SKY'S POV
Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, na siyang naging dahilan kaya napamulat ako..Taka akong bumangon, nakahiga ako sa isang kama na hindi ko alam kung paano nag karoon ng kama dito sa gubat..
Oo nasa gubat ako..
Madilim na..
At ang naririnig mo nalang ay ang nakabibinging katahimikan ng lugar..
Napaka misteryoso ng lugar
Ramdam mong may itinatagong sekreto.
Tumayo ako at inilibot ko ang aking paningin ng mapansin kong nakasuot pala saakin ang kulay puting dress ngunit dahil sa hindi madaling pinagdaanan ay marumi na ito at punit punit ang dulo..Nawawala ako..
Hindi ko alam kung nasaan ako..
Kinakabahan ako pero hindi ko maramdaman ang mabilis na tibok ng puso at lalim nang paghinga koHumakbang ako at nag simulang maglakad patungo sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko~
Ramdam ko ang mga damo at bato na natatapakan ko dala nang wala akong suot na anuman sa paa .
Pero hindi ko pinansin ang bagay na yun..
Mas kapansin pansin ang lugar na ito at ang kaganapang ito sa buhay ko..
Ngunit nakaririnig ako ng isang yapak..
Magmula saan ay hindi ko alam..
Sa madilim na bahagi ng gubat nakatuon ang mata ko..
At napansing may tumatakbong nilalang mula sa malayo
Unti unting lumalapit saakin
Kaya naanigan kong lalaki ito dahil sa mga balikat nitong maskulado..Ngunit hindi ko makita ang mukha dala nang nakasuot ito ng jacket na itim at may hoods..
Naka suot din ito ng mask mula ilong hanggang bibig
Dahilan para maaninag ko ang kaniyang mga mata..
Nanlilisik
Pero nakabibighani ang kulay netong asul..
Dali dali siyang tumakbo sa gawi ko..
Gustuhin ko mang tumakbo pero dala ng kuryosidad pinili kong manatili kung saan ako naroroon..
Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon..
Ngayo'y naiintindihan ko na na may humahabol sa taong to
"S-sino ka?"
Hindi niya ako tinugon"Sino ka?! San moko dadalhin?!!"
Pag uulit ko ngunit patuloy kami sa pag takbo,Pag lingon ko sa likod, nakita ko ang mga lalaking hinahabol siya at pilit na pinapatamaan kami ng kanilang mga palaso at pana..
Hindi man ako tiwala ngunit parang kailangan ko na atang sumunod nalang sa estrangherong ito..
"Sino sila?! Bakit ka nila hinahabol?!"
"Tumahimik ka kung ayaw mong mamatay"
Mahinahon niyang tugon.
Imbis na matakot isang paghanga ang naramdaman ko dahil sa lamig ng boses niyang pinapakalma ako..Dahil dun hindi na ako sumagot
Hindi na ako nagtanong pa
Marahil ay hindi nga ito ang tamang panahon para ritoPero ang puso ko ay nagsisimula nang tumibok.
Hindi ko alam kung bakit pero..
Saglit na natigil ang mga isipin ko dahil sa unti unting natatanggal ang hoods sa ulo nang lalaking nasa harap ko,

BINABASA MO ANG
THE SECRET BEHIND ME
RastgeleHindi ko akalaing magiging ganto ang buhay ko.. simple lang naman ako, katulad ng iba kumakain ako natutulog nagpapahinga tumatawa lumuluha.. nagmamahal... masasaktan magmamahal ulit magpapakasal magkakaanak mamamatay.. akala ko yun na yun! akala ko...