Una

9 1 0
                                    

Her POV

7:35 na akong nakarating sa school. Bakit ba kasi ang traffic? Nagmamadali akong umakyat papuntang classroom namin tapos pagbukas ko ng room... Anim na classmates ko pa lang ang nandun.

"Wala po bang class?", tanong ko. "May pupuntahan daw sila Ma'am. Isang subject lang yung papasukan natin. Mamayang after lunch pa", sagot ng classmate ko.

Well! Ang saya. Yung pagmamadali kong gumayak at pumasok ended up na. Wala pala kaming klase. Kaya ayun, kinuha ko yung phone at earphones ko sa bag ko at nagpunta ako sa may hagdan. Wala lang. Tambayan ko yun e. Tsaka mabilis signal dun. Naupo na ko at nagsimulang manood ng mga vlog sa YouTube.

Nasa kalagitnaan na ako ng pinapanood ko nung bigla akong tawagin ng professor namin. "Cha, are you busy? We need your help. Can you please come here for a while?" At dahil mabait ako... pumasok ako sa faculty room.

"Yes Ma'am? Ano po yun?", tanong ko habang papalapit sa table ng Prof namin.

"Magkakaroon kasi ng school-to-school marketing, kaya halos walang klase yung department natin today. And, kulang kami ng mga estudyante na isasama. Nagkasakit kasi si Marshia. Ang sabi sa akin ni Dean. Ikaw na lang. I also heard na naging moderator ka na dito sa school during programs", sabi sakin ni Ma'am.

Teka, wait. Ano daw? Marketing? 'Pag umoo ako dito, siguradong hanggang matapos to kasama ko.

"I will not take no as an answer", dugtong pa ni Ma'am.

Hala? No choice din pala ako. Kaya ayun tumango ako bilang sagot.

"Thank you so much my Dear, prepare yourself at aalis na tayo in 10 minutes", sabi ni Ma'am kaya ayun pumunta agad ako sa room just to get my bag at pumunta sa restroom. Nag-ayos ako ng kaunti ang putla ko pala today.

Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na agad ako at nagpunta sa school service, sabi kasi ni Kuya Guard dun daw ako dumeretso, binilin daw sa kanya ni Dean. Pagsakay ko sa service, nandun yung mga Seniors and Sophomores na mga nagtatalinuhan naman talaga. So ayun 12 kaming lahat na aalis para magmarket. Ilang buwan na rin akong hindi nagsasalita sa crowd? Kaya ko pa ba?

Inayos ko yung salamin ko at nagbiyahe na kami papuntang San Juan National High School. Medyo malayo to sa mismong bayan kasi inabot kami ng oras sa biyahe. Pero hindi namin napansin yung oras dahil nagkkwentuhan at nagbibiruan naman kami. Hindi ko akalaing tumatawa din pala itong mga prof namin. Akala ko poker face lang sila.

And ayun we entered the school's entrance. Ang laki ng school na 'to to think na malayo sila sa bayan. Mas malaki pa nga ito sa school namin e. Nagpark lang si Kuya Julio (driver) sa may gym ng school at bumaba na kami. Ako yung pinagdala nila ng token para sa Principal ng school kaya sumunod ako kila Dean papuntang office.

Pagkalabas ko tinawag ako ni Ate Linda, "Uy be! Tara na dun sa room. Kailangan daw magsound check. Tutal ikaw naman yung mod. ikaw na magtry" pagkasabi ni Ate Linda ay sumunod na ako sa kanya. Dito pala sya graduate ng Senior High School.

Confident akong pumasok sa room kahit medyo kinakabahan ako. After ilang buwan ngayon lang ulit ako hahawak ng microphone at makikipag-interact sa mga taong walang kaalam-alam sa kung sino ako. 

Siya : Una (Pinagtagpo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon