Chapter 3: Selos

20 0 1
                                    

Khiro’s POV

Nag-aayos kami para umuwi na ng bigla akong tinapik sa balikat ni Dugo.

“Ru, bestfriend. Napansin mo ba si maylabs?”  tanong niya. 

“Ha? Di ba andiyan lang siya kanina? Bat nawala? San nagpunta?” oo nga, bakit biglang nawala si Chiki? Baka naihi? Haha! Malay.

“Sandali ah tingnan ko sa banyo, balik ako agad.” Paalam niya sakin. At umalis na siya. Nakaupo ako dito sa audience seat pinapanuod ko yung mga ibang nag-o-audition. Gagaling nila. After 20 minutes, naiinip na ako ha? Asan na kaya yun? Tagal naman nila? Mag-gagabi na din aba! 

Napatingin ako sa babaeng lumabas mula sa backstage at kinuha yun mic dun sa mic stand. Si Kenlie yun ah? Yung ex ni bestfriend? Anong ginagawa niya dito. Mag-o-audition din siya? Marunong ba yan? Maganda pa rin siya infairness pero parang galit siya ngayon? Ano kaya meron? Nagsimula siya magsalita.

“Hi sa inyo! ^__^” bati niya with that sarcastic smile.

“May kilala ba kayong Chikibar Coe at Mark Joseph “Dugo” Rosales? Sila yung kaninang nagperform yung mag-syotang traydor? Sa tingin niyo bagay sila?” hala? Anong pinagsasa-sabi nito? Curious na ako kaya pinakinggan ko lang siya.

“Ang pangit kaya nung Chikibar di ba? Haha!” pangit ba si Chiki? Maganda naman siya ah? Maganda pa nga sa’yo yun eh. Hmp! Basta gwapo ako hahaha! “Tsaka di sila bagay.” Tuloy niya. Aba sumusobra na ‘to ah? Nakita ko sina Dugo at Chiki na bumaba ng backstage at saka nilapitan sila. Si Kenlie naman salita lang ng salita dun parang ewan.

“Hoy Dugo! Ano bang problema niyang ex mo? Nakaka-irita na ha kanina pa yan diyan nagsasalita, kung anu-anong pinagsasabi tungkol sa inyo ni Chiki. Kesyo di daw kayo bagay, kesyo pangit daw si Chiki. Anu ba yan?!” sabi ko pa. nakita kong tumingin sa gawi namin si Kenlie. Si Chiki galit na galit. She folded her fist na parang manununtok. Burger! Katakot! 

“Oh, andito na pala ang lovely couple. Hi sa inyo mga traydor!” sabi ni Kenlie kina Chiki. Hala? Anong sinasabi niyan? Tumahimik na lang ako at nakikiramdam. Shhh. RuRu quiet!

“Ru dito ka lang ha? Akyatin ko lang si Kenlie para tumigil na.” sabi pa sakin ni Dugo. Saka pinuntahan si Kenlie sa stage. Mula dito sa baba kita namin ni Chiki ang mga pangyayari. At.. at.. biglang niyakap ni Kenlie si bestfriend? Woah? Napatingin ako kay Chikibar na halatang nagse-selos.

“Ok ka lang? Labas muna tayo?.” Tanong ko sa kanya. Pero instead na sumagot bigla na lang siya naglakad paalis. Sinundan ko lang siya at naupo sa may upuan dun sa may mini-forest. 

“Bakit di niya sinabi na kinukulit pa rin pala siya nung impaktita na yun?!  Kapal ng mukha ng babaeng yon! Alam mo bang inaway niya ako sa banyo kanina?” whaaaat? Sinugod siya? Anong nangyari? Nag-sampalan kaya sila? Sayang di ko nakita magandang eksena yun uy! Haha. Tanga RuRu tanga. Comfort mo si Chiki. Baka magalit si bestfriend. Ok ok..hingang malalim. Inhale exhale! Pogi ko!

“Malay mo may rason si Dugo kung bakit di niya sinabi sa’yo di ba? Malay mo ayaw ka lang niyang masaktan kung sakaling sabihin niya sa’yo diba? Diba?” hinahaplos ko lang yung likod niya. Umiiyak na kasi siya. “Gusto mo bang bumalik ako sa loob para malaman kung ano na ang nangyayari?” alok ko sa kanya.

“No need Ru. Thank you.” Sabi pa niya habang umiiyak. After 15 minutes, nakita ko si Dugo na lumabas na ng auditorium.

“Andiyan na siya.” Bulong ko sa kanya. “Alis muna ako para makapag-usap kayo.” Dagdag ko pa.

“No please, stay.” Sabi niya sabay punas sa kaniyang mukha. Lumapit si Dug okay Chiki. Tumayo naman si Chiki at biglang.. 

*Pak* sapul si bestfriend. Hinayaan ko lang sila mag-usap nagpaliwanag na si Dugo kay Chiki. Yakap ni Dugo si Chiki, nilapitan ko si bestfriend at saka inakbayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon