Problem 59

84 1 1
                                    


Tama ka ate! Ganyan din ang nararanasan ko ngayon. Hindi ko nga inexpect na lalapitan ako ni crush. Unang-una tinitignan ko lang siya habag sumasayaw sa stage. Tapos pagkaraan, snack time, sa lahat ng bumili dito talaga siya saken tumitingin at una niya akong sinerve sa bibilhin ko, take note dalawang beses na nyang ginawa yun. Pangalawa, pasulyap-sulyap ako sa kanya tas di ko inakala pasulyap din pala siya saken. Until nagsimula na ang rosary session, narinig ko siya ng kaibigan niya na naguusap. Narinig ko na gusto nilang magtanong kung meron ba daw maglelead saamin. Kaya gumawa ako ng paraan, nagpa-not-so-obvious ko silang hinarap ( slow motion) hanggang sa lumapit sila saamin. Naglalaro ako nun ng rubics cube. Napansin ko na tumitingin si crush sa isa kong kaibigan kaya inagaw ko ang atensyon niya. Kunware hindi ko alam ang 2nd layer sa rubics hanggang sa nagsalita siya at hiniram ang rubics cube ko. Mayamaya naglalaro siya tas inatasan na kami na umupo. Sabi niya saan daw kami uupo kasi uupo din sila katabi namin. Sa moment na iyan, nararamdaman ko ang mga paru-paru sa tiyan ko kahit na kanina sumakit ito dahil sa lagi akong bumibili sa canteen, well alam mo na kung bakit, dahil dun sya naka-assign. At yun nga umupo na kami at the rosary is about to start na. Napag-isipan ko na tanungin ang pangalan nya baka kasi magsimula na, alam ko kasi makadyos si crush at hindi nagpapaisturbo. Kaya ayun tinanong ko siya na "Brother? ano pala pangalan mo?" sumagot siya " Seminarista pa ako" sabi ko naman "Kahit na magpapari ka naman, brother!" I tease. Sasabihin na sana niya ang pangalan niya, aacto na sana siya kaya lang may umepal. Kaya ayun gumawa ako ng paraan para mapasaakin ulit ang atensyon nya. So ayun ipinakilala ko na ang mga kaibigan ko. Una kong ipinakilala "Eto pala si Clark!" sumagot siya na "Hi Clark" at ang pangalawa kong ipinakilala "At ito naman si Earl". Tapos ang mas masakit sa lahat hindi ko naintroduce ang sarili ko at bigla nagsimula ang rosary lumipat ng pwesto si crush kasi may natutulog (tsk papansin din) at pagkatapos dun.... dun natapos ang lahat. Masakit lang kasi kung iisipin. Hindi ko naintroduce sarili ko, nag hi siya sa kaibigan ko. Pero ako wala? Wala talaga akong natanggap ni isa galing sa kana? huhuhu kawawa naman ako!  It hurts so much. At ang mas masakit pa di ko nakuha pangalan nya huhuhu. Hindi ko alam pangalan niya!

Dahil Sa'yo Crush [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon