Unang ala-ala

2 0 0
                                    

2013

(First year Highschool)

"Panget!"

"Panget"!

"Negra"!

Kapag narinig ko ang mga katagang yan isang tao lang agad ang nasaisip ko.

"Ian"! Galit na sigaw ko.

Ewan ko pero simula pagkabata yan yong nga tawag niya sa akin.

Nalampasan ko na ang pre-school at elementarya na kasabay siya ngayon na highschool na ako akala ko maiiwasan ko na siya pero iisang paaralan na naman kami at ang masama classmates pa talaga!

Papasok pa lang ako sa classroom siya na agad nakita ko at ang aga pang mang asar ni Sanguko. Sanguko ang tawag ko sa kanya kasi mag ka style sila nang buhok.

"Bat nandito ka? Diba dapat sa private school kana mag-aaral?"

Tanong ko sa kanya habang nag hahanap ako ng upuan.

"Para ma inspired ka syempre, paano nlang kong wala ako baka di kana makasali sa Honors" Sabi pa niya sabay kindat.

"Ooy!!!" Sigaw naman ng mga kaklase namin dati.

"Pag kayong dalawa talaga di nag katuluyan ewan ko nlng" sabad naman ng isa pa naming kaklase dati na si Aileen

"Asa ka dude! Di kami talo ni Sanguko matusok plang ako ng buhok niyan."

Sagot ko sabay upo. Pinili kong sa 3rd row ma upo para kapag recitations Di ako agad makita hahaha galing diba.

"Sus aminin mo na kasi Red na crush mo ko!"

"Kapal mukha ka Ian tigilan mo ako ha?" Sagot ko sa kanya.

Dati pa talaga palagi niyang sinasabi na crush ko daw siya. Aaminin ko na gwapo si Ian at crush ko siya dati pero dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin parang nawala na. Ikaw ba naman ang lagyan ng bato at tabo galing sa cr ang bag, ang maitali ang bag at pinakamasaklap ang ihulog ka sa upuan, di ka matiturn off?

Pasalamat nalang ako at bago pa makasagot ulit si Ian ay dumating na yong adviser namin.

"Good morning everyone!" Bati ni ma'am

"Dahil medyo may oras pa tayo pwedi bang malinisan niyo muna yong area na yon?" Turo ni ma'am sa bench sa ilalim ng puno.

Agad naman kaming kumuha ng walis at naglinis.

Sa isang pampublikong paaralan ako nagaaral may tig apat na section sa bawat grade level, At sa awa ng diyos nakapasok ako sa unang section.

Ako si Redelie Antonia Cabrera anak ng isang driver at housewife may dalawa akong kapatid na lalaki. Medyo may kahirapan sa buhay kaya nagsusumikap sa pag aaral para makakuha ako ng scholarship, yon talaga ang goal ko sa ngayon. Kaya Di dapat ako madistract, ang saya saya ko nga ng malaman ko na sa private school sana papasok si Ian dahil wala nang bwesit sa buhay ko. Si Ian may kaya yon sa buhay ka wala yong piniproblema, anak siya isang engineer at isang abogado dito sa aming bayan, kaya nahihiya ako dati kapag sinasabi niya na crush ko daw siya dahil sa layo ba namn ng agwat namin sa buhay di ako babagay sa kanya.

Pagkatapos naming maglinis ibinalik namin ang walis sa classroom at dumiritso na agad sa may open ground para sa flag ceremony. Puro lang announcement ang welcome speech lang naman ang nangyari. pagkatapos non pinabalik na kami sa classroom at nag handa para sa first period which is pagpapakilala ang naganap.

Napansin ko na iilan nlng ang kaklase namin dati ang nandito sa classroom, yong iba nasa ibang section na at yong iba naman sa private school na nag enroll.

Nang mag bell na para sa recess sumabay ako kay Aileen na kaibigan ko na simula elementary.

"Red alam mo madaming gwapo doon sa may 4th year banda" Sabi niya habang nag lalakad kami papunta sa canteen

"Baliw! Puro ka gwapo dhai mga tanders na masyado oy"

"Judgemental! Anu namn kung matanda sa atin, mas maganda nga yon para mas matured dib? "

"Alam mo Ails dapat aral muna bago landi!"

