1

3 1 0
                                    

Hyna Pov.

Kinakabahan ako sa first day school grade 7 High school

New school

New friends

New beginning

Ngayon nandito na ako sa harap ng gate ng bagong school na pinasukan ko (Bisuc National High School) kasama ang mama ko

Pagtingin ko sa loob andaming tao siksikan ngayon dahil flag ceremony

"Bawat room may nakadikit sa pintuan Kung saan nakalagay ang mga pangalan nyo at Kung saang room kayo....." Announcement ng teacher

"Hanapin na natin room mo" aniya ni mama Hindi na ako sumagot tumango nalang ako dahil kinakabahan ako ngayon

Sana naman mababait yung mga classmates ko

Nagsimula muna kami ni mama hanapin yung pangalan ko sa first section kaso lahat na napuntahan namin wala Yung pangalan ko kaya pumunta kami ni mama sa last section at nahanap ko pangalan ko

Hayss Hindi na bago sakin to lagi naman ako sa last section e pero kahit last section ako pinagbubutihan ko pagaaral ko at Hindi ako nagkakaroon ng line of seven na grade dahil ayaw ni mama yon

Pagkaupo ko sa upuan tinignan ko yung mga kaklase ko nakita ko puro magkakaibigan ibat ibang grupo ako lang ata Yung magisa. Kaya tahimik lang ako nakikinig sa kanila. Hanggang sa dumating yung adviser namin

"Okey class good morning ako nga pala adviser nyo ako si Airon Perez ako Yung mapeh teacher nyo since first day of school Hindi muna ako magtuturo susulat ko muna Yung mga schedule ng bawat oras, recess at subjects nyo" paliwanag samin ni sir Airon habang nagsusulat na siya sinimulan ko na din ilabas ang notebook, ballpen ko at nagsimula nadin sa pagcopya

Ng matapos na ni sir isulat humarap siya samin at nagsalita uli

"Dahil Hindi nyo pa kilala ang isa't Isa please introduced yourself magsimula Kay miss. Guiliemo" tumayo naman yung kaklase namin agad buti nalang sa una yung unang pinakilala ayaw ko panaman mauna nasa dulo kasi ako umupo

"Hi ako nga pala si rancy guiliemo nakatira sa *******, 13 years old Sana maging mabait kayo sakin" ngumiti sya samin at bumalik na agad sa kanyang upuan

Lahat nagpakilala na nang pagkatapos magpakilala ng katabi ko Lalo akong kinabahan dahil ako na

Pagtayo ko sa harapan pagtingin ko palang sakanila Lalong napasma ang kamay ko at nanginig dahil sa kaba kaya nagpakilala agad ako ng mabilisan

"Ako si Hyna Villarencio,12 years old Yun lang po" bago pa may sabihin si sir inunahan ko na sya sa pagpunta ko sa upuan ko agad Hindi nalang pinansin ni sir ang asal na pinakita ko kung ano ano nalang ang sinabi nya samin tungkol sa school o rules hanggang sa natapos ang klase nya

Kahit papaano nawala na yung kaba ko dahil natatawa ako sa kaklase kong lalaki joker sya Kung anong ano pinagsasabi nya kaya napapatawa kami hanggang sa nagrecess na

Naghanap ako ng kaklase ko na makakasama ko sa recess at nakahanap naman agad ako dahil magisa lang siya nakaupo dahil yung ibang kaklase namin nagsipag recess na kaya niyaya ko nalang sya

"Hi lika recess tayo" yaya ko sakanya pumayag naman sya

"Anong pangalan mo nga uli?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami

"Ako si joylie juilda ikaw?"

"Ako si Hyna Villarencio, yna nalang tawag mo saakin" nakangiti Kong Sabi

Sya yung nilapitan ko dahil comportable ako sakanya kahit papaano naging close na kami

Hanggang sa naguwian na masaya naman yung first day of school ko...

Sana makahanap pa ako ng iba pang new friends..

Too Late To RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon