4

36 6 0
                                    

Itinapon niya saglit sa malapit na basurahan ang plastic cup ng kape niya. Napahigpit ang kapit ko sa suot kong hood nang magsimulang umihip ang malamig na hangin. Sinipa-sipa naman niya ang nadaanang lata ng pepsi habang nakapamulsa sa coat at nakapayong.

“Grabe ka, ang dami mo na palang napagdaanang heartbreaks. Buti nakaya mo noh?” Halos mamangha ako dahil sa pagiging strong niya. Bihira lang kasi ang mga babaeng nakakayang mag-heal without the help of other people.

“Hindi naman ganoon kastrong. As long as I can endure the pain, buti na lang nirecommend sa’ken ni doc ang sensodyne. Now I enjoy eating without the pain of pangingilo,” biro pa niya kaya napatingala ako at napatawa. Iba talaga s’ya.

“Atsaka isang bagay lang ang natutunan ko mula sa mga sakit na yun. Yun ay ang acceptance. Tanggapin mo na lang ang nangyari. Hindi na mababago pa. Mahirap naman talaga magmove on, pero kung gusto mo talaga makalimot, kakayanin dapat. Put away all the remnants you had in the past. Restart your life kasi walang undo button ang buhay.”

“Noted Ma’am,” nakangiti kong sambit.

“Hindi rin masamang magbigay ng effort. Kapag hindi nagwork, huwag na lang panghinayangan. Naroon na eh, huwag nang bawiin. We all invested effort, time and money for the wrong person. And all we gain is pain. But we must move forward, ang hirap mastuck sa isang bagay na wala na rin namang patutunguhan. Para ka lang baliw na nagbabangka sa konkretong kalsada. Hindi ka nga nga umuusad, mukha ka pang tanga. Hanggang ngayon...naniniwala pa rin akong may darating pang much better. Sa ngayon focus muna ako sa career at family ko. Tamang hintay lang.  Hindi  pa lang siguro tapos ni Lord isulat ang lovestory ko.” Napatigil siya sa paglalakad at napatingala sa langit. Kaya napatingala rin ako.

“Umuulan ba...ng snow?” Gulat rin akong napasalo sa mga snowflakes na nahuhulog mula sa langit na tadtad ng bituin.

“How could this be? Ngayon lang nagka-snow sa Pilipinas!” I exclaimed in amusement. Narinig ko rin ang iba na napasigaw sa sobrang pagkamangha.

“See? May mga bagay na dumarating sa atin na hindi inaasahan? Sa ngayon magpasalamat tayo dahil andyan pa sila,” tila bata siyang umikot-ikot habang hawak pa rin ang payong.

“Salamat sa’yo,” otomatiko kong sambit.

“Para saan?”

“Kasi pinagkatiwalaan mo akong malaman ang istorya ng buhay mo. Alam ko na tuloy lahat sa’yo. Edi hindi na ako stranger noh?” Lumawak ang ngiti ko kaya napaismid siya.

“Marami ka pang hindi alam sa akin.” Napahalukipkip siya dahil sa lamig.

“Tulad ng?” Bago pa siya makasagot ay narinig ko na ang pagkalembang ng kampana. Alas dose, Noche Buena na.

“Oh paano, mauna na akong umalis. Salamat sa time, nice to meet you Dylan!” Nakangiti niyang pamamaalam at nagwave pa.

“Bye! Sana makita kita ulit,” sagot ko rin at tinawag ang pangalan niya. “April!”

Lumingon siya sa akin at muling kumaway.

“Tapusin mo ang pagbabasa ng librong ‘yan. Lagi mo akong maalala!” sigaw niya pabalik kaya napakunot ang noo ko. Nabalik ang atensyon ko sa librong kanina pala ay binabasa ko bago siya dumating.

“The Only Truth About April?” basa ko sa title at agad binuklat ang about the author.

April Lalaine also known as pedestreLalaine in wattpad is a Communication Arts student of----

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa atsaka nagpalinga-linga upang mahanap siya. Kaso wala na.
Hindi ko na siya naabutan pa. Shet! Siya ba ‘yo? Pvtangina kanina ko pa siya kausap pero...tngina!

Napapadyak na lamang ako dahil sa kabobohan at katangahan nang marealize na nakaharap at nakausap ko na ang manunulat ng binabasa kong libro.  Ngunit natigil ako sa pagtatantrums nang mabasa ang nasa pinakalikod ng aklat niya.

To know more truth about this author:

@ALalainewp
@MartinezApril

“If I share you my life story, you are already part of me.”

Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maalala lahat ng mga kinuwento niya sa akin.

END.

The Only Truth About AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon