Uno

72 4 7
                                    

nagsusuot ako ng converse kong lumang-luma at gamit na gamit na nang may bumusina sa labas ng bahay. Napatingin ako sa relo ko at napamura dahil sa bilis ng oras.

“Rina, bilisan mo na! Masasaraduhan tayo ng gate!” sigaw ni Belle bago ko narinig ang paghugot ng susi sa motor at ang pagbukas ng gate namin.

Nang makapasok si Belle ay agad ko siyang tinanong, “kumain ka na?”

“Yep, are you ready?”

Tumango ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng parang croptop na polo at highwaist na pantalon. “Pwede na 'to, hindi naman ako sasayaw.”

Tumawa ang kasama ko at tiningnan na rin ang porma niya sa salamin. “Ten minutes left bago magsara ang gate sa school. Pag tayo nasaraduhan, sinasabi ko sa 'yo,” pagbabanta niya.

This night is important. Isang ball para sa mga nasawing estudyante ng paaralan dahil sa aksidente. Imbes na taon-taong pangdalaw ay gumawa na lang sila ng event bilang pag-alala sa mga estudyanteng naaksidente.

Nagpaalam na ako kay daddy at agad na sumakay sa dalang motor ni Belle. The school is exactly ten minutes away from our house and I bet Belle will drive us there in just five minutes lalo na't wala na halos sasakyan dahil hatinggabi na.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang limang minuto na lang ang natitira bago magsara ang gate.

sa bilis ng patakbo ni Belle ay parang naiiiwan na ang kaluluwa ko.

“Isn't it weird na may namamatay every year sa tapat ng school natin dahil sa aksidente?” tanong ni Belle. “Hindi kaya may sumpa ang school or something?”

I laughed at the idea. “Curse my ass.”

Sinagot niya 'yon ng, “Of course i'd curse your ass.”

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya kaya natahimik ako hanggang sa dumating kami sa tapat ng school.

The whole street was dark dahil taon-taong nagrerequest ang school na patayin ang ilaw sa kalsada.

It wasn't that harmful considering na hindi naman main road ang kalsadang katapat ng school namin.

There are so may silhouettes that are going in the same direction kaya humawak ako sa braso ni Belle at sumabay sa agos ng tao papasok sa gate.

Nang nakapunta kami sa quadrangle ay may mga nakakalat na upuan at tables at nakaharap sa stage.

There's this huge ass tent above us. Three poles were supporting it para ma-cover nito ang buong quadrangle.

Hindi ko napansin na may kausap na si Belle habang tumitingin ako sa paligid. “Rina,” tawag ni Shing kaya napatingin ako sa kanya at sa kasama niya. “Anong ganap?”

Ngumiti ako at sumali sa usapan ng tatlo hanggang sa mapansin ko si Jeff na naglalakad at mukhang may inaabangan sa gate.

Magkaibigan si Jeff at itong kasama ni Shing ngayon na si Markjay. Mas matanda sila sa amin ng isang taon kaya medyo nahihiya akong makipag-usap sa kanila.

Pinagmasdan ko kung gaano kabalisa si Jeff habang nag-aabang sa gate. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-uusap pa rin sila Belle at Shing.

Napatigil lang kaming lahat sa mga ginagawa nang tumunog na ang bell hugdyat na saktong alas onse na ng gabi.

Pumunta ang mga estudyante sa harap ng stage para pakinggan ang opening remarks ng admin samantalang kaming apat ay nasa corridor nakatayo dahil mukhang nagkaubusan na ng mga upuan.

“Good evening,” bati ng school administrator. “I'm pretty sure alam niyo na kung tungkol saan itong ball na nagaganap taon-taon. Kung hindi mo alam,” he shrugged, “alamin mo.”

Into the GraveWhere stories live. Discover now