Hi! Another short story. This is an old story from my notebook so I hope you like it. I wrote this around high school so it's really cliché. Hehe.
Start
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Tumunog ang alarm clock ko kaya naalimpungatan ako sa mahimbing na pag tulog. Gusto ko pang bumalik sa pag higa dahil sa malamig na panahon pero may trabaho ako ngayon kaya walang gana akong umalis sa kama.
Inaayos ko ang kumot at unan na ginamit nang mapabaling ako sa cellphone kong hindi pa tumitigil sa pag alarm. Napairap tuloy ako sa ingay.
Ni-slide ko ang screen para huminto na ng tuluyan ang alarm ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makitang ikalawang alarm na ito.
Agad kong napulot ang cellphone ko sa kaba na baka namiss ko ang unang alarm ng cellphone ko. Ibig sabihin lang non..
Napalunok ako dahil 6:31am ang nakalagay.
Shit! Hindi ako nagising sa 5:30 kong alarm! Oh my god! Anong gagawin ko? Late na ako! Kainis talaga huhu. Ang gloomy naman kasi ng panahon. Parang hindi alas sais ng umaga eh, medyo madilim pa kasi kaya akala ko maaga pa. Patay talaga ako neto.
Mabilis kong hinigit ang towel at lalagyan ng sabon para makapasok sa banyo. Ito na siguro ang pinakamabilis na pag ligo ko sa tanang buhay ko.
Kung ano ang una kong nakita sa aparador ay yon na ang sinuot ko para sa trabaho. Wala na akong oras at nakakainis na kailangan ko na namang pumila ngayong umaga sa paradahan. Kay malas naman talaga ng araw ko ngayon.
Nag mamadali akong bumaba sa hagdanan namin at bumungad naman si mama na nag hahanda ng agahan. Naka on pa ang radyo niyang kasalukuyang balita ang on air.
"Ma, alas sais na po ba?" Nag babakasali kong tanong. Baka naman kasi advance lang tong cellphone ko o baka na adjust ko nang hindi sinasadya ang oras.
"Oo anak. Malapit na ngang mag alas syete. Mag agahan kana, baka ma-late ka." Umiling ako sabay kuha sa bag kong nasa gilid ng ref madalas sinasabit.
"Ma hindi na ma. Late na ako." Pag mamadali ko."Teka, may pasok kayo? Eh may bagyo daw ngayon ah?" Matapos masuklay ang buhok ay nilingon ko si mama para makapag paalam.
"Opo ma, walang announcement si boss eh. Mauna na ako ma. Late na talaga ako. Bye po!" Humalik ako sa pisngi ni mama saka patakbong binuksan ang gate namin.Patay talaga ako neto. Sobrang late na ako at sobrang terror pa ng bagong boss namin. Imagine, tatlong empleyado na ang napaalis sa isang linggo dahil lang sa isang pagkakamali. Well, hindi ko alam kung anong ipapataw niya sa mga late na tulad ko. Sana naman mag consider siya huhu. I can't lose my job right now.
Tinakbo ko ang papuntang paradahan. Halos mag marathon na ako sa itsura ko. Hindi pa naka tulong na naka 3 inch heels ako. Required kasi sa trabaho namin kaya ito at hirap na hirap ako sa pag takbo.
Nang makarating sa paradahan ay nanlumo agad ako sa haba ng pila ng mga taong sasakay. Mas namroblema pa ako nang mapansin na walang jeep at nag hihintay pa na may darating na bago. Kahit ganon ay hindi ako nawalan ng pag asa at mas pinili nalang na pumila.
Well, wala na akong magagawa. Siguro kailangan ko nalang tanggapin na late na ako at hindi na ako aabot sa tamang oras. Kahit na mag lupasay pa ako dito sa iyak ay wala ng milagrong mangyayari kaya siguro, haharapin ko nalang ng matiwasay ang boss ko mamaya.
Habang nasa pila ay unti-unti kong naramdaman ang maliliit na butil ng tubig na tumatama sa balat ko. Napangiwi pa ako sa pag aakalang tumalsik ang laway netong kaharap ko sa pila pero hindi naman siya nag sasalita.
Napatingala ako at saka ko lang na realize na umaabon pala. Mula sa maliliit na butil ay palakas ito ng palakas. Agad kong binuksan ang hand carry bag ko para kunin ang payong ngunit ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang hindi ko ito mahugot o mahanap kung saan sa bag ko. Tiningnan ko pa ang loob pero wala talaga.
BINABASA MO ANG
Raindrops
Short StorySa ilalim ng ulan, ko siya unang nakilala.. Sa ilalim rin ng ulan, ko siya minahal.. Sa ilalim ng ulan, niya rin ako iniwan.. Ang tanong.. Sa ilalim rin kaya ng ulan, ko ulit siya matatagpuan? Raindrops a one shot story