Nandito ako ngayon sa trabaho ko. As usual naka upo sa swivel chair ko. Habang nakatingin kay Leslie.
Dalawang linggo na ang nakalipas nung pag uusap namin ni James sa bar.
Naalala ko tuloy yung pinag usapan namin nun.
*Flashback*
Hmmmmm. So dahil lang niyaya niya na makipag date, nakalimutan na yung mga gawain o gagawin. *Evil smile*
"Oh maiba ako. To be honest bro, I think you like her." Biglang nag seryoso yung mukha niya.
"Her?." Takang tanong ko. Sino naman yung tinutukoy niya.
"Si Leslie bro." Simpleng sagot niya.
"F*ck you. Alam mo bro kanina kapa. Makauwi na nga lang." Patayo na sana ako ng bigla siyang nag salita.
"Indenial." Bulong nito, pero narinig ko naman.
"Hindi ako indenial no. I'm just telling the truth. Eh ano namang magandang rason para mag kagusto ako sa babaeng alien na yun ha?." Kabaliwan ng lalaking to eh. Pati ako dinadamay.
"Oh sige na sige na. Sabi mo nga hindi diba." Sagot nito.
"Baka nga siya yung may gusto sa akin kaya nag susungit." Eh malay natin diba.
May mga ganung babae kasi diba, yung kunwari hindi ka type, susungitan ka, ssnobin ka, basta yung mga ganyang strategy ng mga babae. Para mas mag papansin yung mga lalaki sa kanila. -_-!!
Hay mga babae nga naman.
"Oh edi ligawan mo." Simpleng sagot lang niya.
"Ano? Bakit ko naman liligawan yung babaeng yun? At diba sabi mo sila nung Jacob na yun." Sabi ko.
"Wala. Hiwalay na sila, matagal na."
"Ano? Kelan pa?." Sige ako na curious -_-!! Ok na kayo??
"High school lang din. 10 months nga lang daw sila, dahil niloko daw siya at pinag palit sa ibang babae." Sagot nito.
Pinag palit? Aba sira ulo pala yung lalaking yun eh.
Sinayang niya si Leslie.
"Kaya bro ligawan mona." Sabay taas baba ng kilay.
"Bro hindi ko siya type ok." Direstong sabi ko.
"Ok, ok sabi mo eh. HINDI MO SIYA TYPE. SIGE NA." Natatawang sabi niya.
Hay naku -_-!! Ewan ko kung bakit ko naging best friend tong baliw na to. Ganito ba talaga sa bar? Nakakabaliw? O dahil may girlfriend na siya kaya nag kakaganyan. *Facepalm*
Kaya ayoko mag girlfriend eh.
"Pero bro totoo ba yung sinabi mo?." Tanong ko bigla.
"Alin? Yung hiwalay na sil--------."
"Hindi kasi yun. Wala naman akong pake dun eh." Oo no wala talaga. "Yung sinabi mo na, niyaya mo yung girlfriend mo makipag date sayo ng walang rason tapos dahil sa sobrang kakaisip dun sa date niyo, nakalimutan niya yung mga bagay na gagawin niya?." Paalala ko sa sinabi niya kanina.
"Ah yun. Oo no. Ganun naman talaga yung mga babae. Si Ashley nga, one time naabutan ko siyang nag rereview nun para sa exam niya. Eh nung araw na yun may bagong bukas na mall, niyaya ko siya nun. Nung una ayaw pa niyang pumayag kasi nga nag rereview siya, hanggang sa nakulitan na sa akin tapos ayun pumayag siya. Ang sabi niya saglit lang daw kami, kaya pumayag ako kesa naman hindi diba. Pero alam mo ba bro sa sobrang katuwaan, pasara na yung mall tsaka pa lang kami umuwi. Tapos pag uwi tsaka lang niya naalala na may rereviewhin pala siya. Ayun nagalit pa sa akin." Kwento niya.
"So you mean, nung niyaya mo siya nakalimutan niya yung mga bagay na dapat o kailangan niyang gawin? Ganun ba?."
"Exactly." Sagot niya.
*Evil smile*
Parang may naisip akong magandang gawin.
"Nginingiti mo diyan? Para kang tanga." Agaw ng atensyon ko ni James.
"May naisip lang."
"Ano naman?." Curious na tanong niya.
"What if yayain ko kaya si Leslie ng date?." Sabay hawak sa baba ko. Habang nag iisip.
"Ah hindi type." Pabulong na sabi niya at kunwari sa iba nakatingin.
"Bro it's not what you think ok." Pag cocorrect ko sa maling iniisip nito.
Kung ano ano namaman iniisp nito sakin eh.
"DEFENSIVE ATTORNEY huh." Mapang asar niyang sabi.
"Bro seryoso kasi. Naisip ko lang what if yayain ko siya, pag pumayag siya edi hindi na siya makakapag focus sa mga cases na hawak niya. So meaning may chance nakong manalo sa kanya." Brilliant Me (✷‿✷)
"Edi itry mo. Malay mo may work." Makahulugan niyang sabi.
*End of flashback*
Pano ko naman gagawin yun?
Tinatanong pa ba yun Timothy? Edi tatanungin siya.
Kaya lakas loob akong lumapit sa may table niya at umupo dun sa upuan.
"Ah Les-------I mean Ms. Leslie." Syempre kailangan nating maging mabait. (•‿•)
Pero hindi niya ako pinansin. Busy siya dun sa white short bond paper na nasa harapan niya.
Na curious ako, kasi lagi na lang siyang may hawak o binabasa na ganun simula nung unang kita ko sa kanya.
Kaya sinilip ko kung anong meron dun. Hindi ko masyadong makita ng maayos dahil nakaharang siya duon.
"Exam?." Yun lang ang nabasa ko. At bigla naman niyang tinago iyon sa loob ng drawer niya at humarap sa akin.
"Yes?." Mataray na sabi nito.
"A-ano yayayain lang sana kita kumain after work, kasi-------."
"Not interested." Walang ganang sagot niya. "Anything?."
Damn it! In a second time. Reject again. In a same person -_-!!
"Ah-ano may boyfriend kaba?." Kaya siguro hindi siya interesado kasi diba meron siyang boyfriend.
Kasi yun yung reason niya before. Na may boyfriend siya kaya ayaw niyang pumayag.
Tinignan niya ako ng seryosong tingin.
Napalunok naman ako bigla. (‘~')
Bigla siyang umayos ng upo at nag cross arms.
"As I remember you are Mr. Timothy Gonzalez, the son of the owner of this company. And you are attorney. I thought a professional attorney." Huminto siya saglit para obserbahin ako. "But I didn't know that you are paparatzi too." At bigla siyang lumapit sa akin, yung sobrang lapit na isang dangkal na lang mag kakalapit na ang mga mukha namin. "It's my PERSONAL LIFE and you don't need to care about it. Mind your own business. Mr.-----I don't know if you are really ATTORNEY Mr. Timothy Gonzalez." As usual, napalakas nanaman ata kaya ayun naagaw nanaman yung atensyon ng lahat ng tao sa kwartong ito.
Hay!!!!!! Bakit ba sa lahat ng babae, siya lang yung ganyan sa akin. -_-!!
Kaya bumalik na lang ako sa pwesto ko.
Papayag ka din Leslie Jane Garcia. Tandaan mo yan.
BINABASA MO ANG
Her Last Battle
Fanfiction"Fine fine hindi na kita guguluhin." Bigla namang paangat ng tingin sa akin. "Hindi ko narin papakailaman yung PERSONAL LIFE mo." Nakangiti kong sabi. Napataas naman yung kaliwang kilay niya. Woah wait bago yun ah. Hahahaha. Pero wait bakit hindi si...