Chapter 18: Baby

230 5 0
                                    

MAHIGIT dalawang buwan ko nang iniiwasan si Kyle and I noticed na napapansin na rin nina Tita Lilienne.

Ito tamang gawin para mas madali kong maibaling sa ibang bagay itong nararamdaman ko Kyle.

Papaalis na Sana ako ng may tumikhim sa aking likod.

"Stacey? Hindi pa ba kayo nagkakaayos ni Kyle?" usisa niyang tanong.

Pinilit kong patatagin ang aking loob para hindi ko masabi sa kanya Ang totoong rason ko kung bakit ko siya iniiwasan.

"Ah! Hindi po Tita matagal na po kaming nagkaaayos. Naalala niyo pa ba noong tinanong niyo ako ulit? Iyon Tita ang huli naming pag-aaway"

"Are you sure Iha? Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang buwan hindi ko kayo nakikitang nag-uusap, minsan hindi rin kayo nagsasabay na pumasok sa klase at minsan namin umuuwi kang maaga habang siya naman ay ginagabi"

Natahimik ako ng ilang segundo bago ako makahanap ng aking isasagot. Alam kong hindi dapat ako magsinungaling sa kanya pero wala akong choice kaysa naman sabihin kong nahuhulog na ako kay Kyle.

"Iyon ba Tita? nitong mga nakaraang buwan kasi Tita may kanya kanya kaming grupo para sa isang project namin na kailangang ipasa bago mag-midterm finals"

"Sorry, Iha! Hindi ko lang kasi gustong maulit muli ang hindi niyo pagkakaintindihan ni Kyle. Kung maari ituring niyong magkapatid ang isa't isa"

Umiwas ako ng tingin sa sinabi ni Tita "Oo naman po Tita" saad ko.

"Oh! sige mukhang hinihintay ka na niya sa labas"

Pagkalabas ko sa Mansyon nadatnan ko si Kyle na nakasandal sa kanyang kotse. I look like a teenager na kinikilig sa kanyang crush. He's wearing an all-black outfit that suits his bad boy look.

Nagkakatitigan kami pero ako na yung unang umiwas at pumasok na sa kotse

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nakatingin lang siya ng diretso sa daan habang ako naman ay nakatingin lang sa bintana.

Makaraan lang ng minuto ng may napansin ako "Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi ko na sana siya kakausapin pero iba ang tinatahak naming daan.

Hindi niya ako pinansin bagkus nakatingin lang sya sa harapan habang nagmamanaheho.

"Are you deaf? Doon ang daan papunta sa school?" inis kong sabi

"I know" malamig niyang Sabi

"Eh, Alam mo pala bakit sa iba tayo dumadaan. Yung totoo saan tayo pupunta? " Naiinis na ako sa kanya

"SHUT UP" Nagulat ako sa kanyang sigaw kaya tumahimik na lang ako at Ibinalik ang tingin sa bintana.

Makaraan ng ilang minuto nasa byahe pa rin kami. I don't have the guts to ask him again baka kasi masigawan na naman niya ako. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at doon na ako linamon ng antok.

Paggising ko nasa loob pa rin ako ng sasakyan at ngunit wala na si Kyle sa driver seat kaya lumabas ako pero namilog kaagad Ang aking mata ng matanawan ko ang magandang tanawin.

I was amazed by the beautiful and breathing view. Humahaplos ang sariwang hangin sa aking mukha. Inilibot ko ang aking tingin at doon ko napagtanto na nasa itaas kaming lugar, walang tao pero maraming naggagandang mga puno at halaman.

"You're awake" rinig kong saad ni Kyle.

"What do you think?" sarcastic kong tanong sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at naglakad hanggang sa harap.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon