Raindrops

5 0 0
                                    

"Haezel? Saan kaba galing? Ilang araw kang absent ah?" Nakangiwi kong binalingan si Melanie habang sinasagutan ang activity na iniwan sa amin.

"Nag kasakit ako eh." Simpleng sagot ko saka nag patuloy dahil ayaw kong pag usapan ang nangyari.

"Araw-araw bumabalik si Emman sa classroom natin sa history, hinahanap ka. Tuwing natatapos ang OJT niya didiretso siya sa eskwelahan dahil hindi ka daw nag nagre-reply o sumasagot sa tawag." Napairap ako sa narinig.
"Busy pa naman yon. Balita ko, magpapatuloy siya sa pagme-medisina." Narinig ko nga.

Hindi na ako nag salita at pinagtuunan nalang ang pag sagot.
"Iniiwasan mo ba siya?" Kunot noo kong binalingan si Anna.
"Huh? Hindi ah. Nagka sakit talaga ako." Naiinis ako dahil hinahalungkat nila ang bagay na gusto kong iwasan.
"Eh bakit hindi mo siya sinabihan? Hindi ka macontact." Pabagsak kong binitawan ang ballpen ko saka seryoso silang hinarap na dalawa.

"Unang-una, hindi ako oblige na ipaalam sa kanya lahat ng nangyayari sa akin. Pangalawa, wala sa plano ko ang mabansagang third party. At panghuli, hindi ko siya kamag-anak, tatay, kuya o pinsan. Kaya bakit siya magde-demand ng atensyon ko?" Napahinga ako ng malalim dahil sa mga nasabi.
"Third party? Bakit may girlfriend na pala siya?" Pareho silang dalawa na nag taka. Napabuntong hininga naman ako. Akala ko pa naman titigil na sila sa kakatanong.

"Ewan ko." Mariin na ang pagkakahawak ko sa ballpen at halos mapunit na ang papel na sinusulatan dahil sa diin.

"Ay nga pala, naalala niyo si Ken? Yong nanliligaw sayo dati na parang adik?" Napangiwi ako sa pag lalarawan ni Melanie.
"Bakit?" Nasa huling sasagutan na ako nang mapatigil dahil sa pahayag ni Melanie.

"Ayon nakulong. Si Charity Baldivia ang nagpakulong." Nanlaki ang mata ko.
"Talaga? Bakit daw?" Ganon ba ako katagal nawala at may mga balitang ganito?

"Natural na manyakis daw kasi yon. Hindi mo pala alam ang pagkaka kulong niya?" Ngumiwi ako kay Anna.

Ba't ko naman malalaman ang pagkaka kulong ng lalakeng yon? Eh matagal na naman yong tumigil sa panliligaw. Kahit na isang beses ko siyang nahuli na ninanakaw ang damit ko sa locker para amuy-amuyin. Sinumbong ko agad yon kaya hindi na nakalapit ulit.

"Eh nandon daw si Emman nang mahuli eh. Siya ata ang nag report kay, Ken." Oh my gosh! Marami na nga akong nakaligtaan.

Minanyak siguro ni Ken si Charity, at dahil girlfriend siya ni Emman, kaya ayon nagalit. Tsk! Bahala na siya sa buhay niya. Friendship over na kami. Ayaw kong mas lalong mag kagusto sa kanya.

"Mauna na ako sa inyo, girls." Paalam ko dahil tapos na sa sinasagutan.
"Pa kopya muna." Bulong nilang dalawa kaya napailing ako sabay bigay ng papel ko sa kanila para sila na ang mag pasa.

Napili kong dito muna sa may acacia tree sumilong sa gilid ng soccer field. Maingay kasi sa cafeteria, masyado namang tahimik sa library. Mas maganda dito dahil bukod sa sakto lang ay sariwa pa ang hangin.

Abala ang lahat sa ginagawa nila. Kokonti lang din ang tao dito sa ngayon dahil madalas nasa classroom ang lahat. Yong mga walang klase sa ngayon lang ang nakikita kong nagliliwaliw.

Napangiti ako ng malungkot lalo na nang mapadako ang tingin ko sa bleachers kung saan ko nakita si Emman at Charity.

"Sana all, hindi bothered." Naupo ako ng maayos dahil sa narinig na boses sa taas ng puno.

Nagulat ako nang makita si Emmanuel doon na nakaupo sa isang sanga. Mataas itong acacia kaya nakakatakot kung mahulog siya.

"A-anong ginagawa mo diyan? Bumaba ka nga! Mahulog ka diyan eh." Naiinis na sermon ko dahil sa pag aalala.
"Kung mahulog ba ako, willing ka bang sumalo?" Ngisi niya na mas lalong kinainis ko.

RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon