Khayena POV
Haysssstttt ang bilis ng araw di ko namamalayan December na pala malapit na Christmas break sa Wednesday Christmas party na namin, makakapunta na ulit ako sa 14 sa Laguna makakasama kuna ulit si Khyzzer …
Naalala ko dumating na pala mama niya ikakasal pala ngayong buwan ang mama niya at tito Luke niya ,hindi niya biological father …
Kung iisip mo mabait din na anak si Khyzzer kasi pinayagan niyang mag asawa ulit ang mama niya sabi niya sa akin noon “gusto ko ng makita ulit na masaya si mama yung may taong magpapasaya at magmamahal pa sa kanya maliban sa akin” kahit suplado na pranka siya may puso at pagmamahal din siya sa mama niya,natutuwa naman ako kasi ang laki ng improvement niya since nung naging kami
Maya maya ay nag pop up yung phone ko may sinend si mama ni Khyzzer na pic sa akin binuksan ko agad yun ,nang buksan ko ay invitation pala ng wedding nila ang nasa picture…
Nagulat ako kasi bakit ako ang maid of honor ang akala ko eh ordinaryong bisita lang ako nakakahiya naman sa mga kamag anak nila …
“nak wag kang mawawala sa kasal ko hah ikaw ang maid of honor ko”chat ni tita ellyse
“opo ma makakaasa po kayo pero ma hindi po ba magagalit sa inyo yung mga pamangkin niyo kasi ako po yung ginawa niyong maid of honor ”reply ko
“anak walang problema dun okay, tsaka hiling yan sa akin ni Khyzzer kasi di ka daw niya naka partner nung kasal ng tito niya kaya ayun nagbubugnot kaya pinagbigyan ko na” reply ni tita
“nako talaga si Khyzzer hindi niya nga ako kapartner nung kasal nila tita lyn naging kapartner niya naman ako sa buhay pero ma okay lang po ba talaga sa inyo” tanong ko
“oo naman anak syempre best man si Khyzzer ng magiging papa niya syempre ikaw naman ang maid of honor ko” reply ni tita
“ah sige po ma congratulations po in advance ” reply ko
“thank you anak sige na baka may ginagawa kapa basta wag kang mawawala sa kasal ko hah” reply ni tita
“opo pangako po” reply ko
Kinabukasan …
Maaga akong binulabog ni Khyzzer Khyzzer paano ba naman 4 am palang tinawagan na ako jusko ano nanamang trip neto
“good morning mhie” bungad niya
“ano nanaman ba nakain mo at ang aga aga mong nambulabog hah” sagot ko
“mhie naman kaaga aga badtrip ka walang bang good morning jan” sagot niya
“good morning eh panong di ako mabaabdtrip eh inaantok pa ako ” sagot ko
“sorry na masaya lang ako kasi sa wakas makakapartner na kita ”sagot niya
“so yun na yun kaya mo ako binulabog ng kaaga aga ng dahil sa kasal ” sagot ko
“sorry na mhie masaya lang ako kasi eto na yung matagal kung hiling yung maging masaya ulit si mama tapos ikaw yung maka partner ka ” saad niya
“sabagay masaya na rin ako kasi alam kung masaya kana ”sagot ko
“sige mhie tulog kana ulit kung inaantok ka inaantok din ako eh hehe sorry sa istorbo ” saad niya
“juskoooo oo matutulog tlaga ako dhie my ghad” saad ko
“sorry na mhie I love you bye” saad niya
“I love you too bye” saad ko
Itinulog ko ulit 5 am na ng magising ako kaya Dali dali na akong bumangon at gumayak Christmas party pala ngayon kaya bawal ma late …
Nang maka pag ayos na ako ay pumasok na ako, nag enjoy kaming lahat sa Christmas party kaya naman ng makauwi na ako sa bahay ay naka tulog ako agad pag gising ko ay umaga na …
Nang magising ako ay tinignan ko ang oras sa cellphone ko 6 am na pala my ghad pupunta pala ako ng Laguna ngayon …
Gumayak na ako at kumain at pagkatapos kung gumayak ay nagpaalam na ako kay lola na pupunta ako ng Laguna …
2 oras ang nakalipas at naka rating na ako sa Laguna sinalubong ako ni Khyzzer sa terminal,hinatid ako ni Khyzzer sa bahay at pinagpahinga niya muna ako pero sinabi niya na may lunch daw kami together with his parents …
Kinabukasan …
Late akong nagising mga 9 am na kaya naman nagmadali akong naligo at mag ayos ng sarili kasi mamaya 10 susunduin ako ni Khyzzer dahil my dinner kami together with his parents, kinakabahan ako na excited kasi makikilala ko na in personal ang mama niya at ang magiging papa niya …
Maya maya ay may bumusina na sa harap ng bahay panigurado si Khyzzer na Yun, di nga ako nagkamali siya nga …
“good morning dhie ”bungad ko
“good morning mhie ang blooming naman ng girlfriend ko” saad niya
“siyempre gwapo din ngayon yung boyfriend ko eh papatalo ba ako” sagot ko
“haahaha oo na lets go” saad niya
“tara na” sagot ko
Nang maka rating na kami sa bahay nila ay kinakabahan ako kasi ngayon ko lang makikita in person ang mama niya …
“oh khayena your here ”bungad ni tita
“opo ma iba pala yung ganda niyo ma sa personal ” saad ko
“nakuu anak nambola kapa ” saad ni tita
“syempre kanino paba ako magmamana ng kagwapuhan diba ma” saad ni Khyzzer
“kahangin mo nak ”sagot ni tita
Hindi naman ako na hotseat as mga magulang niya actually nabalot ng saya ang lunch namin hindi naman pala sila matapobre at suplada si Khyzzer lang talaga ang may nature nun hahaa
“well Khyzzer kelan ang pamamanhikan ” biro ng tito niya na soon to be papa niya
“pa naman tska na wala pa sa plano ” sagot ni Khyzzer
“wala pa tlga at magtatapos pa kayo ng pagaaral niyo ” sagot ni tita
“hahahaah ma naman high blood ka dadating din tayo jan” sagot ni Khyzzer
“as if naman papayag ako patali sayo ” sagot ko
Natahimik si Khyzzer, ngunit sandali lang, naging masaya ang lunch namin
BINABASA MO ANG
When I Met You At The Wedding
Novela JuvenilPaano ka maiinlove sa isang lalaking suplado napaka hangin ubod mg sungit .tas magseselos ng walang karapatan ,yun bang madalas kayong magbangayan tapos nasisira araw mo sa kanya, what if dahil sa bangayan na yun mahulog kayo sa isat isa paano kung...