Chapter nine

919 14 1
                                    

Kung nakakalipad lang si Aura malamang nasa alapaap na siya.

This day was the best day of her life!  Nakalimutan na niya yung tungkol sa lola niya at sa mga amigas nito na pilit na gumagawa ng paraan para magkalayo sila ni Shin. Funny that she even forgot that they were still on earth dahil sa mga oras na ito parang hawak niya ang mundo at ang oras, sa mga oras na ito ay nasa outerspace siya kasama ang nagiisang tao na mahal niya at mamahalin niya ng panghabang buhay, dahil sa mga oras na ito nakalutang lang silang dalawa ni Shin sa isang mundo na silang dalawa lang ang nakakaalam. Their own little paradise.

She just hopes that this day won't ever end.

At sana hindi siya biglang magising para lang malaman na ang lahat ng ito ay panaginip lamang.

"Shin?"

"Hmm?"

"Hindi naman siguro ako na nanaginip lang ngayon di ba?" Tanong niya rito at tiningnan ang katabi kahit na hindi niya ito masyadong maaninag dahil sa dilim ng paligid.

"Why? Do you want all of this to be just a dream?" Nakangiting turan nito sa kanya.

"Ofcourse not, I would really hate it kapag na nanaginip lang pala ako ngayon."  Sagot naman niya at ibinalik ang tingin sa man made outer space na kinalalagyan nila ngayon. "Kailan mo pa pinagawa 'to?" Tukoy niya sa outerspace inspired room na ito.

"Ito? This was built years ago. Siguro mga five years ago na at nasa america pa ako nung mga panahong yun. I almost forgot about this place actually, buti na lang at dito napili ng grandma mo na magbakasyon kaya bumalik sa ala ala ko yung tungkol dito." Sagot naman nito habang nakatanaw rin sa sining na nakapalibot sa kanila. "I was scheduled to go back here five years ago at noon ko pa sana balak na ipakita sayo ang lugar na ito but something came up kaya hindi ako natuloy sa paguwi ng pinas. I cursed that day. Sa lahat naman kasi ng araw na pwedeng magka emergency, dun pa talaga tumapat sa araw ng flight ko pauwi ng Manila, pero wala naman akong magawa kaya ipinagpaliban ko na lang ang pag uwi ko rito sa Pilipinas para asikasuhin yung problema."

"Kailan ang balik mo sa States?" Naibulalas na lang niya. Hindi naman kasi niya sigurado kung hanggang kailan si Shin rito. Although they plan on getting married alam niyang sooner or later ay babalik ito roon. Nasa States naman kasi ang main branch ng hotel and restaurant chains nito at dahil ito na ang CEO, she knows that the main branch needs him.

Bahagya itong nagulat sa sinabi niya at napatingin sa gawi niya. "I don't know, I don't even know if I want to go back." Sagot nito tsaka hinawakan ang kanyang kamay. "If you say that you're coming with me then I might go. I can't leave you here all alone, not when I know that there are wolves waiting for me to go before they snatch you away from me." Seryosong sagot nito. Natawa na lang si Aura sa itsura nito. He never change. He was still that same old Shin na over possive pagdating sa kanya.

"No one can snatch me away from you. Simula noon hanggang ngayon." Pag a-assure niya dito. Ngumiti naman ito at hinapit sita palapit.

"That's good then. Hindi ko rin naman sila hahayaan na maagaw ka sa akin." Sagot nito habang yakap yakap siya. Nakasandig naman ang kanyang tenga sa dibdib nito kaya dinig na dinig niya ang tibok ng puso nito.

~*~

The night ended quick at heto nga"t umaga na naman. Meaning kailangan na naman niyang makisalamuha sa kanyang lola at sa mga amiga nito na umaga pa lang ay sinisira na ang araw niya.

Tinanaw niya si Shin sa malayo. Oo, sa malayo dahil naroon ito sa kabilang dulo ng mesa kasama ang mga haliparot na amiga ng Lola niya na kasalukuyan ay tuwang tuwa sa kakatingin sa mukha niyang parang nalukot na papel.

"Why the face Aura? Parang hindi ata maganda ang awra mo ngayon." Nakangiting tanong ng lola niya na pinipilit mag joke kahit na hindi naman siya natutuwa sa sinasabi nito. Alam naman kasi niyang inaasar na naman siya nito.

"You don't have to ask me grandma. Alam kong alam mo kung bakit." Sagot niya at itinuon na lang ang atensyon niya sa pagkain. She knew that her grandma manipulated the seating arrangement. Ganon naman kasi talaga ito eh, kapag magkasama silang dalawa wala itong ibang pinagkakaabalahan kundi ang inisin siya na para bang hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi siya nito nakikitang nakakunot ang noo.

"Why? Not confident enough? Well, I can't blame you. Sa ganda ba naman ng mga amigas ko bibigay din yang si Shin. Konting push na lang. As I see it, hindi ka naman niya ganon kagusto kaya pwede ka niyang itapon kahit na kailan niya balakin lalo na kung makakita siya ng taong higit sayo." Mataray na sagot sa kanya ng lola niya na akala mo ay kontrabida itong nagmula pa sa loob ng isang telenobela.

Napahawak si Aura ng mahigpit sa hawak niyang kubyertos. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya sa kanyang Lola. Gusto niyang sabihin na mahal din siya ni Shin, na hindi ito kayang agawin ng iba. Ramdam naman niya eh, sa mga kilos nito, sa mga ginagawa nito para sa kanya pero ano bang pinanghahawakan niya? Kahit na gusto niyang sabihin sa harap ng Lola niya na mahal din siya ni Shin, na hindi nito magagawang ipagpalit siya sa iba, na hindi ito tulad ng iniisip ng Lola niya. Hindi niya magawa. Dahil ni minsan hindi naman niya nadinig ang katagang mahal kita sa labi mismo ng taong minamahal niya.

Tumahimik na lang siya at nagpatuloy sa pagkain habang inaalis sa kanyang isip yung mga insecurities na pilit na nagsusumiksik. Shin is going to marry her at kahit na ano pang sabihin ng lola niya matutuloy pa din ang kasal nila. Kailangan niya lang na magtiwala kay Shin. Hindi man nito sinasabi sa kanya na mahal nga siya nito, ramdam naman niya iyon. Yun naman ang mahalaga di ba? Salita lang naman yun, sabi nga nila actions speak louder than words di ba?

Nag angat siya ng tingin at sakto namang napatingin siya kay Shin na sa mga oras na iyon ay nakatingin din sa kanya. Nag aalala ang mga mata na kung hindi lang siguro ito kinakausap ng mga amiga ng kanyang Lola ay malamang na naglakad na ito palapit sa kanya. Napangiti naman siya sa isiping iyon. Tama na yun para alisin yung mga agam agam na nabubuo sa kanyang isipan.

Ngumiti siya kay Shin at ganun din ang ginawa sa kanya ni Shin bago ito nagpatuloy uli sa pagkain.

**********

A/N: sorry po ang tagal ng update. May nagbabasa pa po ba nito? Hahaha sorry din kung medyo sabaw yung update.

Churi po.

O siya bye uli! See you on my God-knows-when update. 😅😅😅

Possesive loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon