Chapter Twenty-Four

19 1 0
                                    

We celebrated anniversary and monthsaries at ngayon ang huling monthsary namin together.

"1, 2, and... 3!" I said as I clicked the camera.

Nandito kami ngayon sa Boracay. Nakalatag ang kumot sa puti at pinong buhangin habang si Ivan ay nakahiga habang nakayakap sa aking baywang at ako naman ay nakaupo lang.

I graduated with flying colors too kaya sabi niya idadamay na namin iyon sa celebration namin ngayon. Siya ang gumastos ng lahat ngayon dahil treat niya nga daw. He will always say that he's so proud of me.

Nakakatuwa lang at sobrang sarap sa pakiramdam. My Mom and Dad just called me after the graduation to congratulate me. Si Kuya Hero at Kuya Harry naman ay pumunta. Pumunta din si Ivan kasama ang pamilya niya. Pakiramdam ko tuloy may nanay at tatay na nanood sa akin dahil sa presensiya nila Tito at Tita.

Christmas eve ay sila Kuya Hero at Kuya Harry ang kasama ko sa bahay. Nasanay na kasi kami na kapag christmas ay uuwi kami sa bahay at sama-sama na magkakapatid para icelebrate. Tatawag naman sila Mom and Dad to join us. Ganun din si Ivan. Kinabukasan naman ay susunduin ako ni Ivan para mag-celebrate din kami together. Ganun din sa new year. Everything is just so great.

"Hey" Malambing na tawag sa akin ni Ivan.

"Hmm?" I hummed as I look at him.

Bumangon siya at umayos ng upo.

"You look sad" He stated "What's running on your mind right now?" then he asked.

Napangiti naman ako sa kaniya ng malungkot.

"We celebrated special occasions together, I don't know how to celebrate it again without you by my side" I honestly said.

Ngumiti naman siya sa akin at kita ko rin ang lungkot sa ngiti niya.

"Should I stay here?" Tanong ko pa sa kaniya.

Agad naman na tumulo ang aking luha. I'm asking something that I know is impossible.

"Can you?" He asked back hoping.

Until now, he don't know what's reason kung bakit kailangan ko pa na umalis at pumunta ng Germany.

"I can but..." I trailed of

I can stay but there are consequences.

"Two weeks. Let's enjoy before you leave" He said as he kissed me on my forehead.

Two weeks na lang...

Agad na tumulo ang aking luha. Ang sakit-sakit.

"Don't cry. You'll come back right? You'll come back to me" Kita ko na rin ang pamumula sa mata ni Ivan. He's about to cry.

Mabilis naman ako na tumango sa kaniya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi lang ang naiiwan ang nasasaktan, minsan mas sobra pa'ng nasasaktan ang mga nangiiwan. Knowing that they have the choice to leave and not to. Staying needs courage to do, but I guess leaving needs more courage. It's the most heartbreaking choice.

"Susulat ka ha?" Pambasag ko naman sa drama.

Nang humiwalay kami sa yakap ay agad naman ako na natawa. He smiled to me too but not enough to say that he's happy.

"Ang lungkot ng ngiti mo!" Sabi ko at saka ngumiwi.

Hinawakan ko naman ang pisngi niya saka hinatak ito pareho while laughing.

"Let's make happy memories huh?" I said

Hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko kaya napatigil ako sa paghila ng kaniyang pisngi. He's staring at me with his sad eyes.

Right to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon