Chapter Thirty-four

14 1 0
                                    

"Two burger, yung isa plain. No ketchup and no mayo, just the patty and bread." Dominic ordered

I unconsciously smiled. He still remember the things that I like and dislike. Naaalala at kabisado niya pa rin ang mga maliliit na bagay sa akin.

Nang matanggap na namin ang order namin ay naglakad-lakad naman kami. Si Dominic ang nasa side kung saan dumadaan ang mga sasakyan. He's really gentleman. 

Minsan naiisip ko, bakit hindi na lang si Dominic ang minahal ko ng todo? he's more worth it for the pain. Bakit nahuli siyang dumating sa buhay ko?

Tahimik lang kami, nagpapakiramdaman. Ang awkward lang dahil nung araw na nakipaghiwalay ako sa kaniya ang huling pagkikita pa namin.

"Bab- Meg" Tawag nito sa akin at napakamot sa kaniyang ulo.

"Hmm?" I just hummed

"Chocolate ice cream?" Turo niya sa abot tanaw na ice cream shop.

"Dom, straight to the point. Why are you here?" Sabi ko naman at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Call me rude pero I have this feeling na ginagawa niya ito not just for closure, but because he want me back.

Muli ko siyang nilingon nang hindi siya sumagot at napatigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.

"We're both busy. Let's not waste time" I said as I tried myself to gave him a smile.

Napakamot siya sa tuktok ng kaniyang matangos na ilong.

"Meg, come back to me" He said and slowly met my eyes with his pleasing eyes.

"Dom, we both know na hindi na pwede. I already made up my decision." Nakatungong sagot ko naman sa kaniya.

I don't know why it's so easy for me to break him up. Bakit hindi kasing sakit nung kay Ivan? All I can feel is guilt. Walang sakit. Walang takot na baka magkaroon na siya ng bago agad.

"Bakit hindi na pwede?" He asked back "That guy kanina ba? Siya na ba?"

Kung alam mo lang Dom na siya ang kinukwento ko sayo na Ex ko.

"You're busy right? I am too. I need to go back to work" Maingat na sabi ko at saka nginitian siya ng tipid at tumango.

Sabi ko dati nang mag-break kami, mananatiling magkaibigan kami pero ang hirap pala. Hindi pala ganun kasimple.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang aking isang siko. Hindi ko siya nilingon pero napatigil ako.

"Sabihin mo sa akin Meg, minahal mo ba talaga ako?" He asked and I can feel the pain in his voice.

Mabuti na lang at biglang nag-ring ang phone ko. Pareho kami ditong napatingin. Sinalubong ko naman ang tingin niya at binitawan niya naman ang siko ko.

Kinuha ko naman ang chance na iyon para sagutin ang tawag ni Gab. Napaiwas naman sa akin ng tingin si Dom, giving us privacy.

"Baby, sunduin na lang kita sa Sat kasi nandiyan pala ako naka-destino. Sabay na tayo pumunta sa site." Bungad na sabi naman ni Gab.

Muli kong tiningnan si Dom at nakatingin na ito sa akin ngayon ng seryoso. Nakatungo naman ako at saka bahagyang tumalikod sa kaniya.

"Yes Sir, pabalik na po ako" Pormal na sagot ko naman kay Gab.

"Pinagsasabi mo?" I can imagine Gab with his knotted forehead.

"Opo Sir babalik na po" Muli ko pang sabi dito.

"Kanino? Sa Ex mo na CEO?" Gab laughed after asking

"Sorry po Sir" Sinadya ko na lingunin si Dom at alam ko na nakikinig siya kahit wala sa akin ang focus ng mga mata niya.

Right to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon