His POV
Time check! Alas-siyete Onse. Late ka na naman Mr. Cortez. Hindi naman sa klase ako nahuli kundi sa paglilinis ng area. Binaba ko lang agad yung bag ko sa table ko at kumuha ng walis sabay takbo papuntang area ko.
"Ayan na sa Padong!", sigaw ng kaibigan kong si Aaron. Kahit kelan talaga'y pahamak.
"Abay Mr. Cortez. Wala pang isang kanto yung layo mo sa school lagi kang 10 minutes late", sita sa akin ni Ma'am Monique habang nakapamewang.
"Ma'am! Eleven minutes po!", singit na naman ni Aaron. Singit ka talagang loko ka. Kutos ka sakin mamaya.
Napakamot na lang ako ng ulo ko. "Sorry na Ma'am. Pero wait lang Ma'am. Gumaganda ka yata? Wag ka na po magalit Ma'am. Sige ka..." at pinutol ako ni Ma'am sa pambobola ko.
"Sige ano?", tanong niya.
"Papangit ka daw po! ", sigaw ulit ni Aaron. Hindi na ako nakapagpigil kaya lumakad na ako papalapit kay sa singit kong kaibigan atsaka sya hinampas ng tangkay ng walis sa ulo. "Ano? Buhay ka pa? Loko kang singit ka. Wala kang ibang naalaang gawin kundi ilaglag ako ngayong umaga a!", singhal ko.
"O sya. Tama na yan Mr. Cortez. Maglinis na kayo at umakyat after 5 minutes para makapagprepare kayo. Remember na may mag-ca-campaign sa'tin anytime this day. You get me?", sabi ni Ma'am.
"Yes Ma'am", sabay sabay naming sagot kaya iniwan na kami ni Ma'am. Haynako. Sa panahon talaga ngayon wala ng nagsstay.
Aftre 5 minutes umakyat na kami. Yung mga classmate ko naman na to. Akala mong artista yung darating. Panay polbo at liptint pa. Buti na lang ako. Tamang hawi ng buhok na lang and I am good to go.
9:00 am, pinapunta na kaming graduating students sa TVL room. Dun daw sila mag-ca-campaign. This better be good or else tutulugan ko to.
"Par! Teka lang! Maya maya na tayo pumasok, wala pa naman sila e. Nakita kong kumakain pa yung mga bagong salta", pagaaya sakin ng singit... este ni Aaron. Mag kaibigan na kami since Grade 10, ayun share ko lang.
"Sige sige. Ayoko nga pumunta dun e. Pakiramdam ko aantukin lang ako dun. Baka tulungan ko na lang sila", sagot ko at naupo ako sa bench malapit sa TVL Room.
"Kahit kelan kang antukin ka. Pano pag may maganda silang kasama? Pormahan ko kaya?", sambit ni Aaron habang may ngising namumuo sa kanyang labi.
"Bugok! Diba may girlfriend's' ka na?", pagsuway ko sa kanya. Di na talaga natino tong kaibigan ko na to. Ipagdasal natin sya mga katoto.
"Edi ikaw na lang yung pumorma. Malay mo hindi ka na ma-ghost this time", sagot nya sabay takbo papasok sa TVL Room. Kahit kelan talaga gago tong kaibigan ko na to. Wala na kong kasama dito sa bench kaya pumasok na rin ako sa room. Habang naglalakad napansin kong may kausap si Ma'am na estudyante galing dun sa school na mag-ca-campaign. Baka former student nya. Hindi ko na masyadong pinansin yun at tuloy tuloy na akong pumasok sa room at naghanap ng mauupuan ko.
At kung minamalas ka pa nga naman. Sa unahan ako napunta. Pano ko tutulugan tong mga to?
BINABASA MO ANG
Siya : Una (Pinagtagpo)
FanfictionSa hindi inaasahang pagkakataon, tayo'y pinagtagpo.