Sabi nila meron daw nakalaan para sa atin. Kaya dapat maghintay lang tayo,huwag tayong padalos-dalos. Huwag din natin hanapin sila kasi baka hindi mo napapansin nasa harap mo na pala siya.
Hayyyyyy!!!!! Kaya ayaw ko ng relationship, pang pagulo lang yan sa pag-aaral. Sasabihin ko, nagkaroon na ako nang boyfriend pero naki pag break siya sa akin dahil sa best friend ko. Nakakabadtrip tuloy! Buti na lang nung highschool na yun nangyari. Ngayon na college na ako ,pwede ko na kalimutan yun. Siguro someday makakaharap ko sila pero huwag muna ngayon,baka may mangyari nang masama.
Nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Kate S. Dela Cruz. Ako ay first year college. Masiyahin tao daw ako. Meron akong kapatid na babae. Ako ang panganay, kaya sabi ni papa at mama sa akin maging responsible na ate ako. Ang hirap nga, infairness.
Kasama ko yung dalawang highschool friend ko,isang babae at isang lalake. Nandito kasi kami sa S.M. at namimili nang gagamitin namin sa school. Parehas kasi kami nang pinapasukan na school. Pero magkakaiba yung course na kinukuha namin. Ang kinukuha ko pala ay tourism.
"Beh, ano pa ba ang bibilhin mo?" sabi ng close friend ko si Joy.
"Wala na akong bibilhin,pero di ko sure kung bibili ako nang bag. E, meron naman sa bahay kaya nga lang maliit. Tingin mo bibili ako o hindi?" sabi ko sa kanya.
"Ikaw, na sayo na yan. Kung ako sa iyo hindi muna ako bibili, kasi di ba sabi mo meron ka bag pero maliit? Hanapan mo na lang nang paraaan!" sabi niya.
"Sige na nga! Ikaw ba may bibilhin ka pa?" sabi ko.
"Wala na. Tara kain muna tayo!" sabi niya sakin.
"Sige! Hintayin lang natin si Chris. Sabi niya madali lang siya." sabi niya sa akin at nag palinga linga.