"Kj" tabko sabay belat niya sa akin.

Tatakbo sana ako pasunod kay Aileen nang may biglang umakbay saakin.

Pagtingala ko nakita ko Naman ang mukha ni Sanguko!

"Tanggalin mo yang kamay mo Ian! " Sabi ko sabay kuha sa kamay niya na nasa balikat ko.

"Hoy narinig ko yong kanina ha? Pag ikaw nag padala don Kay Aileen babatukan kita!"

Nagbanta pa ang gago. Kung tutuusin mag kaibigan namn talaga Kami nito basta hindi niya ako binubwesit.

"Gago ka ba? Di ko gusto makalbo ni papa no! "

"Mabuti!"

humiwalay siya saakin pagdating sa canteen, agad nakong lumapit kay Aileen at namili ng bibilhin.

"Kaya pala ayaw mo sa tanders kasi gusto mo si Sanguko ha?" Sinundot sundot pa ng gaga ang gilid ko.

"Lubayan mo ko Aileen ha?"

"Kaya talaga sabi nila the more you hate the more you love!"

"Love love ka jan! 13 love? Daming alam!"

"Sus! Deny pa."

Sanay na ako na tinutukso kay Ian dati pa kaya parang wala nlng yon saamin.

Natapos ang araw namin na puro pag papakilala ang ginawa, medyo kakilala ko na ang mga kaklase namin at as usual puro panggugulo lang ang ginawa ni Ian sa akin.

Pagdating sa bahay nakita ko agad si mama na nagdidilig ng mga halaman niya

"Kamusta ang fist day?" Tanong niya saakin paglapit ko sa kanya agad akong nag mano.

"Okay lang ma, adviser namin si ma'am Ramirez, yong anak ni Lolo Nitoy."

"Ay mabuti, mabait at matalino yang si Miriam sigurado marami kang matututunan."

"Hala pasok na doon at may meryenda akong iniwan sa may lamesa".

Pagkarinig ko ng salitang meryenda ay agad na akong tumakbo papasok sa loob ng bahay.

"Red wag tumakbo dalaga kana tandaan mo!" Pahabol na sigaw ni mama.

Feeling ko talaga gutom na gutom ako ngayo, Ikaw ba naman mag pakilala boung araw!

As usual masyadong maaingay ang among hapag kainan. Kanya kanyang kwento ang dalawang itlog ko na kapatid. Sinanay kami ng mga magulang namin na maging open sa kanila tungkol sa buhay namin at mukang enjoy na enjoy ang dalawa.

"Ikaw Red kamusta ang first day?" tanong ni papa

"Okay lng pa, nag pakilala lang kami kanina."

"Syempre okay lang siya pa, kaklase niya naman kasi anak ni attorney!" Magaling talaga manbwesit tong si Biboy. Kilala nilang lahat si Ian, paano ba naman madalas akong umiyak dati nang dahil sa kanya.

"Gusto mong pagbuhulin ko kayo ni Ian?" Banta ko sa kanya ewan ko sa batang to pero mag kasundo talaga sila ni Ian.

"Basta tandaan na hindi kapa pweding mag boyfriend, aral muna ang unahin. Ang pag-ibig makaghihintay yan, nakuha mo?" Ito na naman si papa

"Alam ka naman yan pa! At saka 13 plang ako di ako mag boboyfriend ang bata ko pa!"

"Ku! Ang anak ni Aling Beth e katorse Lang naman yon nong nabuntis" Sabad naman ni Biboy, ang sarap talaga hampasin nito.

"Anak ba ko ni Aling Beth ha?" Inis sa sagot ko sa kanya.

"Oh bago pa kayo mag away linisin niyo na tong hapang kainan at nang mahugasan ko na ang Plato" agap ni mama sa sagutan naming mag kapatid.

Matapos mg linis agad akong umakyat para mag aral. Kaylangan ko mag doble aral ngayon, dahil based doon sa mga narinig ko kanina tatlo kami ang valedictorian na pinagsama sa iisang classroom.

Kaya aral bago landi!












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tuldok Sa Ala-alaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon