Chapter 5

156 6 0
                                    

Chapter 5 of My Promise

Nagising ako na nasa kama na ako. Hinanap ko siya pero wala naman siya. Pati yung coat at sapatos niya na nilagay ko sa may table eh wala na din. Biglang pumasok si Rodrigo.  

"Wala na siya. Kanina pa siya umalis at pinapasabi!", 

"Ano?", masungit kong tanong. Akala niya nalimutan ko na yung mga pinagsasabi niya sa'kin kagabi. Pwes hindi. Mag-iinarte pa ako.  

"Thank you daw kagabi!", pero iba yung pagkakasabi niya sabay ngiting aso. PInaghahampas ko nga ng unan. Inipit at siniko. Patay ka sa'kin ngayon.  

"Bastos ka. Bwisit ka. Kakalbuhin talaga kita.", at sinabunutan ko na siya. 

"ARAY! Joke lang naman eh. ARAY!", naawa naman ako kaya tinigil ko na. 

"ARAY ko! Mababawasan ang kagwapuhan ko nito eh!", napatingin naman ako bigl kay Rodrigo. 

"Grabe Rodrigo. Umaapaw ka sa kayabangan hah!" 

"KATOTOHANAN!" 

"Masamang magsinungaling Rodrigo alam mo yan!" 

"Pwshhh! Alam ko namang nagagwapuhan ka sa'kin kaya noong grad ball eh halos maglaway ka sa'kin." 

"Ang kapal kapal mo talaga Rodrigo. Kagigising ko lang non. Wag kang feeler!'' 

"Ang kapal kapal mo talaga Rodrigo. Kagigising ko lang non. Wag kang feeler!'', ginaya niya yung sinabi ko in his own feminie way. Hinampas ko nga uli ng unan. Bigla namang nagbukas yung pinto at nandun sina Honey at Sir Ghio.  

Nagtitigan lang kaming apat. Nakakabigla naman kasi sila, bigla-biglang nagbukas ng pinto.  

"K-Kylie, hinintay ka na ng boss mo. M-maligo ka na." 

"Hihintayin kita dito sa labas ng kwarto mo.", tapos biglang pumasok si Honey at hinila si Rodrigo. Hindi ko magets tapos tumingin uli sa'kin si Rodrigo at may sinasabi na parang, 

"NAGSESELOS!", nang walang tunog. AHHHHH! Bakit naman magseselos si Honey sa'min eh wala naman kaming ginagawa.  

"How long will you stay there?", bigla naman nagsalita si Gino. Mukhang nakapagpalit na siya kaya agad akong bumangon at naligo.  

Bago kami umalis ni Gino eh pinuntahan ko muna si Honey. Nilinaw ko sa kanya na wala naman kaming ginawang dapat ikaselos niya. Nagsorry si Honey kasi daw hindi niya daw mapigilan na hindi magselos. Sa trabaho daw kasi lapitin si Rodrigo kaya parati siyang nagkakaganon. Naiintindihan ko naman siya. Natural naman yun eh! Pero hindi ako naniniwalang lapitin si Rodrigo ng mga babae. Bakla pwede pa.  

Kanina pa seryoso ang mukha nitong si Gino. Tinanong ko siya kung paano ako makakauwi ngayon sabay kaming papasok, ang sabi lang niya, edi maglakad daw ako. Sungit! Ano bang problema nito. Siguro puyat lang.  

Nang makarating kami sa may room ng buong team, napatitig lang sila sa'min pero si Gino derederetso lang sa paglalakad sa office niya. Ngumiti na lang ako at binate sila ng Good morning at pumunta sa table ko. Nilapitan naman ako ni Lorien. 

"Sabay kayo ni Sir?" 

"ah. Oo baket?" 

"SIGURO TYPE MO SI SIR NO!", sinabi niya to with matching glare. 

"H-hindi at ano bang meron?", lalo pang lumapit si Lorien sa table ko. 

"MARAMI KANG PAGDADAANAN PARA MAKAPASA KA SA STANDARDS NI SIR. (Sabay tingin taas baba sa'kin) HINDI KA NIYA TYPE. ANG PLAIN MO MASYADO.", sabay alis. Ano bang problema niya? Hindi naman niya yun sinabi na may panglalait na kung ano. Ang dating kasi sa'kin parang may gusto rin siya kay Sir. May gusto RIN? HOLO!

My Promise (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon