This will be, Emmanuel's point of view. Mula simula hanggang dulo.
His Own Storm
"Number 7! Number 7! Number 7!" Binatukan ko isa-isa ang mga kaklse kong abala sa pag chi-cheer ng mga kandidata sa baba.
May nagaganap kasi ngayon na celebration sa junior high department. Ito ata ang celebration nila sa nutrition month. Isang pageant. Isang estudyante bawat section sa lahat ng year level. Kami namang mga college ay kasalukuyang nagk-klase sa building katabi ng stage. Kitang kita namin mula dito sa taas ang nagaganap na pageant.
"Ang babata pa ng mga yan huy!" Saway ko sa kanila. Nag tawanan naman sila. Habang ngumisi pa ang isa sa akin.
"Sabi nga nila, age doesn't matter. Kaya go number 7! Wooooh!" Napailing lang ako at nakisabay na sa panonood.There are total of 31 contestants earlier. Pero dahil sa bawat round may elimination, labin dalawa nalang silang natitira. At ang mga gunggong ay napag diskitahan ata ang contestant number 7.
Nalipat ang tingin ko kay contestant number 10. Sa lahat kasi ay siya ang pinaka mahiyain. Grade 7 pa siguro to kaya ganon. Hindi rin siya gaanong kumakaway tulad ng iba.
"Grabe! Ang ganda talaga ni Haezel Vitale!" Sigaw na naman ng mga loko kaya napailing ako. Nawala tuloy ang tingin ko kay number 10 at nalipat kay number 7.
Well, I must admit. She sure look stunning in her white flowing dress. Nag mukha siyang diwata dahil doon. Ang buhok niya ay wavy na hanggang bewang. Makintab iyon na tila alagang-alaga. Sa lahat rin ay siya lang ang hindi makapal ang make up. She's fair and the way she moves looks graceful.
"Ang ganda ni number 7 noh? Grade 7 palang yan pero sikat na sa higher year gaya natin. Si Haezel Vitale yan, pare." Medyo napaatras ako sa sinabi ni Mike.
Medyo na istorbo ang pag iisip ko nang malamang grade 7 pa ang babaeng pinuri ko. She looks like a lady already. Ang bata pa pala non pero pino na ang galaw. Kaya siguro sikat sa higher batch dahil doon. 1st year college kami pero umabot pa rin sa mga kablock mates ko ang pangalang Haezel Joy Vitale na mula sa grade 7.
Maulan ang panahon kinabukasan. Kahit may sasakyan ay pinili ko pa ring mag dala ng payong. Kahit medyo late na ay kakaunti pa rin ang mga estudyante sa campus. Ganito talaga madalas pag masungit ang panahon. Madalas lumiliban sa klase ang iba. Pero dahil college na ay pinili kong pumasok. Bawat isang absent kase ay isang buong libro na ang makakaligtaan mo sa mga lessons.
Naihinto ko ang sasakyan nang maaninag ang pamilyar na babae na nasa waiting shed malapit sa may guard house. Hindi siya makaalis dahil sa malakas na buhos ng ulan. Papasok na ata siguro siya.
Bakit ba kasi wala siyang dalang payong? Gusto niya bang magpabasa sa ulan?
Umabante ako at inihinto ang sasakyan sa harap mismo ng guardhouse. Binuksan ko naman ang bintana ng kotse kaya lumapit ang isang guard. Sakto lang na hindi siya mababasa sa ulan.
"Manong, paki bigay po to sa babaeng nasa waiting shed." Binigay ko kay manong ang payong na dala ko.
"Paki sabi po, gamitin niya palagi. Basta kay Haezel Vitale niyo ibigay." Paalala ko pa bago sinarado ang bintana. Nag salute si manong sa akin kaya tumango ako. Dumiretso naman ako sa may parking lot sa gilid ng lobby. At least hindi ako mababasa ng ulan dahil malapit lang. Binigay ko na kasi ang payong ko.After that incident. Hindi ko na maiwasang tingnan mula sa malayo si Haezel. Hindi ko alam kung ba't may pakiramdam akong maging protective sa kanya. Hindi ko rin naman magawang mag pakilala. Wala pa akong nakikitang tamang pagkakataon para magpakilala.
"Oh may panibagong chocolates na naman. Iba ka talaga, Haezel!" Valentines day of that year. Dinumog ang locker ni Haezel dahil sa dami ng chocolate at letters na iniwan. May mga bulaklak pa doon at teddy bears.
BINABASA MO ANG
Raindrops
Short StorySa ilalim ng ulan, ko siya unang nakilala.. Sa ilalim rin ng ulan, ko siya minahal.. Sa ilalim ng ulan, niya rin ako iniwan.. Ang tanong.. Sa ilalim rin kaya ng ulan, ko ulit siya matatagpuan? Raindrops a one shot story