang pagka-curve ng katawan ko. Then I matched it with a killer 6 inched heels na color red. Umupo na ko sa personalized chair ko at sinimulan na nila akong ayusan.

Mga gay ang nagaasikaso sa hair and make-up ko. Well, I like them. Nandyan lagi sila para asikasuhin at pagandahin ako and I thank them for that.

While fixing my hair, I just captured some pictures and uploaded it on my official accounts. I can really say that I'm well known in Asia. I have 58 million likers and followers all over Asia.

And it must be 100 million when you add my fans all over the world.

They just curled my hair and put some colorful highlights in it. I can say na magaling talaga sila. Loose curls ang ginawa nila sakin.

"Okay lang po ba Ms. Rie?" Tanong ni Carla. "Yes. It's okay. Thank you, Carlo." Nginitian ko sya. Inemphasize ko yung Carlo. "Mam naman eh! Carla nalang, wag Carlo. Babae na ko. Babae!" Natawa lang ako sa inasta nya.

Now, sa face ko naman. Sila rin ang nagme-make up sakin. Tiningnan ko ulit ang accounts ko and I'm not surprised on what I just saw. 23 million people just liked my facebook, instagram, and twitter account. They are just numbers so I don't care.

Call me boastful, but even to you.. I don't still care.

Habang nagsco-scroll ako sa news feed ko, may nakapukaw ng attention ko.

*

Naririnig ko na ang mga sigawan ng tao sa labas. Bwiset! Ang sakit sa tainga! Dumagdag pa yung DJ. Hindi ako kinakabahan, why would I?

Todo re-touch yung dalawang bading sakin habang nasa backstage ako. These two made me look even more beautiful. All I can say is, its splendid.

"Are you ready SM Sta. Rosa? Let me hear you scream!" Panimula nung host. Nagsigawan ang mga tao at mas lumakas ito, causing my eardrums to explode! Argh. May mga nagpapalakpakan rin.

Hindi ako katulad ng ibang artista na sumisilip sa kurtina para malaman kung gaano kadaming tao ang pumunta. I don't surprise myself and I don't have a plan to do that someday.

"Let's give a round of applause to our queen, Miss Erich!" Umingay lalo nang nagsimula akong lumabas at pumuntang stage. Naglakad ako nang parang isang professional model. Lumapit sakin yung emcee at binigay sakin ang customized microphone na may name ko at silver na puro glitters.

"Hello Rietavators!" Nakita kong tuwang-tuwa ang lahat at nakita ko rin na yung iba ay nagwawala. Yung iba, OA-- umiiyak. "Hope you'll enjoy and I hope I can make your day memorable and perfect." Sigaw ko habang nakangiti.

Isang ngiti.. Isang ngiting sobrang pilit.

*

Natapos na ang fan meeting. Napakadaming dumalo at nakipag-participate. Agad akong pumunta sa banyo at naghugas ng kamay at naglagay ng alcohol. Iba't-ibang germs ang dumikit sakin noh.

Sa fan meeting ko kasi iba. I want to be unique. I want to be different from others.

Kapag pupunta ka sa mga concert, fan meeting, shows, at kung ano pa, pipila ka at pwede tayong magpicture ng kahit anong pose; magkaakbay, naka-kiss pero sa cheeks lang, at kung anu-ano pa. May hug, may fansign, at may autograph signing. Pwede rin magask ng questions. At kapag magpapaicture ka, ang maximum ay 5. O diba?

Kapag pumunta ka, mura na yung ticket, sulit pa. Mga 25 to 30 thousand lang naman yung ticket. O diba, mura? Tsaka isa-isa lahat may chance kaya napakatagal matapos. Kaya tuwing may program ako, umaga o tanghali lagi.

Artista rin sila Zia at Ren kaso different venue. Same company and manager kami kaya sobrang yaman na ng manager namin. Si Miss Chloe. Mabait sya, maalalahanin, matalino, pero strikto. She loves listeners-- active listeners not like the ordinary listeners.

Dumeretso na kami sa bahay namin kasama si Ren. Hiwa-hiwalay kami ng rooms noh and don't even dare to think that thing.

Sa sobrang pagod namin, hindi na muna kami nagbihis. Ibinagsak ko ang gamit ko sa kama kasabay ng pagbagsak ng katawan ko.

Naalala ko na naman yung lalaking nakapukaw ng atensyon ko kanina..

"HOY! MAGKIKITA TAYO! HOW DARE YOU TO LEAVE ME IN THE AIR?! SINUNGALING KA!"

Yan. Yan ang mismong nasa comment. Hindi ko alam kung bakit ako kinalibutan pero maya-maya, napapikit ako at simulang nakatulog.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEASONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon