Tres

35 4 1
                                    

“Anong gagawin natin?” tanong ko sa mga kasama habang papalapit kami sa Admin.

Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Imposible 'yon.

I wasn't drunk, heck, I wasn't even high.

Nagtatanong pa rin ako nang biglang may humila sa braso ko kaya napatalon ako.

Bakas siguro sa mukha ko ang takot kaya nanlalaki ang mata ni Belle habang humihigpit ang hawak niya sa braso ko.

“Anong nangyari?”

“Bakit?”

“May tumutulong dugo galing sa ulo mo.” Hinawakan niya iyon at napaiwas ako ng tingin. “Saan kayo galing?”

Nasa gitna kami ng dancefloor at nakatingin sa akin ang mga sumasayaw. Agaw-pansin siguro ang mukha ko.

Tumingin ako kung nasaan na ang mga kasama ko. Nandoon sila at kinakausap ang admin. Nakita ako ni Jeff at tinuro ako kahit nasa gitna ako ng napakaraming tao.

Napatingin sa banda ko ang admin. He motioned me to come. His face was stoic as fuck. God, I'd rather die inside that building than to talk to him.

Nah.

Naglakad ako palapit sa kanila, completely forgetting about Belle. Sumunod siya sa akin habang niyuyugyog ako.

Para akong nawawala.

“Come with me,” sabi ng admin. “I need to know if you're telling the truth.”

“There was a coffin under the floor,” sabi ko, nawawala sa sarili.

Natigilan ang admin at tumingin sa akin. “Show me.”

Naglakad kami pabalik doon.

Nanginginig ako habang hawak ni Belle ang kamay ko at pinapakalma ako.

Ba't ako sumama rito? This is the second time I came out. Ba't papasok na naman ako?

If this was a horror movie and I was the protagonist, I'd shout at myself for being so dumb.

Puwede namang hindi na 'ko sumama—

Naramdaman ko ang pagtapak ng paa ko sa pamilyar na sahig.

“Where, miss?” tawag ng admin at nilingon ako.

Naglakad ako palapit sa lugar kung nasaan ang butas na may nakalibing.

Para akong binagsakan ng langit at lupa nang makitang walang basag na semento kung nasaan ang butas.

I stepped on every tile, thinking it might be covered.

What was that?

Bakit maayos 'to?

“It was right here.” Tinuro ko ang tinatapakan kong tiles. I am so confused right now.

Ano'ng nangyayari?

Naglakad paakyat ang admin at sinundan siya nila Jeff habang nahuli kami ni Belle.

I was still processing what was happening.

Nagsimulang sumakit ang ulo ko at kaagad akong inalalayan ni Belle sa pagtayo, “Balik na tayo sa quad, Rina,” pilit niya.

Umiling ako at sumunod sa second floor at tiningnan kung ganoon din ang nangyari sa pinanggalingan ni Jeff.

“Sir, maniwala ka, merong kabaong sa ilalim nito.” Tinuro niya ang tinatapakang tiles. “Tinulungan ako ni Rina makalabas—”

“Do you do drugs?” putol niya sa sinasabi ni Jeff.

Into the GraveWhere stories live. Discover now