Chapter 30 : Kyle

178 4 1
                                    

Habang dumadaan ang mga araw palala na nang palala ang kondisyon ni Mom .Naaawa na ako sa kanya dahil minsan nahihirapan na siyang makahinga .

Kahit gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko ito dahil ayaw kong makita niya na mahina ako.

Nandito kami ngayon ni Mom sa aking kwarto dito sa mansyon,gusto ko siyang kasama palagi maski sa panunuod ng favorite naming thai drama.

Tinanghali na ako ng gising dahil madaling araw na kaming nakatulog dahil sa walang kataposang kwentuhan. I want to make a memories with my Mom.

Tinignan ko si Mom ngunit tulog pa ito kaya tumayo muna ako at nagtungo sa banyo para maghilamos.

Papalabas na sana ako sa aking warto nang bigla akong tawagin ni Mom "Stacey" mahina niyang Sabi

Nang makita kung tatayo na siya ay naglakad ako sa kanyang kinaroroonan "Bakit Mom?" I asked

Inalalayan ko siyang maupo sa kama " I know that you had a relationship with Kyle"

Nagulat at naguluhan ako sa kanyang sinabi " What do you mean Mom?"

" Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang mga araw iniiwasan mo si Kyle So I confronted him at doon niya sinabi sa akin na nagkaroon kayo ng relasyon pero dahil sa isang pagkakamali ay nasaktan ka niya"

Hindi ko napigilan ang paglandas ng aking mga luha dahil naalaala ko na naman ang mga tagpong pilit kong ibinabaon sa limot.

"Ssshhh Sorry dahil hindi ko na dapat ito inuungkat sa iyo pero ayaw kong manahimik na lamang sa gilid at patuloy kong panunuorin na nasasaktan kayo ni Kyle. Please try to talk to him Stacey, I know that he has a reasons at sinabi niya sa akin mismo iyon pero wala ako sa posisyon para sabihin iyon."

"A-k-a-l-a ko po magagalit kayo sa akin dahil nagkaroon ako ng relasyon sa pinsan ko mismo" mahina kong sabi

Yinakap niya ako " Paano ako magagalit sa iyo eh! nagmahal ka lang Naman. If others can easily judge you without knowing the truth then I'm not ,As your mother I'm always here to support your relationship as long as you're happy with him" pinunasan niya ang aking mga luha "Kung totoong magpinsan kayo ni Kyle ako mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo pero hindi mangyayari iyon dahil alam nating hindi kayo tunay na magpinsan"

I'm so blessed to have a thoughtful mother. Kahit hindi niya ako kadugo pero kung ituring niya ako para akong isang mababasaging bagay na sobrang Mahal.

Nakita kong namumula ang kanyang mata " Kung sakali mang mawala na ako sa mundong ito Anak I want you to be happy at ipapangako mo sa akin na hahanapin mo ang iyong tunay na pamilya kahit hindi mo sabihin sa akin may parte pa rin dyan sa pagkatao mo na kulang. So please take care of self Anak kahit anong gusto kong manatili dito sa tabi mo hindi ko na magagawa dahil sa sakit ko. I'm sorry for being a weak mother at kapag nahanap mo na sila pakisabi na   I'm so sorry kasi ninakaw ko ang mga sandaling makapiling ka namin ng Dad mo" She said at humagulgol na ito.

Napaiyak na rin ako dahil sa paraan ng kanyang pagkakasabi para na itong nagpapaalam " Mom naman! Ano ba yang sinasabi mo magkakasama pa tayo ng matagal" pagpapagaan ko sa kanya.

She shook her head repeatedly " No kasi nararamdaman ko na malapit na akong mawala"

"Stop Mom! Please mabubuhay ka pa! Natatandaan ko pa sabi niyo sa akin na kapag ikakasal ko sa taong mahal ko kayo ang maghahatid sa akin sa altar  at sabi niyo gusto mong makita ang mga apo niyo p-e-r-o  papaano niyo maisasagawa kung w-a-l-a na ka-y-o" hikbi kong sabi sa kanya.

"I-m sorry S-t-a-c-e-y"

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa nakarinig kami ng katok mula sa labas ng aming kwarto.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon