3

20 5 0
                                    

She paused for a minute  thinking what next she was going to say.

“Anong gusto mo malaman roon sa pangatlo?”

“Same sa nauna, how did you met, how did you end up?”

“Teka, may tissue ka ba diyan? Baka kasi umiyak ako eh. Hahaha! Joke.” I see her eyes became so lame and flash her slight smile. Looks like masakit rin ang isang ‘to.

“After eight months of moving forward from the past, I met this Mechanical Engineering student noong first year. And I was a Communication student. Lagi ko siyang nakikita sa fourth floor plus nakachat ko siya. I dunno, there’s something about him na naging interesado ako. So naging crush ko, dahil naging crush ko umamin ako.”

“Whoaaa ang lakas ng loob!”

“Life is too short para ikeep ang sekretong hindi naman kayang ikeep ng puso mo. Sabi ko nga magtake risks, malay mo may mangyari rin diba,” taas-baba ang kilay niyang pagmamayabang.

“Tapos?”

“Umamin akong gusto ko siya. Nagconfess pa ako sa confession pages ng university namin noon. Sabi niya salamat raw kasi crush ko siya kahit di pa niya ako namemeet personally. Sabi pa niya mawawala rin daw yun. Kaso umabot ng taon eh, crush pa rin ba yun?” Napangiwi siya.

“I doubt, kasi crushes expired within four months. If that’s the case, it might be---“

“Love.” Siya na ang nagtuloy. “Umamin akong mahal ko na siya after summer vacation. Sabi ko dati sa sarili ko hindi na ulit ako mageexert ng effort sa taong magugustuhan ko. Pero noong nakilala ko siya, nabago ulit eh. Nabalik yung April na a-girl-of-effort. Yung April na kapag gusto, gagawin ang lahat. Ako kasi yung tipo ng taong kapag gusto mo, you will exert efforts and time para sa kanya. Ganoon ulit, binigyan ko siya ng gift. Stuff toy with a jar na puno ng maliliit na papel, naglalaman ng mga bagay about sa kanya. Ang corny pero, naibigay ko pa rin. Ipinaabot ko lang yun sa kaklase ko na malapit lang ang bahay sa kanila. Tapos noon, hindi na natapos ang nararamdaman ko sa kanya.”

“Mahal mo na nga?”

“Mahal ko na. Kaso ayaw pa rin niyang maniwala na totoo ang nararamdaman ko. Kung tutuusin nga parang ako yung nanligaw. Gabi-gabi, araw-araw ako ang nag-iinitiate ng convo. Ako ang laging nagsusustain ng conversation namin. Kahit alam kong baka napipilitan lang siya na replyan ako. Alam ko naman na marami siyang kausap na babae noon. Kumbaga, isa na ako sa babaeng kalandian niya. Pero go lang ako. Gusto ko kasi. Ayun na naman si tangang April, nainlove na naman sa taong imposibleng maging kanya.”

“Tapos nalaman ko may nililigawan na pala siyang iba. Isang araw nabasa ko na lang sa bio niya yung name ni girl. Ayun, broken hearted na naman ang gaga. That time tinigilan ko ang pagchachat at pangungulit sa kanya. May jowa na eh, distansya na.”

“Pero hindi pa rin ako sumusuko. Noong nagbreak sila, kinulit ko ulit. Lalo na noong magsecond year kami, nag-qualifying exam ang mga ME at isa siya sa mga hindi nakapasa. Bigla na lang akong chinat ng nanay niya na sana raw icomfort ko siya. Nakakausap ko na rin ang mga kapatid niya, kesyo gusto raw nila ako para sa kuya nila. Sabi pa noong nanay, kung magkatuluyan raw kami, hindi sya hahadlang. Potek, ang sarap sa feeling noon. Yung nanay mismo, gusto ako para sa anak niya. Kaso hindi naman ako ang gusto ng anak niya.”

“Anong nangyari after?”

“Noong second year napapadalas na ang pagkakausap namin. Nagshift na kasi siya ng IT. Napapadalas na rin ang paglabas namin para kumain. Tanda ko pa nga na unang date namin, sa Mcdo. Sabi ko sheet! Totoo na ba to? Parang kelan lang crush ko lang to eh, at nakakachat lang. Pero ngayon nakakausap ko na ng personal. Kinakabahan, nagkakahiyaan. Ganyan kami noon.”

The Only Truth About AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon