Chapter three

8.2K 139 5
                                    

"Please take your seat." Sabi ni Attorney Santiago sa kanila. Naupo naman sila sa katapat na sofa nito. Atty. Santiago was their family attorney at higit kanino man ito ang pinagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang.

Ngayong araw na ito i-aanounce ni attorney ang second part ng last will and testament ng mga magulang ni Aura. Three years ago na ang nakakalipas nung in-announce nito ang first part ng last will and after three long years sa wakas ay maririnig na nila ang contituation nito. Nakasaad kasi doon na ang second part ng last will ay sasabihin pagkatapos lamang ng tatlong taon at sa loob ng tatlong taon na iyon ay kailangang manatili ang komunikasyon ni Shin at Aura, kailangan ay alam nila kung nasaan ang isa't isa dahil kung hindi ay hindi na nila madidinig pa ang pangalawang parte ng will.

"I'll start with you Shin, since ikaw naman ang tumatayong guardian ni Aura." And yes, sa loob ng tatlong taong iyon si Shin ang tumatayong guardian nya - one reason why she can't stay too far from him.

"Nasabi ko naman sayo last time ang nakasaad sa last will and testament ng mga magulang ni Aura hindi ba? Na nais nilang makasal kayong dalawa ng nag iisang anak nila at kung hindi ka naman papayag ay ikaw na mismo ang maghanap ng lalaking  . . . ."

"I made up my mind."pagputol nya sa sinasabi ng attorney. " I'll marry her." Sagot ni Shin na sya naman ikinalaki ng mata ni Aura. Nakapag usap na sila dati, nagkasundo na silang sya ang pipili ng mapapangasawa nya pero ano itong sinasabi nito ngayon sa kanya?

"Shin!"

"Are you sure?" Tanong ng attorney kay Shin, na hindi manlang sya pinansin.

"Yes, I'm sure."

"Then I guess this talk is over." Nakangiting sabi ng attorney sabay ligpit ang mga gamit nya.

"What? Hey how about me? Akala ko ba tungkol to sa mana ko?" Naguguluhang sabi ni Aura dun sa attorney.

"Yes this is about your inheritance, pero ang priority ko ngayon ay ang magiging desisyon ni Shin kung magpapakasal sya sayo o kung nakahanap na sya ng taong ikakasal sayo." Sagot nito habang nagliligpit ng gamit. "kailangan ko nang umalis para maayos na ang mga papeles na kailangan kong ayusin."

"Hindi nyo manlang ba ako tatanungin kung gusto kong makasal sa kanya? Kung payag ba ako sa mga ito?"

"Aura, sinusunod ko lang ang habilin ng mga magulang mo." Malumanay na sagot nito sa kanya tsaka ito umalis. Naiwan sya sa kwarto kasama ni Shin. Hindi sya makapaniwalang nagawa ito sa kanya ng mga magulang nya, ni hindi manlang nito inisip ang nararamdaman nya.

"Halika na, umuwi na tayo." Sabi sa kanya ni Shin. Hawak nito ang kamay nya at mahina nitong hinihila iyon para tumayo na sya at sumunod rito.

"I can't believe this . . . " Mahinang sambit nya.

Huminto naman si Shin at tumitig sa kanya.

"Do you hate me that much that you make such a face?" Tanong nito sa kanya kaya napatitig din sya rito. His face was void of any emotion but his words say that he's irritated.

"Nag usap na tayo di ba? Akala ko ba payag ka nang ako ang pipili ng gusto kong mapangasawa?"

"Ikaw ang hahanap? Anong gagawin mo? Go on a date with every man you see? Do you even know them? Paano kung masamang tao pala yung mga sinasamahan mo? You know that I can't always be with you."

"Hindi naman sila masamang tao! At saka I can handle myself. Malaki na ako! For Goodness sake ! Hindi na ako bata para parating paalalahanang that I shouldn't talk to strangers!" Bulyaw nya rito.

"Aura, you're going to marry me! Whether you like it or not. Tapos ang usapan." May diin na sabi nito tsaka hinila uli ang kamay nya para pasunurin sya rito.

Possesive loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon