Prologue

122 14 12
                                        


"I told you that I like you. Bakit hindi ka ba naniniwala?!" sabi ng lalaking nasa harapan ko.

"Dahil hindi kapani-paniwala. Walang maniniwala na isang kagaya mo ay magkakagusto sa kagaya kong-," hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dala ng hiya.

"Kagaya mong ano? Sige sabihin mo!!," mataas na tonong pagkakasabi niya.

"Kagaya kong transgender. Sa kagaya kong hindi naman pinanganak na babae!! " sigaw ko pabaliksa kanya.

"Mahalaga pa ba yun? I like you regardless of your gender. Please believe on me" ramdam ko ang pagsusumamo sa mga boses niya.

"Please lang, kung isa na naman ito sa mga pangti-trip mp, tigilan mo na. Hindi na nakakatuwa."

Dali-dali akong lumabas at kung kamalas-malasan nga naman, napasuong ako sa malakas na ulan kaya basang- basa tuloy ako. May bagyo nga pala ngayon. Wala irn akong dalang payong pero kailangan ko nang makauwi.

"Hey comeback here! Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo!," sigaw niya sa akin pagkalabas niya ng kuwartong iyon.

"Please lang lubayan mo na ako!!," sigaw ko pabalik.

Natigilan na lang ako nang hilain sa braso ko paharap sa kanya.

"Why aren't you believing on me? I really like you!! Hindi ba gusto mo din ako?"

"Hindi kita gusto!"

"Say that while looking into my eyes" sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Napatitig ako sa mga mata niya na tila'y hinihipnotismo ako.

"Why can't you speak? Tama ako, di'ba? You also like me. So please believe on my feelings. I like you."

"P-pero hindi pwede."

"Why not?"

"Ano na lang ang iisipin ng mga tao. Ano na lang sasabihin nila. Paano kung di nila ako matanggap, tayo. Paano kung-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko.

Kasabay ng paglapat ng mga labi niya sa labi ko ay ang tuluyang pagkahulog ko sa kanya.

Kasabay nang paglapat ng mga labi namin ay ang pagtila nang malakas na ulan at ang paglabas ng haring araw na naging dahilan ng paglabas ng isang magandang bahaghari na tanda nang pagtatapos ng isang bagyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Creating RainbowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon