•2019•
Nagtatawanan, nag-aasaran, at nagkukwentuhan ang barkada. Sinabayan pa ng kainan ng chichirya at umiinom ng softdrinks.
"Keila, kelan pala alis mo ng Pilipinas? Di ba sa Japan ka na mag-aaral next year? Sayang naman." Malungkot na sabi ng babae na morena, matangkad at mahaba ang buhok.
"Elisse, ayos lang yon. Dadalaw ako dito sa inyo every Christmas. Hayy, mamimiss ko kayo ng sobra." Sagot ng babae na chubby, pero maganda ang mukha.
"Hoy sinabi mo yan, Keila, ha. Dadalaw ka dito." Sabi ng lalaking singkit at payat.
"Kenzo, andrama mo naman na yata? Tss hahahahahaha. " tawa ng lalaking moreno at matangkad, malaki ang katawan na para bang laging nasa gym, na ang pangalan ay Leo.
"Huwag mo kaming kakalimutan." Sagot naman ng maliit na babae, maputi at cute ang mukha at may suot na salamin. Siya si Vivien.
"Andadrama nyo takteng yan! Tumigil na nga kayo. Anlapit lang naman ng Japan at Pinas!" Iritadong sabi ni Keila, pero deep inside malungkot syang iiwan ang mga kaibigan nya sa Pilipinas.
"Timothyyy! Bumaba na kayo dyan. Kumain na kayo naghanda ako." Sigaw ng nanay ni Timothy sa baba.
"Opo, Ma!" Sagot naman ng lalaking moreno, at palaging nakangisi at nang-aasar na lalaki. Si Timothy. "O ano? Arat na mga men."
Bumaba naman silang lahat at nag-unahan sa pagkain. Hindi na sila nahihiya sa isa't isa lalo pa at bahay iyon ni Timothy, sanay na ang nanay nito sa kanila.
"Hoy, bat wala pa si Sandro at Akihiro? Saan ba nagpunta yung dalawa na yon?" Sabi naman ng babaeng maputi, matangkad, at maganda, siya naman si Natalia.
"Oo nga ano?!" Ani Timothy habang may pagkain pa ang bibig at tumitilapon pa ang mga kanin.
"Viv, asan na yon?" Pang-aasar ni Leo sa babaeng kumukuha ng kanin sa kaldero.
"Aba, hindi ko alam. Nananahimik ako e." Angal naman nya at sumandok pa ng ulam na adobo.
"Suuuuus Viv, alam namin no. HAHA. Ba't mo naman kasi binasted? Ikaw pa naman ang VIVI non HAHAHAHAHA." Sagot uli ni Leo na tawa ng tawa pati ang iba pa nilang kaibigan ay natawa sa kanya gayundin si Vivien. Siniko naman siya ng katabi nya na si Natalia at sinabing tumigil na ito.
"Bastaa." Ngisi naman ni Vivien.
Katulad kanina magulo pa din sila habang kumakain, nabawasan nga lang ng kaunti ang ingay dahil may mga laman ang bibig.
"Hi guuuys!" Bati ni Akihiro pagpasok, singkit sya, chubby at may suot na salamin.
"Wazzuuup! Pasok kayo." Magiliw na sabi ni Timmy. "Sandro, pareee. Saan ba kayo pumunta?"
"Diyan lang sa tabi-tabi, hahaha. Pakain pre." Sagot ng lalaking moreno, matangkad, hindi masyadong payat at makikitang nagwo-work out.
"Sige lang." Sagot ni Timothy.
Natapos kumain ang magkakaibigan at bandang hapon ng magka-yayaan na umuwi.
Nagkanya-kanya na silang lakad. Si Keila, Leo, Kenzo, Natalia ang magkakasama. Habang sa kabila naman si Akihiro, Elisse, Sandro, at Vivien.
"Sandro, di ba dapat sa kabila ka dadaan?" Sabi ni Elisse na nagtataka. Siya ang tipo ng babae na mahinhin at di makabasag pinggan.
"A-ah kase, may idadaan ako kila Aki. Di ba, men?"
"T-talaga?" Naguguluhan si Aki sa sinabi ng kaibigan pero maya-maya ay naintindihan nya din ang ibig ipahiawatig nito."A-ah oo, oo."
Nauuna namang naglalakad sa tatlo si Vivien, hindi siya mapakali. Iniisip nya ang chat sa kanya ni Jiro.
YOU ARE READING
Our Fondest Hope.
Teen FictionAkala natin, matatapos ang lahat sa goodbye. Pero ang totoo, it's only the beginning of a story that will teach how to endure the pain, and rise from the darkness. Learn how to love despite of imperfections and learn how to pray for the hopes of tom...