Dos

25 3 0
                                    

Napailing ako nang maramdaman ang lamig sa loob.

The ventilation is working fine, and first floor is as eerie as I thought it would be. What more kung aakyat ako sa ikatlong palapag.

“Solina,” tawag ko sa apilyedo ni Markjay. Paulit-ulit kong tinawag ang lalaki. No one was answering. “Shing,” tawag ko naman. Wala pa rin.

Nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang lamig sa loob.

The tiles were perfectly white and every step echoed in the whole place. Wala kasing kalaman-laman ang lugar. Bawat classroom na dadaanan ko ay nakasara ang pinto kaya naman nabawasan ang takot na nararamdaman ko.

Why am I even here? Wala naman dapat akong pakialam sa trip ng magjowa.

Babalik na sana ako sa labas nang marinig ko ang mabilis na pagbukas ng pinto sa gilid ko.

My soul almost jumped out of my body. “For heaven's sake, what the fuck?!” sigaw ko nang makita si Markjay na lumabas galing doon.

“Sinundan mo, ko?”

Tumango ako. “May nakita akong naglalakad-lakad sa third floor. Baka kasi nandoon si Shing.”

Tumango siya.

“Anong ginagawa mo sa loob?” tanong ko. I looked at the room where he came from.

Nagkibit-balikat siya at naglakad na papunta sa hagdan. “Baka kasi nandoon.”

The place was really empty.

May empty space na walang kung ano mang nakalapag malapit sa staircase. Walang kwarto. I think this is supposed to be a lobby or some sort.

It bothers me that a row of tiles were loose.

Tinignan ko iyon hanggang sa makarating kami sa second floor. This floor had another floorplan and is different from the first.

Mukhang gagawin 'tong faculty office dahil may nakalapag sa gilid na mga unassembled cubicles.

There were still a few rooms but Markjay didn't bother looking inside of each room. Dumiretso siya sa sunod na hagdan paakyat sa third floor.

“Shing?” tawag ko.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. The place was like an auditorium. Nasa pinakataas kami, currently. May maliit na hagdan pababa kung saan nakatayo mag-isa si Shing at nakatingin sa pader.

I looked at her, confused as to what she was doing. Nagkatinginan kami ni Solina at bakas din sa mukha niya ang pagkalito.

“What is she doing?” I whispered.

Sinilip ko pa lalo si Shing sa baba. Halos mahulog na ako sa railings kasisilip kung anong ginagawa niya.

Again, I felt the cold air inside.

And then I heard her laugh. It was different from her usual laugh. Mas malalim ang tawa niya at mas malakas.

It echoed around the whole floor, the sound bounced around until it was gone and only our heavy breathing were audible.

Hindi niya kami napapansin.

Kinalabit ko si Markjay, “Ano nang gagawin natin? Mukhang sinasapian na 'yan,” sabi ko.

Parang may dumaan na kuryente sa buong katawan ko dahil nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko sa muling pagtawa ni Shing, ngayon ay mas matinis. I covered my ears because I can't handle it. Baka dumugo pa ang tainga ko.

Mukhang magkakaroon pa 'ko ng migraine sa naririnig ko.

That laugh isn't even possible if you're human.

Into the GraveWhere stories live. Discover now