Jayemin

7 1 0
                                    

Chapter 1

Kasalukuyan akong nagpapa enroll sa cavite para sa paparating na school year labag man sa loob ko na mag aral sa cavite dahil masyado itong malayo sa bahay ng Lola ko ay pinilit kong tanggapin dahil kay mama.

Bata pa lang ako Lola ko na ang nakasama ko magmula ng maghiwalay ang mama at papa ko. Si papa may iba na at si mama naman ay nasa probinsya kasama ng kapatid kong bunso. Maliit pa ako ng huli kong masilayan ang kapatid ko kaya pumayag ako na sa puder naman ako ni mama mag-aaral.

Sobrang haba ng pila kaya inabot ako ng ilang oras sa pag papa enroll bago ako nakauwi. Kasalukuyan akong nasa bus pauwing maynila dahil gusto kong sorpresahin si Ruwy. Si Ruwy ang mag i isang taon ko ng nobyo magkaklase kami nuon ngunit hindi ko sya gusto.. Hindi naman dahil sa ayaw ko talaga sa kanya ngunit gusto sya ng aking kaibigan.

Pero tignan mo ang tadhana baka kami talaga ang para sa isa't isa.

Nang makarating na ako sa bahay ng aking nobyo agad kong tinakpan ang kanyng mata. Akala ko magsasalita sya ngunit hinawakan nya lang at kamay ko bag ako niyakap.

Sus ang boyfriend ko talaga kilalang kilala ako sa gaspang ba naman ng kamay ko

Inaya nya ako sa loob ng bahay nila at nagpasya kaming kumain. Nagharutan lang kami at nagkwentuhan habang magdamag na magkayakap. Ang swerte ko

Lumipas ang ilang oras at napagdesisyunan namin na ihahatid nya na ako pauwi.

Ganito ang nagiging cycle ng buhay namin.

Bago ko ituloy ang kwento magpapakilala muna ako.

Ako si Jayemin Lopez 17 years old .. nanggaling lang ako sa mahirap na pamilya pero despite of that we manage to eat three times a day. I may sound selfish and self centered pero feeling ko kulang ako sa pagmamahal dahil bukod sa nanggaling ako sa mahirap na pamilya lumaki rin akong iba ang kinikilalang magulang at dahil duon never kong nafeel na na appreciate ako ng mga taong nasa paligid ko.

Sabi nga nila as long as enough ang pagmamahal na nafifeel ng tao hindi yon maghahanap ng pagmamahal sa iba. Don't get me wrong kasi kulang ako sa pagmamahal ng magulang and maybe that's the reason kung bakit nahanap ko yung pagmamahal na yon kay Ruwy.

Ruwigy Ferrer 17 years old galing sya sa pamilyang may kaya .. Only child sya kaya over protective ang mga magulang nya alas sais pa lang dapat nasa loob na sya ng bahay. Yes lalaki sya pero that is how his life works sobrang bait nya at napakamasunuring anak kaya sobrang swerte ko sa kanya.

........

Gumising ako ng may ngiti saking mga labi panibagong araw nanaman at sa bawat araw na kagaya nito wala akong ginagawa kung hindi pumunta sa bahay ng boyfriend ko.

Wag kayong echos mga tanga hindi kami ganoon kalegal kilala lang sya ng magulang ko pero never ko pa siyang ipinakilala formally bilang boyfriend ko. Its not like kinahihiya ko sya bilang boyfriend ko but the reason is natatakot ako. Yes that's right takot ako sa magulang ko kasi alam ko kung gaano sila kasakit magsalita.

"Ma, aalis na ko" bungad ko kay mama pagkababa

"Saan nanaman ba ng punta mo at wala ka pang kain at lalayas ka na agad" inis na sabi ni mama

"Dyan lang sa bahay ng classmate ko gagawa assignment" sagot ko

"Di mo ba kayang gumawa ng assignment dito ?! Dun ka nga sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas ng bahay na to !!" Galit na sigaw ni mama

Wala naman akong nagawa kundi umakyat na lang at tinawagan ang boyfriend ko na hindi ako makakapunta dahil busy ako. Pag kababa ng tawag agad akong humagulgol palagi na lang ganto wala ng bago.

Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako dahil nagising ako ng alas dose ng gabi at kumakalam ang tiyan. Bumaba ako sa salas para makapaghanap ng makakain ngunit wala akong nakita.

Umakyat na lang ulit ako sa kwarto at pinilit ang sarili ko na matulog.. "Sana bukas hindi na ganito" bulong ko sa sarili ko at tuluyan ng natulog.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon