Khyzzer POV
Haysstt naguguilty ako sa ginawa ko nung biyernes,naguguilty ako una kasi hindi ako nagpaalam kila tita lalo na kay khayena, pangalawa nasaktan ko si khayena naiparamdam ko sa kanya na balewala lang sa akin yung pag aalala niya…
Haysstt hindi ako kinakausap ni khayena simula nung biyernes sineseen niya lang yung mga messages ko sa kanya hindi niya rin sinasagot mga tawag ko alam ko naman na kasalanan ko eh pero paano ako magpapaliwanag sa kanya kung dinededma niya naman mga chat ko …
Hindi ko alam kung tutuloy paba siya na pupunta dito iniisip ko baka umayaw na siya dahil sa ginawa ko chinat ko si Gab kahapon tinanong ko kung dumating naba si Khayena pero sabi niya wala pa daw, haysst hindi ko na alam ang gagawin ko …
Humahapon nanaman na walang paramdam si khayena ,nang medyo hapon na ay nag online ako nagbabakasakali na nagreply si khayena ngunit nagkamali pala ako kahit seen man lang sa chat ko kaninang tanghali wala eh 1 hour ago naman siyang nag online haysst …
Habang hinihintay ko ang reply ni khayena ay biglang nahagip ng mata ko ang my day ng pinsan ko 1 minute ago nakita ko sa myday niya na gumagala siya pero may kasama siyang babae hindi ko nga lang maaninag ang muka dahil madilim at naka talikod ang babae habang hawak ng pinsan ko ang kanang kamay ng babae,nahagip ng atensyon ko ang caption ng pinsan ko na “namiss ko toh kasama” si khayena agad ang pumasok sa isip ko ng mabasa ko ang caption ng pinsan ko hindi ako pwedeng magkamali si khayena ito …
Dali dali akong nagtungo sa bahay nila tito Ronald kahit papalubog na ang araw 6 pm na rin kasi, pero napapaisip ako kasi sabi ni Gab wala pa si khayena pero sino yung kasama niya basta wala namang mawawala sa akin kung titignan ko…
Nang makarating ako sa bahay nila Tito Ronald ipinarada ko ang sasakyan ko sa bahay ng pinsan ko, nang pumasok ako sa bahay ng tito Ronald ko ay tila para silang nakakita ng multo para silang nagtataka…
“oh Khyzzer hindi mo ba kasama yung dalawa” Saad ni tita lyn
“sino pong dalawa tita” tanong ko
“hindi mo ba alam hindi ba sinabi sayo ni Gab na dumating na si khayena magkasama sila ngayon eh gumagala sila akala ko kasama ka nila” saad ni tita
“hindi po tita eh hindi rin naman po nabanggit sa akin ni Gab kelan pa po tita dumating si khayena ” tanong ko
“ah kahapon pa ng tanghali, sige maiwan ka muna namin ng tito mo jan hah hintayin mo nalang sila kung gusto mo pupunta muna kami sa bahay ng mga kapatid ko sa kabilang baryo”Saad ni tita
“sige po tita ingat po hintayin ko nalang po sila” saad ko
Kaya pala pareho silang naka offline kaya pala hindi sinasagot ng pinsan ko ang mga tawag ko,ewan ko pero parang mag seselos ako,tinanong ko pa si Gab kung dumating na si khayena hapon pa yun pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo …
Kinakabahan ako na nagseselos kinakabahan ako kasi naiisip ko yung bilin sa akin ng pinsan ko na oras na masaktan ko si khayena kahit isang beses lang babawiin niya sa akin si khayena, nagseselos ako kasi mas nauna pa na maka bonding ng girlfriend ko ang pinsan ko…
Habang naghihintay ako ay narinig ko na ang boses nila khayena at Gab mukang masaya sila nang pumasok na sila sa loob ay bigla silang nagulat para silang naka kita ng multo
BINABASA MO ANG
When I Met You At The Wedding
JugendliteraturPaano ka maiinlove sa isang lalaking suplado napaka hangin ubod mg sungit .tas magseselos ng walang karapatan ,yun bang madalas kayong magbangayan tapos nasisira araw mo sa kanya, what if dahil sa bangayan na yun mahulog kayo sa isat isa paano kung...