Chapter 1: Just a neophyte

36 0 0
                                    

Khiro’s POV

Unang araw ng pasukan noon first year college ako, the first time I entered the HUGE door of college. Mga bagong mukha, bagong kakillala, bagong kaibigan.

 Nasa hallway ako ngayon at naglalakad papunta sa room ko. Excited na ako sumali sa banda ng school na to. May nakita akong lalaki sa may pintuan ng room na pupuntahan ko, sino kaya yun? Wait, baka kaklase ko? Haha saya naman may tao agad dito. Papasok na ako ng pintuan ng bigla niyang hinarangan ang dadaanan ko.

“Excuse me” I said firmly.

“Anong course mo at bakit ka papasok ng room ko?” sabi niya na para bang pagmamay-ari niya yung room. May nakita akong ibang tao sa loob. Nakatingin silang lahat sa akin. Wow ha? Ganon ba ako ka-gwapo para titigan nila? Joke xD

May nakita akong papalapit sa amin nung lalaking nakaharang pa rin sa pintuan, teka? Parang si. si. si. si….. si Chikibar!

“Kung maka-room ko? Iyo? Iyo? Kung anong course mo ganun din ng course niya, kaya pwede padaanin mo na siya? Alis!” sabi ni Chikibar na lumapit sa amin at saka inirapan yung lalaki with matching tulak pa ha. Hahaha kakatuwa talaga siya. Si Chikibar ang girlfriend ng bestfriend ko na si Dugo. Haha, kakatuwa name nila ano? pero cute.

“Gamsahamnida ^____^” bulong k okay Chikibar. 

“Hoy Ru! Tigil-tigilan mo ako ng pagkokorean mo ha, mas magaling ako sa’yo! Baka mag-sisi ka hahaha!” sabi niya at talagang hinampas pa ako sa balikat ha? Sakit kaya bigat-bigat ng kamay eh >.< Bakit? Eh ano naman kung mas magaling sitya mag-korean? >.< mahilig kasi ako sa K-POP kaya na-aadapt ko yung mga salita nila. Haha Gwapo ko.

“Aray naman! Hindi na talaga naalis sa katawan mo ang pagiging sadista ano?” masungit kong sabi sa kanya. Hahaha kala niya ha.

“Pasalamat ka mahal ka ng bestfriend ko kung hindi…” hindi na ako nakapagsalita kasi may biglang sumalampak na braso sa leeg ko.

“Kundi ano bestfriend? Ha? Kundi ano?” sabi ni Dugo na kararating lang. Haha. Oo pare-parehas kami ng course magkakasama kasi kami sa banda kaya iko-conquer namin ang stage pag tumugtog kami. Astig diba? \m/

“bestfrieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeend!” sabi ko sa kanya with matching the bestfriend hand interaction namin. Haha.

“Kundi ano na?” sabi ni Dugo na ngayon ay nakayakap na kay Chiki. Kala ko naman nakalimutan na ung usapan kanina hahaha.

“Wala wala ^___^” ngingiti-ngiti kong sabi.

“Pwede na pumasok? Kanina pa ako dito ha? Haha.”

“Ay! Pasok na haha!” biglang sabi ni Chiki. Palibhasa nakita na naman ang gwapo niyang boyfriend, pero mas gwapo ako XD.

Dumating na yung prof namin, unang subject for the day. Mukhang matapang, terror ata to ah, di na talaga ako tinantanan ng mga terror teachers kahit nung high school. Bawat year level may terror teacher! Buset!

“Good Morning, I’m Prof. Hernandez and I’m going to be your adviser.” Bat ganun? Nag-iintroduce ng sarili niya tapos nakataas ang isang kilay? Nakakatakot talaga. Dagdag mo pa ung panget niyang mukha. As in ampanget talaga! Tapos ano daw? “Ms.” siya? Demet! Ms. ba yan?! Eh mukhang naanakan na ng limang tambay sa kanto! Bad ba ako kasi naiisip ko yan? Aaaaaaaaaaaah! Bad ka na Khiro. Kelangan be gentle in every way. Eessh! Pero ang panget talaga niya! Sorry lord :(

Ayun in-orient lang kami sa mga rules and regulations ng school then grading system. Basta mga kung anu-ano pang ka-ekekan! Psh! I’m bored gusto ko ng umuwi at tumugtog ng gitara kasama sina bestfriend.

*******

Hapon na din at mag-uuwian na. Uyeaa! Konting oras nalang.

“Bestfriend!!” sigaw ni Dugo sa tenga ko -___-

“Aray naman!” sabay takip ko sa tenga ko. Mabibingi ako sa kanya eh.

“Bakit ba?” I  said rudely.

“Tuloy ba jamming natin mamaya?”

“Ah oo, dun sa auditorium. Teka, di naman yun jamming ah, mag-aaudition tayo para sa school band” tugon ko pa. May audition kasi na nabanggit kanina sa orientation namin, audition daw para sa mga mahihilig sa music. Naisip ko na mag-audition buti na lang pumayag yung dalawa.

“Parehas na din yun, kahit magkalat naman tayo dun sigurado pasok tayo ee. ^__^” he responded confidently. Binatukan siya ni Chiki. Hahaha. Buti nga.

“Anong kahit magkalat? Kung magkakalat tayo dun eh lalong di tayo makakapsok! Engot!” pataray niyang sabi kay Dugo. Tsk. Kulit talaga nitong mga ‘to. Ganyan ba sila araw-araw? Engk! Nung high school kami ganyan na yan eh. Haha.

Nag-ring na yung bell at at at at UWIAN NAAAAA! Haha! Audition time na! Niyaya ko na sila sa may auditorium. Pag-dating namin dun, andaming tao. Weeew! Lahat ba sila mag-o-audition? Parang ang-liit ng chance namin na mapapasok dito ah tsaka mukhang mga professionals na sila T.T. Tinawag na kami ng isang professor, professor ata yun sa music, para ilista yung mga pangalan namin.

“Sir excuse me po, ano po pang gagawin namin?” tanong ni Chikibar dun sa prof.

“All you have to do is to play any instruments there and impress me.” Nakangiting sabi nung prof.

So siya pala ang kailangang i-impress ok ok. Dadaanin ko siya sa aking appeal! Haha Joke xD eeeh mukhang homosapien siya e. haha Gay ba?

“Ok your turn” sabi niya sa amin.

“Hoy tayo na daw!” napalakas pa yung sabi k okay Dugo kasi naman, kung san san nakatingin.

Nagpunta na kami ng stage at tumugtog na kami. Ako guitarist, si Chiki keyboardist at si Dugo naman Drummer. Natapos na yung performance namin at nakita namin na seryoso ang mukha nung prof. Kinakabahan ako. Nagsimula na siyang magsalita.

“Ok, I’m not that impressed. Don’t feel bad ha, you did great naman pero parang may kulang eh, anyway you’re just an amateur though. You can audition again next year. Thank You.”

Umalis na kaming luhaan. Haha di naman pero medyo masama ang loob kasi opportunity na namin yun para makilala kami. Hay siguro nga di pa kami ganun kagaling. After all we’re just amateurs. Just a neophyte. :D

The StartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon