Chapter 1

303 10 0
                                    

Chapter 1 of My Promise

"UI! Promise natin ah, papakasalan natin ang isa't-isa!" 

"Hah! Edi ba bakla ka? Hindi pwedeng dalawang babae ang magpakasal. Kasalanan yun." 

"Sinong bakla ah! Hindi ako bakla! Talaga lang mas malaki ka lang sa'kin ngayon kaya lagi ikaw ang nagproprotekta sa'kin." 

"Kahit naman kasi lumaki tayo, bakla ka pa rin eh kasi ganyan ka na forever." 

"Di ah. Makikita mo kapag bumalik ako dito, mas malaki na ako sayo." 

"Hindi ako naniniwala. Pero pangako natin yun ah. Papakasalan mo ako." 

"OO naman. Wait lang ah!", umalis siya at pagbalik niya, meron na siyang dala-dalang sing-sing yung parang tsupon na candy na nabibili sa tindahan ng tigpipiso. 

"Oh eto. Wag mong tanggalin to ah. Kapag malaki na tayo, bibili ako nang mas maganda dito." 

Nag-isip ako noon kung anong ibibigay sa kanya kaso wala naman akong maisip. 

"Eh wala naman akong maibibigay sayo eh." 

Tapos tinuro niya ang lips niya at ngumuso. 

"Bakit ka nakaganyan? Wala namang sugat o dumi eh." 

Umiling-iling siya, "Hinde. Kiss mo na lang ako dito." 

Hindi na ako nagdalawang isip at kiniss ko na siya. 

Pagkatapos non, sabay kaming umuwi at eksaktong paalis na pala sila papuntang Amerika. Siyempre nag-iyakan kami pati mga magulang namin at sa huling pagkakataon nakita ko siyang umiyak at ngumiti sabay sabing, 

"Hintayin mo ako ah!"

-- AFTER 11 YEARS

Napapatawa at nangingiti na lang ako tuwing maalala ko ito. Ang babata pa namin pero grabe makaka-PBB teens. Kasal agad? 

(^-^)

Pero sa tingin ko imposible nang mangyari yun. Ay teka bago pala ako magsimula, ako nga pala si Kylie Sandoval: 18 y/o and currently an Architecture student. I have a funny reason kung bakit ko napili ang course na ito, at yun ay pagdating ng panahon na magpakasal kami. I will be the one to design our house pero as I said nga, impossible na mangyari pa yun dahil mukhang nakalimutan na ako ng dakila kong kababata na si Gino Escohval.  

(Sa bahay ni Rodrigo) 

Kaya ko nasabi ay dahil lagi kong tinitingnan ang facebook account niya. Updated siya dun lagi, lalo na ang mga pictures niya with different girls. Totoong lumaki na nga siya at well built na rin ang katawan at higit sa lahat babaero. Everyweek may dagdag na album sa kanyang photos and different albums, different photos of her girlfriends. Grabe no. Hindi ko naman siya masisisi. Buhay niya yon at wala naman akong pakialam.  

"Sus. Siya na naman?", sabi ni Rod o Rodrigo Ismael. Noong lumipat kami dito, siya na at si Honey and naging matalik kong kaibigan at kahit na college students na kami eh medyo childish parin ang turingan namin sa isa't-isa. 

"Masama?" 

Tinitigan niya ako, 

"Hindi! Mukha lang na miss na miss mo na siya." 

(#0-0#)? 

"Di ah!" 

"Nagsinungaling ka pa sa'kin."  

"Hindi nga eh. Ang kulit mo. Tandaan mo may kasalan ka pa sa'kin.", at pinatay ko na ang computer ni Rodrigo. Pupuntahan kasi namin ngayon si Honey, ang kanyang iniirog.

My Promise (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon