Dugo’s POV
Di kami pasok? Sheteeeee! Galing-galing ko pa naman. Tsaka ni bestfriend at at ni maylabs -__- Teka? Speaking of maylabs? Asan na yun? Andito pa rin kasi kami ni bestfriend Ru sa auditorium eh. Asan nay un? Tsk. I poked Ru and asked him.
“Ru, bestfriend. Napansin mo ba si maylabs?”
“Ha? Di ba andiyan lang siya kanina? Bat nawala? San nagpunta?” tanong niya na parang takang-taka.
Eh san ba kasi nagpunta bigla na lang nawala? Tsk!
“Sandali ah tingnan ko sa banyo, balik ako agad.” Sabi ko saka ako umalis. Dito ako dumaan sa may backstage para malapit sa C.R. Nung malapit na ako may narinig akong nagsisigawan sa loob ng Girl’s C.R. na parang nag-aaway? Teka? Bo-boses ni maylabs yun ah, kakatukin ko na sana ng biglang bumukas yung pinto ng biglang lumabas si Kenlie. Si Kenlie yung ex ko, nakita niya ako sa may pintuan na halatang nagulat nung makita niya ako, ako naman nakatitig lang sa kanya at ngumiti.
“Hi ^_^” bati ko sa kanya sabay kamot sa may ulo.
Pagkasabi ko nun biglang nagbago yung aura niya. Galit na galit tapos mabilis na lumakad paalis. Problema nun? Tsk! Naiwan nakabukas yung pintuan at nakita ko si maylabs na nakaharap sa salamin na tila kinakausap ang sarili. Umalis ako sa pagkakasilip sa may pintuan at umurong ng konti kasi lalabas na siya.
Bumukas na yung pinto at nakita niya ako. Halatang gulat.
“O-oh? K-kanina ka pa diyan?” nauutal niyang tanong. Ano kaya pinag-usapan nila ni Kenlie at kailangan nagsisigawan? Haaay.
“Di naman, kanina pa kasi kitang hinahanap eh. Bigla ka kasi nawala nung pagkatapos ng performance natin.” Lumapit ako sa kanya at pinunasan ng hanky ang mukha niyang basa pa.
“A-ah tara na?” sabi pa niya tapos kinuha niya na yung panyo at siya na ang nagpunas ng mukha niya.
“Tara kanina pa nag-aantay si bestfriend dun, sigurado naiinip na yun. Mag-gagabi na din ihahatid pa kita sa inyo.” Saka kami umalis na at binalikan si Ru. Pagkabalik namin nakita namin si Kenlie na nasa stage at may hawak na mic. Nilapitan kami ni bestfriend.
“Hoy Dugo! Ano bang problema niyang ex mo? Nakaka-irita na ha kanina pa yan diyan nagsasalita, kung anu-anong pinagsasabi tungkol sa inyo ni Chiki. Kesyo di daw kayo bagay, kesyo pangit daw si Chiki. Anu ba yan?!” Napatingin si Kenlie samin at nagsimulang magsalita.
“Oh, andito na pala ang lovely couple. Hi sa inyo mga traydor!” sabi niya with an evil look, nagulat kaming lahat at kita kong nakatingin ang lahat sa amin. Napatingin ako kay maylabs at kita kong galit siya. Galit si maylabs. Iba siya, di ko pa nakikita ang side niya na ‘to. Wew! Ano ba kasing problema ni Kenlie? Nagseselos ba siya? Ang labo naman, ako nga tong iniwan niya eh, tapos bigla-bigla manggugulo ngayong may mahal na akong iba. Naaawa ako kay maylabs. Napapahiya siya ng dahil kay Kenlie. Tsss nak ng!
“Ru dito ka lang ha? Akyatin ko lang si Kenlie para tumigil na.” Pinuntahan ko si Kenlie sa stage at inagaw ang mic saka pinag-sabihan siya.
“Akin na nga yan! Pwede ba tumigil ka na!? Ano bang problema mo?!” galit kong sabi sa kanya. Wala akong pakialam kung mapahiya ako, kahit ako na lang wag na si maylabs. Naiinis na talaga ako sa babaeng ‘to!
“Pwede bang tumigil ka na? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Nakakahiya ka! At isa pa di kami traydor. Una pa lang sinabi ko na sa’yo na ayaw ko sa’yo pero pinipilit mo ang sarili mo. Kaya pwede tumigil ka na?” sana naman matauhan na siya. Demet! Nasisira image ko dito first year pa lang ako sira agad reputasyon ko?! Badtrip na nilalang ito >.<
Niyakap niya ako bigla at saka umiyak ng umiyak. Naiirita ako, naiirita talaga ako. Tinanggal ko ang mga braso niyang nakasaklob sa katawan ko.
“Kenlie, utang na loob. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi makakatulong sa’yo kung pilit mong ipipilit ang sarili mo. Please tama na, hayaan mo na kami ni Chiki.” I amicably told her. Di ba niya naiisip na nakakahiya na ang ginagawa niya? Tsk. Napatingin ako sa may kinatatayuan nina maylabs at bestfriend pero wala na sila dun. Siguro lumabas na.
“Please, please ako yung mahal mo di ba? Ako lang di ba?” pagmamakaawa niya habang pinipilit niya akong yakapin ngunit hawak ko ang dalawang braso niya.
“Do you even here yourself? Di mo ba nakikita? Hopeless ka na Kenlie so move over. Stay away from our lives. Alam mo to finish this issue. Mag-usap tayo bukas after classes dun sa restaurant malapit sa bar nina Ru. Okay?” she nodded for her answer. Siguro dapat kausapin ko na talaga siya para matapos na ‘to. Iniwan ko na siya at hinanap sa labas sina bestfriend. Nakita ko sila na nakaupo sa may mini-forest. Lumapit ako sa kanila at at..
*Pak* Ouch! Sinampal ako ni maylabs. Syete sakit!
“I’m so---“ panimula ko pero di ko din natapos kasi bigla siya sumagot.
“Let’s break up” diretso niyang sabi ng hindi tumitingin sa akin. Natahimik ako di ko alam ang sasabihin. After 2 minutes siguro bago ako nagsalita.
“Kaya mo?” tanong ko sa kanya. Tumingala siya sakin at tiningnan ako sa mata. Umiiyak siya. Umiling siya at sinabing.
“Hi- *sob* Hindi” niyakap niya ako at nag-sorry. “Ok, I’m sorry I didn’t mean to.” *sob* I wiped away her tears and kissed her cheeks.
“Sorry din kasi di ko sinabi sa’yo na until now kinukulit pa rin ako ni Kenlie. Pero dibba napag-usapan na natin ‘to dati? Tahan na, I’m sorry.” Niyakap ko siya. Nakita kong lumapit si Ru samin at inakbayan niya ako.
“Bestfriend, tapusin mo na issue niyo ni Kenlie. That would be better I guess.” Payo niya sakin. Tumingin ako kay maylabs.
“Oo, kakausapin ko siya bukas. Bukas tatapusin ko na.” I responded
“Okay. Tara na” Khiro
Umalis na kami, naihatid ko na si maylabs sa kanila. Ayos naman na, nakapag-usap na kami sa kotse. Naipaliwanag ko na rin ung scene kanina.
