Ikalawang ala-ala

1 0 0
                                    

"Ails, pagkatapos mo jan sabayan mo ko sa faculty ha?"

"Anung gagawin mo don?"

Sagot ni Aileen habang nililinis ang table niya na puno ng kalat sa MaPEH class namin.

"Pinapakuha ni Mrs. Alonzo ang notebook natin na tapos niya nang checkan."

"Eh ang dami non! Si Ian nalang isabay mo para may taga buhat ka."

"Ang tamad Ails ha!" Sabi ko sabay alis sa harapan niya.

"Ahhh!"
Gigil na sigaw ko habang nag lalakad sa hallway.

Mahirap talaga pag ikaw ang classroom president, lahat ng utos at gawain ikaw sasalo lalo na kung tamad ang mga classmates mo.

"Good afternoon teachers!" Bati ko sa teachers na nasa loob ng faculty at agad na lumapit ako sa teacher namin sa Science.

"Ma'am Alonzo kukunin ko na po yong notebooks".

"Pakikuha nalang jan sa baba Red". Turo niya sa gilid ng table niya.

Agad ko nman nakita yong mga notebooks namin, medyo may karamihan nga iyon.

"Kaya mo lahat yan Red?"
Tanong ni ma'am Alonzo sa akin.

"Susubokan ko nlng Ma'am"

"Wait Lang!" Akmang bubuhtin ko na nang awatin ako ni ma'am.

"Jerome!" Tawag ni ma'am

Pag daan ko kanina maraming studyante ang nasa labas ng faculty, siguro may hinihintay silang teacher.

Dali-dali namang pumasok sa loob ang isang studyante na tinawag ni ma'am na Jerome.

"Jerome pakitulungan mo nga siya na dalhin to sa classroom nila."

Agad naman na hinati namin ang mga notebooks.

"Thank you ma'am"

Sabi ko sa teacher namin na todo ang ngiti habang nakatingin sa amin ng tinawag niya na Jerome.

Napadaan kami sa mga kasabay niya kanina at masyadong awkward ang lahat lalot na't iba talaga ang titig at ngiti nila sa amin ni Jerome.

"Ikaw Jerome ha!" Sabi nang isang lalaki na hinawakan pa ang balikat ng Jerome, dahilan para muntik na mahulog ang dala niya.

"Gago!" Yon lang ang naging sagot nya habang inaayos ang notebooks.

Nginitian lang ako ni Jerome ng makitang nakatingin ako sa kanya. Dahil medyo nahihiya ako sa kanya, nauna akong mag lakad. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin ng medyo malapit na kami ay bigla nalang siya nag salita.

"Kamusta naman experience mo dito sa BNHS?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman, nasa adjusting stage pa" Sagot ko sabay harap sa kanya.

"Sabagay one month ka pa lang dito."

Sa isang buwan ko didto nakita ko na talaga ang pagkakaiba ng elementary sa highschool. Marami kang nakikita na nag didate kung recesa, lunch minsan sa uwian.

"Kaya nga, anong year kana pala?"
Tanong ko sa kanya, kakaunti palang ang kasundo ko dito sa school na hindi ko kaklase kaya okay Kung maging kaibigan ko din siya.

"Fourth year na ako! Kung papalarin gagraduate na ako next year."
Nakangiting sagot niya.

Bakit ba ang gwapo ni Jerome kapag nakangiti, Aside sa ngiti pansin mo din na mabait siya.

"So adviser mo si Ma'am Alonzo?"

Alam ko kasi na Adviser si ma'am ng fourth year pero di ko alam kung doon Siya na section kabilang.

Tuldok Sa Ala-alaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon