Chapter Twenty-seven

13 1 0
                                    

Agad akong sinalubong ni Kuya Hero, Kuya Harry, at Gab sa airport. I hugged them tightly as I could.

"Bibisita daw" Pagpaparanig ko naman.

Kuya Harry and Kuya Hero never visit me, si Gab naman ay bumibisita sa akin kaya lang mga dalawa o tatlong beses lang sa isang taon.

"Ako bumibisita" Natatawang sagot naman ni Gab.

"Nakalimutan namin na may kapatid pa pala kami" Sagot naman ni Kuya Hero at agad na tumakbo kaya ang balak ko na pagsabunot sa buhok niya ay hindi natuloy.

Tiningnan ko lang siya ng masama at siya naman ay tawa lang ng tawa.

Kinuha na ni Gab at Kuya Harry ang mga bitbit ko na gamit. Bago tuluyang maglakad ay napalingon muna ako sa paligid. Napangiti ako ng malungkot nang maalala kung paano ako umalis dati nang umiiyak.

It's been four years.

"Baby Megan!" Tawag sa akin ni Gab.

Ngumiti naman ako sa kaniya at saka sumunod na sa kanila.

"Sa bahay ako mag-stay kuya, hindi sa condo ko" Agad na sabi ko nang makasakay kami.

"Bakit? Dahil sa ex mo? Lumipat na ng condo yun" Sabi naman ni Kuya Hero at inistart na ang makina ng sasakyan.

"Sumunod ka na lang" Sabi ko at saka tinarayan siya.

"Aba, ate ka? Ate?" Nilingon pa nito ako.

Muli ko na lang siya tinarayan kaya napangisi siya at binalik na ang tingin sa harap saka pinaandar ang sasakyan.

"Bitter ka ate?" Mahinang tanong niya pero sapat na para marinig ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at saka kinuha ang aking cellphone at nilibang na lang aking sarili.

All my social media accounts are new. Simula nang umalis ako sa Pilipinas ay inalis ko lahat ng pwedeng connection ko kay Ivan, thinking that way will help me to move on.

Napatingin naman ako sa side mirror ng sasakyan ni Kuya. Agad ko nakita ang sasakyan ni Kuya Harry na nakasunod sa amin. Minamaneho nila Kuya Harry at Gab ang kanilang mga sasakyan. Dapat doon ako sumabay sa kanila eh. Bakit dito sa abnormal ko na kuya?

Nang makarating na kami sa bahay ay kaniya-kaniya silang park ng sasakyan. Edi kayo na may sasakyan.

Binati naman ako ng mga katulong na nakakasalubong ko at nginingitian ko naman sila.

"Kuya I want a car too" Sabi ko at nilingon si Kuya Harry.

"Kung makapagsabi ka parang nagpapabili ka lang ng candy ah" Natatawang sabi naman sa akin ni Kuya Harry.

Napangiwi naman ako at dumiretso na sa aking kwarto.

"Madame ito na po ang mga gamit mo" Tumungo pa sa akin si Gab at saka humawak sa kaniyang dibdib.

Agad ko siyang nilapitan at saka binatukan.

"Kakauwi ko pa lang gusto ko na bumalik ng Germany. Na-stress agad ako sa inyo" Inis na sabi ko

"Stress ang baby" natatawang sabi naman ni Gab habang papaalis siya.

Malakas ko naman na sinarado ang pinto para alam nila na totoong naiinis na ako sa kanila.

Napaupo ako sa kama. Agad kong kinuha ang sulat sa bag ko na maliit.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

"T-tulong!" Agad ko na sigaw nang marinig ang kaniyang sinabi.

Manyak. Mamamatay tao.

Right to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon