KHYZZER POV
Eto na ata ang pinaka masayang pasko sa buhay ko dahil kasama ko ang dalawang taong importante sa akin …
Nandito palang ako sa kwarto ngayon nag mumuni muni natutuwa lang kasi ako,kasi nagkasundo ang mama at Tito ko at si khayena haysssstttt ang Sarap pala sa feeling ,habang nagmumuni muni ako ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko …
“anak gising ka naba bangon kana jan, kakain na tayo” saad ni mama
“okay mom susunod na po ako” sagot ko
“oh sige hihintayin ka namin sa baba” sagot ni mama
Namiss ko toh yung ipagluluto ako ni mama ng pagkain yung gigising niya ako tuwing umaga 10 years ko ring hindi naranasan ito ngayon na lang ulit …
Simula kasi ng maghiwalay sila ni papa parang nawalhan din ng pakealam sa akin si mama pero naiintindihan ko naman yun, masama lang loob ko kasi parang nakalimutan ni mama na may anak pa siya …
Kaya nagrebelde ako naging cold ako kay mama para lang mapansin niya ako …
But later on naguilty ako sa mga ginagawa ko hindi ko na namamalayan na nagiging bastos na ako sa mama ko …Noong dumating si khayena sa buhay ko siya ang nagpaintindi sa akin ng lahat kung tutuusin mas matindi yung pinagdaanan niya pero tinanggap niya yun, si khayena ang nagturo sa akin kung paano magpatawad at kung paano kalimutan ang mga masasakit na nakaraan, I'm so lucky to have her …
Bumaba na ako at nakisabay na akong kumain kila mama at tito, as wakas makukumpleto na ulit ang pamilya namin 10 taon ko rin kayang hinanap hanap toh, tapos na ang 10 taon na paghihintay eto na finally magiging happy family na ulit kami …
“Khyzzer imbitahin mo rin kaya dito ang magulang ni khayena ” bungad ni Tito
Para akong binuhusan ng isang balde ng tubig na punong puno ng yelo as sinabi ni Tito
“ahhmm patay tayo jan Tito hindi pa alam ng magulang ni khayena yung tungkol sa amin ” sagot ko
“haahah kako na nga eh I feel you anak alam ko yung pakiramdam ng legal kayo sa side ng lalaki pero hindi sa side ng babae kasi ganyan din ako noon, madali kasing maglegal sa inyong mga lalaki kasi walang mawawala sa inyo eh sa aming mga babae kasi pag naglegal ka sa kanila iisipin nila mag aasawa kana kung ano anong pumapasok sa utak nila kaya alam ko yun ” sagot ni mama
“sabagay ma totoo din maski sila tito Ronald at tita lyn hindi nila alam baka kasi pag nalaman nila paghiwalayin nila kami” sagot ko
“basta anak alam niyo lang yung limitasyon niyo hah suportado namin kayo” saad ni mama
“opo ma kahit tarantado toh marunong rumespeto ng babae toh” sagot ko
“kaya nga mahal na mahal kita eh papuntahin mo mamaya si khayena dito ”saad ni mama
“sige po ma” sagot ko
Matapos kaming kumain ay naligo na ako at nagbihis pupunta ako mamaya kila Khayena at iimbitahan ko silang dalawa ni Gab na doon na magpasko sa bahay …
Pag dating ko sa bahay nila Gab ay naabutan ko siya sa Terrace nila na nagcecellphone …
“insan! Merry Christmas ” saad ko
“andvance ka insan mamaya pa ang pasko merry Christmas na rin pamasko ko ahy” sagot ni Gab
“sira ulo may trabaho ba ako ”sagot ko
“eh syempre dumating si tita anong pasalubong ” saad ni Gab
“mamaya na kaya nga ako pumunta dito para yayain kayong mag pasko sa bahay kasama si khayena ” sagot ko
“naks iba na tlga epekto sayo ni khayena ah sige pupunta ako tara puntahan si khayena ” saad ni Gab
“sige tara”sagot ko
Pumunta kami sa bahay nila Tito Ronald at naabutan naming naghahanda sila tita at khayena ng mga iluluto para mamaya
“gandang tanghali tita ”bungad ko
“oh magandang tanghali din namn Khyzzer” sagot ni tita
“ahmm tita pwede ko po bang isama si khayena sa bahay mamayang noche buena kasama din po namin si Gab kung okay lang po” saad ko
“oh siya sige pero ihahatid mo rin siya dito ng 1 am hah ” saad ni tita
“Sige po tita makakaasa po kayo ” sagot ko
“ahhm tita uwi na po ako, khayena aasahan kita mamaya hah” sagot ko
“ah sige Khyzzer ” sagot ni tita
“oo Khyzzer ingat ” saad ni khayena
11:30 pm…
Sinundo kuna si khayena sa bahay nila pati narin si Gab, nang maka rating na kami sa bahay ay sinalubong sila nila mama at Tito
“aba binata narin ang bestfriend na pinsan ng anak ko kamusta ka naman na Gab” saad ni mama
“eto tita gwapo parin haahah” sagot ni Gab
“magpinsan nga talaga kayo ni Khyzzer pareho kayong mahangin ”saad ni mama
“nasa lahi tita eh” sagot ni Gab
“oh siya sige tara na sa loob ”sagot ni mama
“sige po tita ”sagot ng dalawa
Nang sumapit na ang 11:59pm ay sabay sabay kaming nag count down nila khayena at mama,tito luke at Gab …
“MERRY CHRISTMAS!!” sabay sabay naming sigaw
“this is the best Christmas ever ” saad ko tinignan naman ako ni khayena
“bakit naman dhie” tanong ni khayena
“kasi eto yung unang pasko na kasama kita at kompleto ang pamilya ko” sagot ko
“sus masaya din ako kasi kasama kita” sagot ni khayena
“mhie alam mo ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko hindi ako magbabago kung hindi mo ako binago ” sagot ko
“dhie hindi ako ang dahilan kung bakit ka nangbago nagbago ka kasi gusto mong maging better okay ako lang ang nagmulat sayo sa katotohanan ” saad niya
“I love you ” saad ko
“I love you always ” Saad ni khayena
“mga anak pasok na sa loob kakain na” saad ni mama
“andyan na po ma” sagot ko
Pumasok na kami sa loob at sabay sabay na kaming kumain naging masaya ang pasko namin
BINABASA MO ANG
When I Met You At The Wedding
Ficção AdolescentePaano ka maiinlove sa isang lalaking suplado napaka hangin ubod mg sungit .tas magseselos ng walang karapatan ,yun bang madalas kayong magbangayan tapos nasisira araw mo sa kanya, what if dahil sa bangayan na yun mahulog kayo sa isat isa paano kung...