His Own Storm (Part II)
Kahit isang taon na kami dito sa states ay wala pa ring pagbabago kay mom. Nagpatuloy ako sa pag aaral ng medisina sa tulong ng tito ko na kapatid ni mommy.
Mommy is still crying every night. Minsan ay nahuhuli ko siyang umiinom ng maraming gamot kaya pinabantayan namin siya sa isang yaya. I was so frustrated and tired about everything. Kaso lang, wala ng Haezel na yayakap sa akin para pawiin lahat.
One time I caught mom swallowing all the sleeping pills. I immediately scold her and took it out from her mouth. Nasa kusina kasi ang yaya niya kumukuha ng tubig dahil sa utos ni mom. Galit na galit si mommy sa akin dahil sa ginawa ko.
"Bakit hindi mo ako hinayaan hah! Let me follow your dad! Everyday, his death keeps haunting me!" Iyak niya kaya napayuko ako.
"Mom, don't leave me please." Pakiusap ko naiiyak na dahil sa pagod na nararamdaman."H-huwag mo akong iwan ma. Hindi ko na kaya. Mama, pagod na pagod na ako. Gusto ko ng bumalik sa dati, mama. Tulungan mo po ako ma please, mama. Iligtas mo, ako sa sakit please. I'm already dying, ma." Hindi ko napigilan ang mapahagulhol.
"Hindi k-ko na po alam ang gagawin. Mama, hindi ko na kilala ang sarili ko, mama. Tulungan niyo po ako, ma. Araw-araw po pasakit ng pasakit. Palala ng palala po ang sakit mama. Gawin niyo po yong ginagawa niyo dati, please. Pawiin niyo po ang sakit. Mama nakikiusap po ako." Napaluhod ako dahil sa pagod.
All I can remember is the picture of Haezel crying under the rain. Begging for me to come back but I never did.
Sobrang sakit sa dibdib. Hindi napapawi ng iyak ang sakit at lungkot ko kaya hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng gawin.
Sa kalagitnaan ng pag iyak ko ay isang yakap ang bumalot sa akin. Isang yakap na matagal ko ng hindi nararamdaman at ang tanging yakap na kailangan ko sa ngayon.
"I'm sorry, anak. I'm so sorry. I'm sorry. Mommy's here. Huwag ka ng iiyak dahil papawiin ko ang sakit." In that moment, I know everything's going to be alright. We might can't go back to what we used to be. But change is not bad after all.
I graduated medicine in US. Matapos non ay kailangan ko pang mag hintay ng isang taon para sa examination. I would lie if I say I was never tempted to check up on Haezel on social media. Pero hindi ko na siya mahanap. Maging sa dating kaibigan niya nong nag aaral pa ay hindi ko makita ang kahit anong account niya.
I gained friends while staying here in US. May mga babaeng lumalapit sa akin. Pero tinanggihan ko lahat. They're westernized culture make it okay. Kapag tinanggihan ko kasi ay lalayo agad. Hindi na namimilit.
I can never make myself like another girl. It seems like my heart belongs only to one. Kahit ang pakikipag fling ay hindi ko nagawa dahil sa alaala ni Haezel na hindi nawala kahit isang beses sa utak at puso ko.
"Bukas na ang exam. Babalik ka naba agad sa pinas pag katapos?" Si Claude na matalik kong kaibigan. Dito ko na siya sa US nakilala. He's half filipino the reason why he knows the language.
"I need to. Though, mom will probably stay here. I'll go home alone." Tumango tango siya at nanliit ang mata sa akin."You'll look for the girl?" Natigil ako sa akusa niya. Alam niya ang lahat ng tungkol kay Haezel. Mula umpisa hanggang dulo.
Nilagok ko naman ang iniinom ko at kinawayan ang babaeng paparating.
"No." Pahayag ko, para hindi na niya ako kulitin at asarin pa sa mga desisyon ko.
Lumapit sa amin si Lorie. ang fiance ni Claude. Siya iyong kinawayan ko. "I know you would man, you don't have to lie. By the way, what will you do there while waiting for the exam results?" Nagkibit balikat ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/220174589-288-k513244.jpg)
BINABASA MO ANG
Raindrops
Short StorySa ilalim ng ulan, ko siya unang nakilala.. Sa ilalim rin ng ulan, ko siya minahal.. Sa ilalim ng ulan, niya rin ako iniwan.. Ang tanong.. Sa ilalim rin kaya ng ulan, ko ulit siya matatagpuan? Raindrops a one shot story