Kamusta

648 18 2
                                    

KAMUSTA Crush,

Ako pala si Nam. Third year na. Parehas tayo. hehe. Tadhana nga naman. Tapos klassmate pa. Ang galing talaga ni destiny noh. Pinagsama talaga tayo. Pero Nakakainis din si Cupid, kasi pinagtagpo nga tayo. Kaya lang may problema, hindi naman tayo magkakilala. Ako lang siguro ang may pagtingin sayo eh. 

Crush. Naririnig mo ba ako? Nakikita mo ba ako? Nadadama mo ba ako?. Ako Oo, naririnig kita, kapag dumadaan ako sa harapan mo. Kausap mo lageh yung mga kabarkada mo. Tapos lageh din kita nakikita. Sa panaginip man at sa school. Ikaw nga ang dahilan eh, kung bakit ako laging na uuna sa school. Saka damang-dama din kita crush. Kasi kapag dumadaan ka o kung minsan lalapit ka saakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Namumula din ang mga pisngi ko pag nakatingin ka sa'kin o di kayay ngumingiti ka.

Sana crush, sa sulat na ito. Mababasa mo ang panahon kung kailan ay tumitibok pa ang puso ko. At dahil sa'yo nagkaroon ng kahulugan ang bawat araw ko. Tiyaka crush, kung mawala ka na sa puso ko. Nagpapasalamat parin ako na may nadarama ko ang pakiramdam na ito. At naexperience ko ang totoong Teen Age life at High School life.

Dahil Sa'yo Crush,

Iba-iba na talaga ako ngayon. 

Dahil sayo nagbago ako. At muling nagsimula muli upang bumangon sa matinding kalungkutan at unti-unting bumabagon upang maging masaya.

Sana mabasa mo ang sulat na 'to.

Dahil Sa'yo Crush [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon