Panimula

13 2 0
                                    

Third Person POV

" February 6, 2020 " 

Isang simpleng araw para sa lahat ng tao. May pasok ang mga estudyante at mga nagtatrabaho,  maganda ang sikat ng araw, medyo kainitan pero kayang-kayang tapatan ng electric fan. Akala nyo lang yun. Eto o, tingnan nyo. 

Her POV

"Cha! Yung cellphone mo tunog ng tunog. Bilisan mo dyan sa banyo! Kahit kailan talaga napakakutay mong kumilos!", sigaw ni Mama mula sa dining table. Naalala kong may reporting nga pala kami ngayon. 7:30 am ang call time namin and guess what ?7:30 na nasa banyo pa rin ako at naliligo. Nagmamadali akong lumabas at nagbihis na. Kasi naman ang ganda ng Hotel del Luna. Naka-seven episodes agad ako. Sa school na lang ako mag-aayos. Nagsuklay lang ako at nagpabango then I'm off to go.

Hi! I am Charity "Cha" Ponce, 18 years old, a First year College student taking up Bachelor of Secondary Education major in English. Maliit man ako, anong magagawa? Ganun talaga e. Pasok na ko. Lagot ako sa leader namin nito. 

"Mama~ Pasok na ko. Yung mga pusa po ah? Pakibigyan ng cat food kawawa naman" sabi ko kay Mama at lumabas na ko sa bahay. Naglakad pa ako ng kaunti papuntang sakayan, only nakatira sa looban at walang service can relate. At ayun! 

"Kuya sa Divine Shepherdess College po" Sumakay na ko at bumiyahe papasok. Maghahanda na ako sa sasabihin sakin ni Ate May. 

His POV

"Opo Ate, sa school ko na lang to kakainin, baunin ko na lang. Baka po kasi ma-late ako at di makapaglinis ng area, lagot ako kay Ma'am nito" sabi ko kay Ate habang inaayos yung bag ko at nilagay yung sandwich na ginawa ni Ate. 

"Ayan kasi. Kanina pa kita tinatawag ayaw mo bumangon. Kaaga-aga mong natutulog, kung magising ka naman tanghali parin. O sya sige na. Galingan mo sa school. Ingat Khlyde" sabi ni ate habang naghuhugas ng plato sa lababo. 

Lumabas na ko ng bahay at nilabas yung sasakyan ko sa garahe at nagdrive na ako papasok. 

Pagbati! Ako si Khlyde Cortez, 18 years old, a Grade 12 HUMSS student. Gwapo daw ako sabi ng mga classmate ko pero parang hindi naman. 

Nagmessage pala si Ma'am Monique na may mag-ca-campaign daw saming grade 12. Iba talaga pag patawid ka ng College. Ang daming nangyayari. Pero teka, ang tanong, gagraduate ba ako? 

Siya : Una (Pinagtagpo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon