🍀🌼🍀Hayden Pov.
Yawn* Wow first time yun ah. Maaga ako nagising ngayon. Himala para sayo Hayden Dominic Mackenzie.
Agad akong bumangon at pumunta sa banyo . Aalis ako ngayon e gusto ko maaga ako makaalis dahil alam kung sasama yung si louis malikot panaman yun.
Nang matapos ako maligo ay nag suot lang ako ng crop top at ripped jeans na yung sa tuhod lang ang may butas. At adidas shoes. Nang matapos akong mag ayos ay nag tio toe ako pababa ng hagdan kase naong oras palang e. Mga 6:30 am palang e kadalasang nagigising sila 8:00 .
Nagulat ako ng bigla nalang nagsalita yung isa sa mga katulong namin.
"Oh Hayden saan ka pupunta ?" pagtatanong saakin ni yaya beth.
"Sa mall lang po bibili ng gamit !" tumango naman siya kaya agad ako lumabas ng bahay. Bali mag cocommute ako ngayon , tulog pa kase si mang henry ayoko gisingin baka pagod.
Agad akong nag lakad palabas ng subdivision namin. Kase paglabas mo ng subdivision e parang kalsada na halos walang sasakyan na dumadaan. Pero kapag nakalayo layo kana ay makikita mo yung mga bahay na dikit dikit. Pero meron din naman na iilang mga bahay na aayos kahit na papaano .
Habang nag lalakad ako ay may nakita akong karenderya kaya kumain muna ako . Hindi ako pihikan sa mga kakainin ko basta masarap okay na tsaka mas masarap ang pagkaing karenderya kesa sa resto.
"Ali pabili po ng afritada " sabi ko dun sa nag titinda . Mejo malaki din ang bahay nila kaso yung bahay parang pang province ang dating. Nasa labas kase siya ng nag titinda. May pinatayo siyang maliit na pwesto para sakto lang . Agad namang binigay saakin nung ali yung binili ko.
"Salamat po " pagkasabi ko nun ay nilantakan ko na agad ang pagkain . Kagabi kase hindi ako kumain natulog kaagad ako. Wala lang trip ko lang hindi kumain tapos kapag nagkaroon ng sakit wala iiyak HAHAH.
"Ining mukhang hindi ka tagarito ah " sabi saakin nung nanay ata nung ali .
"Hindi po napa daan lang" sabi ko sa totoo lang madadaanan mo talaga ang lugar na toh kapag lalabas ka ng subdivision pero may iba pang daan maliban , ewan ko kung bakit dito ako dumaan .
"Ah ganun ba halata kase sa pananamit mo na galing ka sa marangyang pamilya " sabi saakin.
"Hindi naman po sa ganoon " ayoko sa lahat yung sinasabi na mayaman kami. Iniisip kase nilang lahat na kapag mayaman ka mapanakit o di kaya matapubri.
"Ah sge kain ka lang diyan " aalis na sana si lola kaso tinanong ko siya.
"Lola bahay nyu po bayung nasa likod ng karenderya ?" curious ako sa lahat ng bagay e kaya mag tatanong tayo.
"Ah oo iha matagal na iyan pinayos lang namin ang ibang sira " sabi saakin . Kaya pala hindi mukhang luma kahit na pag province ang design niya.
"Ahh kaya po pala ang ganda " sabi ko at ngumiti. Ngumiti din si lola at umalis na . Nang matapos ako ay umalis din kaagad ako at dumiretso sa sakayan ng dyip .
Ito lang ang masasabi ko sobrang sikip sa loob para kaming sardinas pano kase yung driver alam na hindi na kasya sa loob hala sige sasabihin kasya payan .Putcha ikaw umupo dito manong. Naaawa din ako kay ate na buntis banda doon sa pinaka unahan . Pano naiipit na pero ito si manong parang walang pakielam .
Ilang saglit lang ay umandar na rin ang dyip na sinasakyan namin .
~♥~
Nang makababa ako sa dyip ay nag pagpag muna ako dahil amoy na usok na ako hehe. Baka mamaya sabihin saakin sa loob na hindi ako naligo , amoy tambutso na ako ng dyip e .
YOU ARE READING
It Started With A Kiss
Novela Juvenil"I will never falling inlove with a bossy man " - Hayden Dominic Mackenzie "I will never falling inlove with a little girl " - Wyatt Aiden Lennox