Warning: Errors ahead!
CHAPTER FOUR: DEAL
Third Person's POV
"aba dapat itinapon mo rin kay ken yung kape! di gumaganti sa babae yon." tawang sabi ni Josh.
Kinukuwento kase ni Maria sakanilang apat kung anong nangyare sa aksidente at kung paano sya natapunan ng kape ni ken.
Gigil na gigil pa ngang chinicheer ni Josh at Justin si Maria habang kinukwento nito yung dun sa part na sinigawan nya si Ken sa harap ng guard.
"pasensya na, maria. Ganun lang talaga si ken, ako na humihingi ng sorry." sabi ni Stell ng nakayuko.
"Ano ka ba stell ayos lang yon! HAHAHA." sabi naman ni Maria para hindi ma-awkward si Stell.
"Pero, pumapayag ka pa rin ba sa deal? Don't worry, it is ok naman kung hindi ka pumayag. Di ka naman namin pinipilit." ngiting sabi ni Sejun at hinawakan ang kamay ni Stell.
"Papag-isipan ko muna ha? di ko pa kase sure eh."
"Naaastigan talaga ako sayo bakit ganun? I mean, di ka gaya nung mga ibang babae na into high heels tapos fitted na damit tapos labas kaluluwa. Like muka bang nagugustuhan namin ng mga lalake yon-" pinutol ni Josh ang sinasabi ni Justin.
"Di ako nagseselos Justin pramis haha..." sabi nito at tumawa ng peke, "...Joke lang, naaastigan din ako sayo Maria. Tropa kana namin ah?" dagdag pa ni Josh.
"Dakilang recruiter ka talaga!" sabi ni Stell dito.
"Oo naman HAHAHAHAHA." sabi naman ni Maria.
"Anong oras na rin, wala ka gagawin or pinagkakabusy-han or somethin? baka nakakaabala kami sayo." sabi ni Sejun.
"Umm, wala naman po." sabi ni Maria at humawak sa batok nito sa hiya.
"ang cute cute! HAHAHAHA." sabi ni Josh.
"6pm na pala, umm..." sabi ni Maria.
"Okay lang, salamat sa pagpunta, ang ganda ganda mooo!" sabi ni Stell at kinurot ang pisngi nito.
"Thank you, Maria." Ngiti ni Sejun at niyakap ito.
Nagpaalam na si Maria sa kanila at bumalik na sa unit nito.
Ken Suson's POV
time check: 11pm
Andito ako sa unit ni Stell, kasama parin sina Josh at Justin. Bumalik na si Sejun sa unit nya, may gagawin pa raw.
"Papag-isipan pa daw nya. Pag pumayag yon wag ka ng choosy ha! Ang ganda ganda kaya nya!" pag-eexplain ni Justin saakin.
"A.YO.KO." matigas kong sabi. Eh sa ayaw ko nga eh?
"Ang arte mo! Ikaw na nga tinutulungan eh. May tropa ba talaga akong ganto?" sabi ni Stell at binatukan ako.
"Masakit yun Stell." I said coldly.
"May nagtatanong?" sabi nya.
"Bahala ka. Basta kami payag na kami. Mabait si Maria, pag nakilala mo pa yun. Tropa na nga namin yun eh." sabi ni Josh na ka-harutan parin si Justin.
"Sayang naman yung 6 years na pagkakaibigan naten. Sige dun na kayo, tropa nyo pala." sabi ko.
"Huy joke lang! hehe" Stell.
Joke lang naman yun. Wala na kong ibang tropa eh.
"Tsaka kelan uwi naten sa Zamboanga? Next week? Naeexcite na ko makita si Lolo at Lola." ngiting sabi ni Jah.
"Myembro ka ng pamilya namen?" sabi ko.
"Kasama na kami dun syempre! Atsaka uuwi na rin mama at papa mo kaya dapat kasama kami. Reunion yun! Namiss din nila kami no!" sabi ni Josh.
Close sila sa pamilya ko. Mas apo pa yata turing sakanila ni lolo eh.
"Tsaka sa pagpapanggap, dapat nandun kame, tutulungan namin kayo ni Maria." sabi ni stell.
"Whatever." sabi ko at sumimsim sa kape.
"Ang sungit mo talaga kahit kelan. Kaya wala kang jowa eh." sarkastikong sabi ni Justin.
"hOY NAGCHAT SI MARIA PUMAPAYAG NA RAW SYA!!" sigaw na sabi ni Stell kaya napatigil ako sa pag-inom.
Pinakita nito ang phone nya na may convo nila.
~~~
Author: wAIT WHAT
BINABASA MO ANG
Last try [SB19 KEN]
FanfictionKen: Marami ng nai-date si Ken na babae para lang maipakilala sa lolo nya at masabing straight nga sya. Pero sa dinami raming babaeng idinate nya, wala man lang nagtagal sakanya dahil narin sa ugali nyang napakasungit. Hindi nakakapagtiis sakanya an...