Erich ang pangalan ko. Isa akong tahimik na babae pero maingay kapag kinausap mo. Simple lang naman ako.. simple manamit.. simple mag-ayos.. Hindi ako masyadong matangkad katulad ng iba. Medyo may pagka-chubby ako ng konti. Hanggang shoulder length lang ang buhok ko.
Mahilig ako magbasa, kumanta, magsulat, sumayaw, at kung anu-ano pa. Moody ako. Minsan makulit, minsan naman masungit.
Wala akong pride. Oo, mabait ako kung tutuusin kaso inaabuso ng iba kaya nagagalit ako. Nagagalit ako sakanila? Hindi, nagagalit ako sa sarili ko. Kasi ang timang ko. Ang stupid ko para hindi marealize na nagpapakatanga ako sa mga tao.
Umabot sa punto na magpapakamatay ako dahil sa pambu-bully nila sakin at sa mga naexperience ko sa buhay. Ang bigat.. sobra. Feeling ko, dala ko ang siyam na planeta. Feeling ko lang naman.
Nawalan ng tiwala sakin ang mga kaibigan ko, kakilala ko, kaklase ko, teacher ko, at ang pamilya ko. Kinamuhian ko ang sarili ko nung mga panahon na yun.
Nasira ang tiwala nila saking lahat dahil sa mga walang hiyang tao. Hindi ko alam kung bakit tao pa ang tawag sakanila. Ang sama ko noh? Oo alam ko, mali ang magpadala sa galit.. mali ang magpadala sa emosyon. Kaso sumobra eh. Tangina. Dahil dun, nagbago ako.
Hindi na ko ang tahimik na Erich dati. Ngayon, umingay na ko. Nagmumura na ko at grabe na yung pag-cuss ko. Nakakailang ulit ako sa isang araw. Palasigaw na ko. Simple pa rin ako kasi kahit papaano, may respeto pa ako sa sarili ko kung manamit. Hindi na ako nagpapagupit nang mangyari yon. Hanggang waist line ko na ang buhok ko.
Hindi na ko palabasa. Hindi na ako yung dati na sobrang galang, sobrang bait, sobrang buti. Ang laki ng pinagbago ko noh? Imbes na pag-aaral atupagin ko, binabaliwala ko lang.
Ano bang pakielam ko dun? Kapag pumasa ka, okay na.
Pero kahit kailan, hindi ako nagpabastos, lumandi, at nagpalandi.
"Ano ba Zia. Tumigil ka nga. Ang arte mo eh." Umirap ako sakanya. Kaartehan nitong babaeng to eh. "Sus! Bago-bago rin Rie. 20XX na oh!" Sigaw nya sakin.
Ano naman? Wala na syang paki dun. At bakit ba kasi nagsasayang ako ng laway sakanya? Hindi ko nalang sya sinagot para tumigil sa kakadada pero walang epekto. Sige pa rin.
"Hoy! Ano na? Sinayang mo lang ganda mo." "Aba, snobera ka na ah." "Sungit." Ang ingay naman nito. Halatang walang magawa sa buhay eh. Kainis.
"Shut up, bae." Irita kong sabi. Hindi na ko nakarinig ng kahit ano mula sakanya. Pag kasi sinabi ko yun, galit na ko. At baka mapagbuhatan ko pa sya ng kamay.
Bestfriend ko si Zia. Loka-loka sya sa totoo lang. Siguro kaya naging kaibigan ko sya kasi kabaligtaran lang nang nangyari sakin ngayon sakanya. I mean, vice versa yung kwento namin. Dati, ganito sya katulad ko. Ayun, nagbago, yung parang dating ako. Gets mo?
Nagpasya kami na magstarbucks dahil stress kami pareho. Ang daming tumitingin samin. Bakit? Masama na ngayon maglakad ng nakataas noo?
Ano sila, alien? Jusko, masyado akong maganda para yumuko.
Naka-cocktail dress ako ngayon. Floral tapos more on red ako. Wala akong paki sakanila. Masisira lang ang araw ko.
Ba't ba kasi ang daming tao dito? Nakakainis. Nagalit ako bigla nang madanggi ako sa balikat ko ng malakas. Bwiset. Bulag ba sya?! Hindi pa nag-sorry. Ang tanga lang.
Lumabas ako ng starbucks habang dala-dala yung binili namin at sumunod si Zia. Lumabas rin yung babae na dumanggi sakin. I mean, nagdanggihan kaming dalawa. Alam ko na kasi yung mangyayari.
"How dare you?!" Sigaw nyang sabi sakin, causing to catch everyone's attention. Humarap ako sakanya at ngumiti.
"Attention seeker." Lingon ko sakanya tapos kay Zia. Tumango sya pero masungit ang dating, meaning nakikisabay sya sa trip ko.

BINABASA MO ANG
SEASONS
Ficção AdolescenteMatatawag mo bang malandi ang isang tao kung nagmamahal lang naman ito? Para sakin, hindi. Bakit naman magiging malandi diba? Nang-agaw ba? Nang-akit ba? Nagmamahal lang naman eh. Nagmaha lang naman ako. Wala akong ginawang masama. Kusa akong nahulo...