Ikatatlong ala-ala

1 0 0
                                    

Humanda yong Ian na yon! mabuti at di napunit yong bag ko dahil sa pag tali niya sa kahapon.

Lakas talaga nang trip sa buhay ng gago! Aaaaahhh Kainis!

Mas nadagdagan pa ang kamalasan ko ngayon dahil 7:20 na, di ako nakapagalarm kagabi. Nakatulugan ko na ang pagtiris Kay Ian sa isip ko, At dahil late ako today pinagbunot kami nang damo ng principal namin. Ang bwesit nakita ko pa na nakangisi habang nakatingin sa akin mula sa harap ng classroom namin.
At kung mamalasin ka naman talaga isa pa si Jerome sa SSG na bantay sa gate kanina. Nakakahiya talaga maparusahan sa harap pa niya.

Pagkatapos ng parusa namin ay pinapasok na kami sa classroom.

"Good morning maam, good morning classmates sorry I'm late" pambungad ko na bati sa kanila.

"Good morning Red! I hope this will be the first and last time na malelate ka, you're the president of this class and I want you to set a good example to your classmates. And because this is you're first time, I will let it pass understood!" Paalala ni Ma'am Mariam sa akin.

"Yes maam" nakayukong sagot ko.
Nakakahiya talaga!

Agad na pumunta ako sa aking upuan at naghanda para sa klase.

"Bakit ka na late dhai?" Usisa ng katabi kong si Aileen

" Nakalimutan kong mag alarm"
Sagot ko habang kinokopya ang sinusulat ni ma'am sa board.

"Mabuti di ka napagalitan ni Ante Lie"

"Anong hindi? Eh halos masira ang mga tainga ko sa mga pangaral nila ni papa."

Tumawa nalang si Aileen, kilala niya kasi ang ugali ng mga magulang ko. Masyadong maingay ang mga bunganga nila kapag nagagalit, lalo na si mama.

Hindi kami nag pansinan ni Ian hanggang sa matapos ang second class namin. Bahala siya sa buhay niya!

Papunta na kami nina Aileen, Vina at Joshua sa canteen nang makasabayan namin ang grupo nila Jerome sa daan.

Hindi ko naman maintindihan ang usapan nila dahil puro tawanan at "Eeee" lang ang maririnig mo sa kanila.
Kapansin pansin talaga ang grupo nila dahil bukod sa maingay sila ay talagang may itsura ang mga kasabay ni Jerome. Maging si Joshua nga ay todo ang ngiti dahil nakakita na naman nang mga pogi.

"Hi Red" bati ni Joshua na mas lalong nag paingay sa grupo nila.

"Hello Jerome" Sagot ko naman sa kanya

Pagdating namin sa canteen ay nag hanap muna kami upuan bago mamili ng bibilhin. Nakita naman namin na sumesenyas si Ion na doon sa kanila dahil may bakante pa. Pag lapit namin doon ay agad kong napansin ang titig ni Ian ngunit agad akong nag iwas ng tingin.

"Sino ang bibili?" Tanong ni Vina dapat kasi may maiwan talaga sa upuan para mag bantay doon.

"Si Ian nalang at Red ang maiwan tapos tayo nalang na lima ang mag order." Suggest ng magaling na Mark. At ang mga magagaling kung kaibigan ay sumangayon agad.

Agad na naging tahimik ang table nmin pagkaalis nang lima. Maski sulyap di ko tinataponan si Ian.

"Oyy!" Narinig ko na umpisa ni Ian. Siguro ramdam niya na galit talaga ako sa kanya.

"Panget!"

"Negra!"

"Antonia!"

"Anu?" Alam niya talaga kung paano niya ako mapagsasalita eh!

"Antonia sorry na!" Sabi niya sabay puppy eyes
"Kadiri ka Gregorio!"

"Ew! Don't use my second name! Ampanget!"

Kung gusto mong malukot ang mukha ni Ian yan ang gawin mo. Sa tagal naming magkakilala alam namin pareho na hindi namin gusto ang pangalawang pangalan namin.

"Kamukha mo?" Pangasar ko lalo sa kanya

"Kamusta ang bag mo?" Pinaalala pa nang damuho ang bag ko.

"Okay pa naman, dahil kung nasira ang bag ko pabibilhin talaga kita ng bago."

"Wag kang mag alala kapag nasira ko naman ang bag mo marami kaming sako bag sa farm bibigyan kita yun sigurado matibay!" Nakangising sagot ng gago.

"Kung ulo mo kaya ipasok ko sa sako bag?"

"Saang ulo?" Nakangising tanong niya.

"Ha?" Litong sagot ko.

"Wala! Bati na tayo?"

"Do I have a choice?"

"Wala sympre! At dahil jan libre kita nang ice-cream mamaya!"

"Sus suhol na naman yan tapos aawayin na namn ako ulit!"

Natawa nalang siya sa sagot ko. Pagbalik ng lima na gets agad nila na okay kami dahil nag tatawanan na ulit kami ni Ian.

"Okay na kayo?" Tanong ni Mark

"Obviously, dahil kung hindi monster mode na naman ang iba jan!" Sabi ni Josh sabay nguso kay Ian.

"Shatap dude!" Sagot naman ni Ion

"Do I look like a dude to you? You're hurting my feelings Ion!" Pagdadrama naman nang bakla.

Magaan na ang pakiramdam ko ngayon na okay na kami ni Ian, simula pa naman dati palagi niya akong pinapaiyak ngunit di naman matatapos ang araw na di siya mag sosorry. That's the reason kung bakit medyo bothered talaga ako kagabi si Ian kasi ang klase ng tao na gagawa nang paraan yon para maging okay ang lahat. Ian and I have this love and hate relationship that made everything exciting para s upa akin. Aaminin ko na nalungkot ako nong summer knowing sa sa ibang school siya dapat papasok pero never ko yan sinabi at sasabihin sa kanya. Knowing him assumero to masyado.

Pagkatapos nang recess balik sa dati ang lahat, maingay na naman ulit si Ian.

Tuldok Sa Ala-alaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon