Chapter Five

4.3K 106 4
                                    

Napakapit ng mahigpit si Aura sa braso ni Shin at naglalakad sya ng nakayuko para ikubli ang mukha although she knew that they already saw her. Tumingin sya kay Shin and as always he was calm and composed.

Dire-direcho lang sila ng lakad hanggang sa makarating sila sa stage. Pagkarating nya roon ay agad syang sinalubong ng kanyang grandma at nakipagbeso ito sa kanya, bago pa ito tuluyang makalayo ay bumulong pa ito.

"Did you like my surprise?"

"Grandma! Are you trying to ruin my engagement party?" Pabulong na sermon nya rito pero imbis na sagutin sya ay nginitian lang sya nito at naglakad papunta sa MC tsaka kinuha ang mikropono mula rito.

"Good evening everyone!" Maligayang bati nya sa mga bisita.

"First of all I want to thank all of you for coming at Shin and Aura's engagement party. I didn't expect that all of you could come lalo na at biglaan ito and this was supposedly scheduled next week. Excited lang talaga kaming grandparents ni Aura kaya medyo napaaga."

Hindi mapakali si Aura sa kinauupuan nya she really felt that something wrong would happen and it includes those guys she dated.

Biglang pumatay ang lahat ng ilaw, nagbukas yung projector at tumunog yung music.

We were both young when I first saw you I close my eyes and the flash back starts; I'm standing there on a balcony in summer air

Habang nagp-play yung music ay isa isang naglalabasan yung mga baby pictures nila Shin at Aura.

Shin was ten years old back then at five years old naman ako nung una kaming magkita.

Nanlaki ang mata ni Aura upon hearing her own voice. Automatic syang napalingon sa lola nya na painosenteng nanonood sa big screen.

I used to call him my prince knight when we were kids. Lagi kasi syang dumadating kapag kailangan ko sya just like a prince and he would always save me from the bullies like a knight.

Namumula na ang mukha ni Aura. This Grandma of mine. Sa isip isip nya, ang akala nya ay tapos na ang revenge nito sa pag iimbita ng mga nakadate nya pero heto at may part two pa pala.

The audio that was currently playing ay ang diary recorder nya. Sa pagkaka alam nya ay matagal na nyang itinapon ang mga yun, yung araw mismo na nagconfess sya kay Shin sa radio booth at walang pakundangan syang ni reject nito. Haay naaalala nanaman nya tuloy ang araw na yun.

She was thirdyear highschool back then at fourth year college naman si Shin. Ilang bwan na lang at ga-graduate na ito kaya naisipan nyang magconfess na ng nararamdaman nya para rito, dito sa school na syang naging saksi ng lahat. Yung school kasi nila ay nagtuturo from nursery to college kaya masasabi nyang halos dito na talaga sila lumaki sa school na ito kaya gusto nyang bago manlang gumraduate si Shin ng college at tuluyan na syang iwan ay magkaroon manlang sya ng magandang ala-ala nilang dalawa dito.

Patakbo sya nung nagpunta sa radio booth nung malaman nyang nandoon si Shin. Nagiisa lang daw ito roon kaya naman perfect timing talaga ito para sa confession nya.

She knock thrice tsaka sya pumasok sa loob ng radio booth. Shin was there, nag iisa nga lang ito habang inaayos yung mga equiptments like he was tuning the mic or something.

"Ehem." She cleared her throat na sya namang naging dahilan para mapalingon sa kanya si Shin.

"Oh Aura, what are you doing here? Wala ba kayong klase ngayon?" Tanong sa kanya ni Shin na may pagtataka, bihira lang kasi nyang kausapin si Shin sa school dahil madalang lang silang nagkakasalubong at ngayon nga eh first time na hinanap at sinadya nya ito.

"No, wala kaming klase ngayon." Kabadong sagot nya rito. Ngayon lang sya kinabahan ng ganito habang nakikipag usap kay Shin, usually kasi she felt calm whenever she talks to him pero ngayon kasi iba na ang sitwasyon, this could make or break their relationship, pwedeng pagtapos ng araw na ito ay maging sweet na sila sa isa't isa or the other way around, baka hindi na sila muli pang magkita.

"May . . . sasabihin ka ba?" Tanong sa kanya ni Shin na para bang tinatanya ang facial reaction nya.

"A-ano . . . Shin . . . ah . . g-gusto ko sanang sabihin sayo na . . ano..." Nauutal at kinakabahan na sabi nya, nakahawak na din dya sa dulo ng palda nya like it was her life line. Si Shin naman ay nakatingin lang sa kanya habang naka cross arms at hinihintay na matapos ang kung ano mang gusto nyang sabihin.

"Na . . . MAHAL KITA!" naisigaw na nya yung mga salitang yun dahil sa sobrang kaba. Nakapikit ang mga mata nya habang hinihintay ang sagot ni Shin pero isang minuto na ata ang nakakalipas ay wala syang nadinig na ano man rito.

Inangat nya ang kanyang tingin at nakita nya si Shin na nakatingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito tanda ng hindi nito pagkagusto sa sinabi nya.

"Stop this nonsense."

"Shin . . . "

"Stop it. . . . tumigil ka na Aura."

Maybe it was a month or two na panay iyak nya ng dahil dun at sa mga araw na yun walang Shin ang nagpunta para aluin sya.

"Aura . . ." inangat nya ang kanyang tingin. It was Hans. Bigla syang nakaramdam ng kaba.

"Shall we dance?" Tanong nito sa kanya. Hindi nya alam kung bakit pero hinanap ng kanyang mga mata si Shin, hoping that he would grab her hand away from Hans.

"Aura?"

"S-sure." Sagot nya at pilit na ngumiti. Ayaw naman nyang maging rude rito lalo na at maraming nakatingin na tao sa kanilang dalawa.

Nung highschool sila they were often called as a love team, sobrang close silang dalawa dati kaya tuloy nabibigyang malisya ang closeness nilang yun. Siguro dahil sa pang aasar sa kanila o ano nadevelop ito sa kanya then he confessed to her but she refused. Alam nya kasing si Shin parin talaga ang mahal nya and a rebound is the last thing she needed.

Hawak nito ang kanyang kamay papunta sa dance floor, sumunod naman sya rito habang ang mga mata nya ay hinahanap si Shin na hindi nya alam kung saan na napunta.

"If you're looking for your fianceè nandun sya sa balcony talking to Raflie, the top runway model. I think he likes her." Sabi nito sabay smirk na sya namang ikinakunot ng noo nya.

"Did you asked me to dance just so you could badmouth Shin?" Inis na tanong nya rito.

"Ayaw mong maniwala? Then see for yourself." Sabi nito sabay ikot at dahil nga nagsasayaw sila ay nadala sya nito. In short nagpalit sila ng pwesto.

Nakaharap na sya ngayon sa direksyon na tanaw na tanaw ang balcony and there she saw Shin with a girl na ngayon nya lang nakita. They were smiling to each other at mukhang close na close sila.

Nakaramdam sya ng paninikip ng kanyang lalamunan at nahihirapan syang huminga. She tried to divert her attention elsewhere but everytime she do lagi syang iniikot ni Hans para makaharap sya sa pwesto nila Shin.

How she wish na sana sya ang kasama ngayon ni Shin sa balcony. How she wish that he would smile like that at her again.

- - - - -

Possesive loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon